Chapter 28

795 35 0
                                    


AGAD NA BINILISAN ko ang paglalakad nang makatanggap ako ng text message galing kay Ms. Dela Vega na nagsasabing nandoon na daw siya sa loob ng Director's office at naghihintay sa akin.

Gabi na nang makauwi kami ni Cedrick mula sa Maria Miracles Orphanage kahapon kaya napagdesisyunan kong ngayon na lang kitain si Ms. Dela Vega. I texted her last night telling her to be at the Director's office today after her afternoon class and I also asked her to bring something for me.

Nang makarating ako sa tapat ng Director's office ay mabilis na pumasok ako nang makitang walang nakatingin sa akin. Agad ko namang nakita si Ms. Dela Vega na nakaupo sa isang pang-isahang sofa. Sinalubong naman niya ako ng isang ngiti nang mapansin niya ang pagpasok ko.

"Haylee!" Nakangiting tawag niya sa akin.

Tipid na ngumiti ako sa kaniya sabay upo sa katapat na upuan.

"Dala mo ba?" Tanong ko na pinapatungkulan ang isang bagay na pinapadala ko sa kaniya.

"Yeah, of course," aniya at inilabas mula sa shoulder bag niya ang isang puting baby gloves at ibinigay ito sa akin. "Here."

"Good." sabi ko sabay tinanggap ito.

"Uhm, ano palang gagawin mo diyan?" Nagtatakang tanong niya.

Inilabas ko mula doon ang isang kwintas. Yes, the one that she recieved from a mysterious girl named Anna.

"I'll use this as a bait Eliza." Sagot ko sa tanong niya na ikinakunot lang noo niya. Based from her reaction, ay mukhang mas lalong naguluhan lang siya sa isinagot ko but that's great. Hindi niya muna pwedeng malaman kung ano ba talaga ang balak kong gawin sa kwintas na 'to.

"What do you mean?" Tanong niya na sinagot ko lang ng isang ngiti pagkatapos ay tumayo na ako mula sa aking kinauupuan.

" 'wag kang mag-alala iingatan ko naman 'to. See you around Eliza, I need to go." Hindi ko na siya hinintay na makasagot pa at walang imik na lumabas na ako ng Director's office.

Napatingin naman ako sa wrist watch ko. Sakto at tapos na ang afternoon classes kaya ang mga estudyante ay patungo na sa kanilang mga clubs kaya nagsimula na akong humakbang patungong Chem Lab. I need to make my move now.

Watch me, Anna Davies.

Nang nasa tapat na ako ng Chemistry laboratory ay huminto muna ako't isinuot ang necklace na may daisy flower pendant. Nang masiguradong tama lang ang pagkakapwesto nito sa leeg ko ay taas noong pumasok ako sa loob.

"Hi Haylee!" Masiglang bati ni Myka sa akin.

"Hi! ano nang ginagawa niyo?" Tanong ko sabay libot ng paningin ko sa loob. Wala pa rito sila Carlos at Jeffrey pero hindi na 'yon mahalaga. Ang importante ay nandito si Anna Davies na hindi man lang ako tinapunan ng tingin at nanatiling nakatuon ang atensiyon sa kung anuman ang isinusulat niya sa notebook niya.

"Ah wala pa, wala pa kasi si Carlos eh. Sinabi niya kasing we should wait for him dahil may importante daw diyang sasabihin." Aniya na tinanguan ko na lang.

"Uy, ang ganda ng necklace mo ah!" Namamanghang sabi niya nang makalapit ako sa kaniya.

"Patingin nga," ani Pinky at tiningnan ang kwintas na suot ko. Pansin kong napatingin na rin si Chelsea ngunit parang wala lang narinig si Anna na patuloy pa rin ang pagsusulat. "Wow, oo nga ang ganda!"

"Yeah, it's beautiful Haylee. Napakaganda ng pendant." Chelsea complimented while staring at the pendant. Hindi ko rin masigurado pero base sa pagsasalubong ng mga kilay niya ay mukhang pamilyar sa kaniya ang kwintas.

"It's a daisy flower right?" Tanong niya pa habang nakatingin pa rin sa pendant.

"Yeah." Tanging naisagot ko habang pinag-aaralan kung bakit gano'n ang naging reaksiyon niya.

Silent Affliction Of The Harmful (PGS #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon