Chapter 35

586 25 4
                                    


'Don't forget to come to my house at 6 pm. Don't worry about your dress and all the kaartehan. Leave it all to me.'

Napailing na lang ako pagkabasa ko sa message ni Ms. Dela Vega. Talagang gusto niya akong isama sa party na pupuntahan niya mamaya. At dahil wala rin naman akong ibang gagawin ay napagisipan kong sumama na lang.

I checked the time and saw that it's already four in the afternoon. Inihinto ko ang kotse sa tapat ng isang malaking bahay. Isinuot ko ang hood ng jacket ko bago lumabas.

Nang magising ako kanina ay naabutan kong natutulog si Cedrick sa living room. I didn't want to stay there and watch him sleep kaya nag-ayos ako at nagtungo sa Sword. Though it was really tempting to stay there and watch him sleep.

Oh fudge!

I think I have to make myself really busy today so that I won't be thinking about unnecessary things. Kaya naman ay nag focus na lang ako sa paggawa ng narrative report tungkol sa misyon ko. I used to make narrative reports after finishing a mission pero dahil wala akong ibang magawa ngayon at gusto kong maging busy, ay yun na lang ang pinagkaabalahan ko. At dahil hindi pa naman tapos ang misyon ko kaya draft lang muna ang ginawa ko.

Narinig kong nag ring ang phone ko na hawak ko lang kaya sinagot ko rin ito agad nang hindi tinitingnan kung sino ang tumatawag.

"Yes?" I greeted as I pressed the door bell.

["Lee! Nasaan ka?"] I instantly rolled my eyes when I heard Cedrick's voice on the line.

"I'm somewhere."

["Buti naman..."] rinig kong sabi niya sabay nagpakawala ng malalim na hininga. ["Akala ko kasi nakidnap ka na. Wala ka kasi pagkagising ko."]

Napataas naman ang kilay ko.

"Tss, stupid."

["maka stupid naman 'to. Nag-aalala na nga ako rito."] Pinigilan ko namang matawa sa sinabi niya lalo na't nai-imagine kong nakanguso siya ngayon habang sinasabi 'yon.

["Nga pala Lee did you sleep well last night?] biglang tanong nito.

I was about to answer him when the gate in front of me suddenly opened. An old lady wearing a maid's uniform greeted me with a smile.

"Sino po sila?"

"Remind me to kill you when I get home." Mahinang sabi ko kay Cedrick bago tinapos ang tawag.

Nakita ko naman na nagsalubong ang kilay ng babaeng nagbukas ng gate. I tried to smile at her.

"I am Anna's classmate. I need to talk to her."

"Kaibigan ka pala ni Anna, pumasok ka hija at tatawagin ko lang saglit si Anna." Aniya at nilakihan ang pagkakabukas ng gate para makapasok ako.

Hindi na lang ako nag react nang tawagin niya akong kaibigan ni Anna. Kapag classmate ba talaga ay considered na kaibigan mo na? Tsk.

Wala sa plano na pumunta ako ngayon dito pero habang gumagawa ako ng narrative report kanina at nang dumating sa parte na isinusulat ko ang mga nalaman ko tungkol sa nawawalang kapatid ni Ms. Dela Vega ay naalala ko bigla ang nangyari nung gabing nabaril siya. Mula kasi nun ay hindi pa ako nakakatanggap ng tawag o message galing sa kaniya. It's not like I care about her but she's Ms. Dela Vega's sister and we had a deal. Might as well check if she's still breathing because she gotta do her part of the deal.

That and there's something that I need her to do.

Prenteng naupo ako sa isang mahabang sofa nang magpaalam ang kasambahay na tatawagin daw si Anna. Inilibot ko ang aking mga mata sa buong lugar. Well, Anna was adopted by a rich couple indeed. She's lucky with that. If it's not because of her adoptive parent's wealth, she wouldn't find out her real identity.

Silent Affliction Of The Harmful (PGS #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon