NAGPAKAWALA ako ng isang malalim na hininga sabay sara ng laptop ko. Nandito ako ngayon sa rooftop para malayang mapanood ang mga estudyante ng Raikuzan University mula sa mga CCTV footages dito, partikular na ang isang babaeng kanina ko pa pinapanood na wala namang ibang ginawa kung hindi ang manatili sa loob ng library at magsulat ng kung ano sa notebook niya.Si Shenny Rom o mas nararapat siguro na tawagin ko sa totoong pangalan niya. Anna Davies. Mahigit isang oras ko na rin siyang pinapanood mula sa laptop ko ngunit wala siyang ginawa kundi ang magsulat sa notebook niya na sa tingin ko ay ang kaparehong notebook pa rin na lagi kong nakikitang dala-dala niya.
Napapaisip tuloy ako kung ano ang meron sa notebook na 'yon. Pero ang mas iniisip ko talaga ngayon ay kung ano ang gagawin kong hakbang para malaman ko kung ano ba talaga ang totoong kinalaman niya sa kaso ni Ms. Dela Vega. Bakit niya ito bibigyan ng baby gloves na naglalaman ng kwintas? Pwera na lang kung tama ang hinala ko tungkol sa kaniya.
Binuksan ko ulit ang laptop ko at binuksan ang file na naglalaman ng personal information niya at muling binasa ang isang address na nakalagay kung saan siya kasalukuyang nakatira pati na rin ang address ng bahay ampunan na pinanggalingan niya.
Napag-alaman ko kasi mula sa profile niya na inampon lang pala siya ng pamilyang Davies noong walong taong gulang pa lang siya, ngunit namatay ang mga ito sa isang aksidente noong 13 years old siya. Bilang nag-iisang anak ay sa kaniya ipinamana ang natitirang negosyo at mga ari-arian ng mag-asawa. At dahil wala pa siya sa tamang edad para opisyal na patakbuhin ang kompanya ng mga magulang, ay kasalukuyan itong pinapatakbo ng pinagkakatiwalaang sekretarya ng mag-asawang Davies na nagngangalang Shenalyn Rom.
Ngayon alam ko na kung saan niya nakuha ang pangalang ginagamit niya ngayon sa Raikuzan University. Pero ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit siya nagpapanggap bilang Shenny Rom. Nabasa ko na lahat ng informations na nakapaloob sa profile niya pero hindi naman nakalagay ro'n na nagkaroon siya ng koneksiyon sa Underworld kaya imposible rin na isa siyang undercover agent.
Isinirado ko na lang ulit ang laptop ko at isinilid ito sa bag ko pagkatapos ay tumayo na ako't nagsimulang magtungo sa parking lot. Nang makababa na ako mula sa rooftop ay tatawagan ko na sana si Tear para magpahatid sa Maria Miracles Orphanage---ang bahay-ampunan na pinanggalingan ni Anna Davies. Ngunit hindi ko na naituloy ang pagtawag sa kaniya nang ang malakas na pagtawag ni Cedrick sa pangalan ko ang pumuno sa tainga ko. Muntik ko pang mabitawan ang cellphone ko sa pagkagulat.
"LEE!" Sigaw niya ulit. Mariin kong ipinikit ang mga mata ko bago ko siya nilingon.
"You. Don't. Need. To. Shout." Sabi ko na diniinan ang bawat salita.
"Hehe sorry Lee!" Nakangiting sabi niya. "Saan ka nga pala nagpunta? Kanina pa kita hinahanap eh."
"At bakit mo naman ako hinahanap?" Tanong ko.
"Sa tingin mo bakit?" Aniya pagkatapos ay itinaas baba pa ang mga kilay niya.
"Pwede ba wala akong panahon para makipaglaro ng guessing game sa'yo." Sabi na lang at tinalikuran na siya.
"Teka lang Lee, saan ka ba kasi pupunta?" Tanong niya habang hinahabol ako kaya mas binilisan ko pa ang paglalakad.
"Wala, dito lang."
"Weee, hindi nga? Parang palabas ka na nga ng building eh? Lalabas ka ng Raikuzan noh?" Tanong na naman niya na hindi ko na lang sinagot pa.
There's no point in lying kung susundan pa rin niya ako hanggang parking lot.
"Pwede ba akong sumama?"
"No." Sagot ko agad.
"Sige na Lee, pareho naman tayong vacant sa oras na 'to kaya sama na lang ako sa'yo." Pagpupumilit niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/110196488-288-k749614.jpg)
BINABASA MO ANG
Silent Affliction Of The Harmful (PGS #2)
ActionHaylee Chris Lim can make your devices explode in just one sitting. That's why she is known as Harm of the Phantom Goddesses. An unfortunate event from her past caused her to block those innocent people who want to be close to her. But there was a s...