Access Granted...Data Analyzing...
Downloading files...
Sunod-sunod na tumatak ang mga 'yon sa screen ng computer ko. Kanina pa kasi ako naghahanap ng personal informations tungkol kay Shenny. Nagawa ko namang makuha ang file niya sa RU pero hindi sapat 'yon para malaman ko kung sino ba talaga siya at kung may kinalaman ba siya sa kaso ni Ms. Dela Vega.
Agad na tiningnan ko ang mga file ng mga taong may pangalan na Shenny Rom. Marami ang lumabas na results pero tatlo lang ang eksaktong may pangalan na ganun. Binuksan ko at binasa ang ika-una pero napailing nalang ako nang profile ng isang cashier sa isang mall ang lumabas. Binuksan ko naman ang pangalawa pero profile ng isang matandang babae ang lumabas. Agad na binuksan ko ang pangatlo pero agad ring nagsalubong ang mga kilay ko nang profile ng isang batang babae na mga nasa 8 years old lang ang lumabas.
Bakit wala ang profile niya? Shenny Rom ba talaga ang totoong pangalan niya? O posibleng pineke niya lang ang file na ipinasa niya sa Raikuzan University?
Tsk. Unti-unti tuloy na napupunan ang mga pagdududa ko tungkol sa katauhan niya. Pero kung siya nga 'yong babaeng nakaharap ko nung gabi na 'yon, bakit parang binabalaan niya kahapon si Ms. Dela Vega na umalis na ng RU? Pero kahit na ganun ay hindi pa rin kami dapat na magtiwala sa kaniya. Maaaring palabas lang ang lahat ng mga sinabi niya para lituhin si Ms. Dela Vega.
Kahit pa man ay hindi ko nakita ang profile niya sa tatlong may pangalan ng Shenny Rom kanina, ay hindi pa rin ako sumuko at pinagpatuloy ko pa rin ang pangha-hack ng iba't-ibang mga systems para lang mahanap ang profile niya. At habang nag-a-analyze pa ng data ang computer ay tumayo muna ako at lumipat ng pwesto sa kama ko. Binuksan ko naman ang laptop ko at binasa ang file na idinownload ko sa S.O. nung isang araw.
Ang file na 'yon ay tungkol sa Golden Snake necklace na gustong makuha nung B.V. na 'yon mula kay Ms. Dela Vega. Kailangan kong malaman kung ano talaga ang halaga ng kwintas para sa B.V. na 'yon. Dahil kung balak lang niya itong kunin dahil sa malaking pera, sa tingin ko ay hindi na niya kailangan na umabot pa sa pagpapadala ng mga death threats at idagdag pa ang posibilidad na baka may kinalaman din siya sa nangyari noon sa pamilya ni Ms. Dela Vega.
Kailangan ko lang ng konting panahon at mapagdudugtong-dugtong ko rin ang lahat.
Nasa kalagitnaan na ako ng pagbabasa nang bigla akong makaramdam ng uhaw kaya naman ay tumayo muna ako at lumabas ng kwarto para kumuha ng isang baso ng tubig.
Pagkalabas na pagkalabas ko ay natigilan ako nang biglang may humawak sa balikat ko. At dahil do'n ay bigla kong hinawakan ang kamay niya at mabilis akong umikot para madala iyon sa likod niya.
"A-Aray! Lee, ako 'to." Aniya at agad ko naman siyang nakilala kaya binitawan ko na siya.
"Awh! Hindi pala maganda na ginugulat ka." Aniya habang hinihimas himas ang braso.
Hindi ko nalang siya pinansin pa at dumiretso nalang ako papunta sa kusina para uminom.
Pabalik na sana ako sa kwarto ko nang bigla na naman niya akong tawagin.
"Lee! Matutulog ka na?" Tanong niya. Napahinto naman ako sa paglalakad pero hindi ko siya nilingon.
"Can you stop talking to--- What the hell happened to you?" Biglang tanong ko nang paglingon ko sa kaniya ay nakita kong may pasa siya sa mukha. Hindi ko 'yon nakita kanina dahil sa nakatalikod siya sa akin.
"Bakit Lee? Hindi na ba ako gwapo?" Nakangusong tanong niya habang tinatakpan ang pasa niya sa may labi.
The fudge! Nagpapa-cute ba siya?
Tumikhim naman ako bago sumagot.
BINABASA MO ANG
Silent Affliction Of The Harmful (PGS #2)
ActionHaylee Chris Lim can make your devices explode in just one sitting. That's why she is known as Harm of the Phantom Goddesses. An unfortunate event from her past caused her to block those innocent people who want to be close to her. But there was a s...