Chapter 25

994 40 4
                                    

INIHINTO ko ang kotseng minamaneho ko sa harap ng bahay ni Ms. Dela Vega. Linggo ngayon at napagdesisyunan kong magpunta sa kanila para lang may itanong. Lumabas agad ako ng kotse at nagtungo sa gate para mag-doorbell

"Sino po sila?" Tanong ng isang babae na nakasuot ng uniporme na pangkatulong na siyang nagbukas ng gate pagkatapos kong mag-doorbell.

"Just tell Ms. Dela Vega, it's me, Ms. Lim." Sabi ko sa kaniya habang nakatingin sa wrist watch ko.

Hindi na ako nagtanong pa kung nandito ba si Ms. Dela Vega dahil syempre trinack ko muna ang kinaroroonan niya bago ako umalis mula sa condo. Kailangan ko ring makabalik sa condo bago maghapon dahil hindi alam ni Cedrick na hiniram ko ang kotse niya. Kotse niya nga ang ginamit ko para makapunta rito.

Pagkalabas ko kasi ng kwarto ko kanina para umalis ay nakita ko siyang natutulog sa sofa, kung hindi kasi ako nagkakamali ay madaling araw na siyang nakauwi at sa mga oras na 'yon ay gising pa ako at nakaharap sa laptop ko habang binabasa ang casefile na ipinadala ni Kuya Tom. At dahil alam kong si Cedrick ang gumagawa ng ingay sa sala ay hindi na ako lumabas pa ng kwarto ko.

Hindi ko nga napansin kanina na ilang segundo rin pala akong nakatitig sa mukha niyang mahimbing na natutulog. Tss, kung titingnan kasi siya para siyang maamong anghel na hindi gumagawa ng kalokohan. Pero ang totoo ay isa talaga siyang abnormal at malokong tao na galing sa Underground para sumali sa isang gang fight. Pansin ko kasi ang maliit na tuyong dugo sa kamao niya, at sigurado akong hindi sa kaniya galing ang dugo na 'yon kung hindi sa kawawang nilalang na nakalaban niya.

Aalis na sana ako nang tuluyan nun nang mahagip ng tingin ko ang susi ng kotse niya na nasa sahig, kaya naman nakaisip ako ng isang magandang ideya. Dahil ayaw kong mag-commute ay hihiramin ko na lang ang kotse niya. Pero imbis na gisingin upang humingi ng pahintulot, ay pinaamoy ko pa siya ng pampatulog para madagdagan ng limang oras ang tulog niya. Syempre hindi ko siya gigisingin, malamang mangugulit lang siya at magtatanong kung saan ako pupunta, or worst baka bigla siyang ngumawa sa harapan ko habang pinipilit akong isama siya.

Hindi ko tuloy maiwasang lihim na matawa dahil sa kaabnormalang naisip ko.

"Ay Ms. Haylee Lim po ba?" Tanong niya na nagtatakang tinanguan ko lang. Pagkatapos ay nilakihan niya ang pagkakabukas ng gate para papasukin ako. "Tuloy na po kayo, sinabi na po ni Ma'am Eliza sa amin na papasukin kayo 'pag nagpunta kayo rito."

Humakbang na naman ako papasok dahil sa sinabi niya at agad na nagtungo sa loob ng bahay. Dala ng puyat at pagod ay umupo ako sa pang-isahang sofa kahit hindi naman ako pinapaupo. Sumandal ako rito at ipinikit ang mga mata ko.

"You look tired," rinig kong sabi Ms. Dela Vega na ramdam kong papalapit sa akin.

"I am." Sagot ko.

"You know what, Haylee. Don't stress yourself with this case. Try to rest, wala na naman akong natatanggap ngayong death threats eh." Aniya at kahit hindi ko pa idinidilat ang mga mata ko ay nararamdaman kong umupo siya sa sofa na nasa tapat ko.

"I am tired, yes. But who says I'm stressed?" Sabi ko at iminulat ang mga mata ko para tumingin sa kaniya. "The truth is, I am enjoying your case Ms. Dela Vega. And maybe you haven't received death threats for how many days now, but it doesn't erase the fact that your life is still in danger. Hahayaan mo bang makalapit sila sa'yo bago ka pa kumilos? Malamang kapag gano'n ang gagawin mo, siguradong hindi ka na makakapag-celebrate ng birthday mo."

Natawa naman siya matapos kong sabihin 'yon.

"Ano pa bang inaasahan ko? Sa ilang araw pa lang na nagkasama tayo dahil sa misyon mo ay alam ko nang matigas talaga ang ulo mo." Naiiling na aniya na sinuklian ko lang ng isang masamang tingin. "Mabuti pa, dito ka na mananghalian, nagluluto ako ng adobo eh. Every Sunday kasi ay nandito lang ako sa bahay at ako na ang nagluluto ng pananghalian at hapunan namin."

Silent Affliction Of The Harmful (PGS #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon