KUMATOK ako ng tatlong beses sa pinto ng Chem Lab at ilang segundo lang ay binuksan ito ni Carlos na nakakunot ang noo pero agad rin namang nawala nang makilala ako."Haylee?"
"I want to join your club." Diretsong sabi ko sa kaniya.
Kita ko namang nagulat siya sa sinabi ko pero nakabawi rin siya agad at binigyan lang ako ng isang ngiti.
"So you already decided." Aniya.
"Yeah, I jus---"
"Sino 'yan Carlos?" Putol ng isang masiglang boses sa dapat sana'y sasabihin ko. Nilakihan naman ni Carlos ang pagkakabukas sa pinto para makita ako ni Myka. As usual ay nakatwin ponytail pa rin siya at agad na napangiti naman siya ng malapad sa akin.
"Hi Haylee!" Bati niya habang kumakaway-kaway pa.
"Hi Myka," bati ko rin at tipid na ngumiti sa kaniya.
"Halika pasok ka, Nakapagdesisyon ka na bang sumali sa club namin?" Nakangiting tanong niya.
"Oo sana, pwede pa ba?"
"Oo naman! Yes na yes! Akala nga namin ay babalewalain mo na lang ang offer namin eh. Buti na lang at nakapagdesisyon ka nang sumali." Aniya at gumilid para tuluyan na akong makapasok.
"Why would I reject such good offer?" Makahulugang sabi ko at tipid na ngumiti.
"Guys! Let's welcome Haylee to our club!" Masiglang sigaw ni Myka dahilan upang mapatigil ang iba sa mga ginagawa nila.
"Talaga Haylee? Sasali ka na sa club namin?" Nasasabik na tanong ni Chelsea.
"Oo naman, bakit hindi?" Sabi ko at halos lahat sila ngayon ay nakangiti sa akin maliban na lang sa isa.
Ilang segundo lang niya akong tiningnan mula nang makapasok ako sa silid, pagkatapos nun ay ibinalik na niya ulit ang tingin niya sa ginagawa niya. Katulad nung una akong napunta rito ay may isinusulat pa rin siya sa notebook niya.
"Pero teka, kailangan pa bang gawin ni Haylee 'yon para maging official member na siya?" Tanong ni Pinky sa mga kasamahan niya na ipinagtaka ko.
Ano naman ang kailangan kong gawin?
"Of course she must," rinig naming sabi ni Shenny dahilan upang mapalingon kaming lahat sa kaniya. "It will be unfair for us if she will not do that. And besides, wala pa siyang napapatunayan kung karapatdapat nga siyang maging member ng club natin."
Saglit naman ulit siyang napatingin sa akin pero sa sandaling 'yon ay ramdam ko ang malalim na pagtitig niya sa mga mata ko. Pagkatapos ay ibinalik na niya ulit ang tingin niya sa ginagawa niya. Napakurap na lang ako at humarap kay Myka.
"What is she talking about? Anong kailangan kong gawin?" Tanong ko sa kaniya.
"Ah kasi Hay---"
"You need to recite the whole periodic table of elements in order to be an official member of our club." Putol ni Carlos sa sasabihin ni Myka dahilan upang mapatingin ako sa kaniya.
Para naman akong nabunutan ng tinik sa lalamunan nang sabihin niya 'yun. Akala ko naman kung anong ipapagawa nila sa akin. Hindi pa naman ako magaling sa paghahalo-halo ng kung anu-anong chemicals, 'pag nagkataon na 'yon talaga ang pinagawa nila sa akin ay baka bigla na lang kaming sumabog rito.
Sa pagkakaalala ko kasi ang itinuro lang sa amin noong nagte-training pa lang kami ay kung anong mga chemicals ang kakailanganin para gumawa ng pampatulog, lason at pampasabog. At sa kinamalas-malasan pa ay hindi ko na saulo ang mga 'yon. Wala naman kasi akong interes nun sa mga ganiyang bagay kaya agad kong kinalimutan. I'm a hacker not a scientist, I hold gadgets not laboratory apparatus, I memorize codes not chemicals.
![](https://img.wattpad.com/cover/110196488-288-k749614.jpg)
BINABASA MO ANG
Silent Affliction Of The Harmful (PGS #2)
ActionHaylee Chris Lim can make your devices explode in just one sitting. That's why she is known as Harm of the Phantom Goddesses. An unfortunate event from her past caused her to block those innocent people who want to be close to her. But there was a s...