NAIINIP akong nakaupo sa isang table for two dito sa Bonne Cuisine Restaurant, habang naghihintay sa isang walang kwentang unggoy. Ang sabi sa akin ni Mommy ay dito raw kami magmi-meet ng lalaking nagngangalang Cedrick Uy.Shit! Bakit ba kasi ako ang nauna? Ako tuloy ang naghihintay ngayon. Ang sabi naman kasi ay 7:00 pm, at katulad ng lagi kong ginagawa ay nagpapalate ako para malaman agad nila na wala akong pakialam sa kanila at para na rin makapag-search tungkol sa kanila. Katulad na lang ng ginawa ko kanina bago ako pumunta dito.
Tsk, mukhang wala rin naman pa lang plano 'yung Cedrick Uy na 'yon na pumunta rito. Mabuti na rin 'yon at nang matapos na ang kalokohan ng ina ko. Kaya lang hindi ko pa rin maiwasang hindi mainis. Dapat pala hindi na rin ako pumunta dito para nang sa ganun, hindi na ako nagsayang pa ng gasolina. Nakakainis! Kapag nakita ko 'yung Cedrick Uy na 'yun, babalatan ko talaga siya ng buhay!
Tatayo na sana ako mula sa pagkakaupo para umuwi na, nang biglang may umupo sa upuan na nasa tapat ko. Nabaling naman kaagad ang tingin ko sa kaniya.
"Hi! Ikaw ba si Haylee? Sorry I'm late. It's just that maraming ginagawa ang gwapong tulad ko." Nakangiting aniya na mas lalong nakapagpairita sa akin.
Nakakangiti pa talaga siya ng ganiyan samantalang late siya. Err, infairness gwapo nga siya... gwapong unggoy!
"No, I am not Haylee. I think you got the wrong person." Sabi ko at tumayo para umuwi na. Wala talaga akong mapapala dito, baka matangay pa ako ng kahanginan niya.
"Wait! Ikaw si Haylee eh, hindi pwedeng magkamali ang gwapong tulad ko. Tita Paula sent me your picture." Aniya na nakapagpatigil sa akin.
On the second thought, may pinangako pala ako kay Mommy. Kaya naman ay naglakad ako pabalik sa kinauupuan ko.
"Oh, see! Hindi talaga nagkakamali ang gwapong tulad ko. Ikaw nga si Haylee!" Natutuwang aniya na kulang na lang ay magtata-talon siya sa tuwa.
Tss. Para siyang bata.
"Ako nga pala ang gwapong si Hans Cedrick Uy. 20 years of age, studying at Raikuzan University. At galing ako sa tiyan ng Mommy ko." Pagpapakilala niya sa sarili niya.
Imbis na magpakilala rin ay tinitigan ko lang siya. More like death glare. Pero kahit nakamamatay na ang mga titig ko sa kaniya, mas lalo lang akong naiinis dahil hindi pa rin nawawala ang malapad na ngisi niya.
"Bakit ganiyan ka makatingin sa akin? Siguro crush mo na agad ako no?" Nakangising aniya.
Tsk. Hindi niya ba alam ang kaibahan ng titig ng may gusto sayo at death glare. Stupid!
"Uy, ba't hindi ka nagsasalita? Hindi ka naman pipi kasi nagsalita ka kanina. Ang sabi mo pa nga, 'no I am not Haylee. I think you got the wrong person.' " he said, trying to imitate my voice.
Nakakainis talaga siya! Napakadaldal niya. Dinaig niya pa ang isang babae sa kakadaldal.
"Tsk, stupid!" Mahinang sabi ko.
"Huh? Sinong stupid? Hindi stupid ang pangalan ko. Ako si Hans Cedrick Uy." Aniya.
Err, hindi talaga ako makakatagal dito sa kinauupuan ko kung siya ang kaharap ko. A childish stupid monkey who talks like a girl and now a slowpoke too. I need to get out of here this instant. Pero syempre hindi ako makakapayag na hindi makaganti sa ginawa niyang pagpapahintay sa akin.
Now, kailangan ko lang makaisip ng paraan para makatakas dito and at the same time, makaganti sa kaniya.
Napatingin ako sa isang babae na tumawag ng waiter. Mukhang nabuhusan ng kung ano ang kasama niya and suddenly, a brilliant idea came up into my mind. Now I know what to do.
BINABASA MO ANG
Silent Affliction Of The Harmful (PGS #2)
ActionHaylee Chris Lim can make your devices explode in just one sitting. That's why she is known as Harm of the Phantom Goddesses. An unfortunate event from her past caused her to block those innocent people who want to be close to her. But there was a s...