Chapter 29

767 36 7
                                    


"LEE, sabay na tayong umuwi mamaya ha?" napapikit na lang ako sa inis nang ilang beses na niya akong kinukulit ngayong araw para sabay daw kaming umuwi mamaya.

"Ano bang maintindihan mo sa salitang ayaw ko?" Sabi ko at nagdire-diretsong naglakad papuntang Chem Lab.

"Sige na Lee, please!" Aniya na nakasunod pa rin sa akin. "Saan ka ba pupunta?"

"You don't have to know kaya pwede ba? Magkasama na nga tayo sa bahay tapos kinukulit mo pa rin ako hanggang dito?" Inis na sabi ko.

Hindi lang naman kasi ako sa kaniya naiinis. Mula pa kaninang umaga kasi nang makarating ako ay hindi ko mahanap si Anna Davies. Hindi siya pumasok at hindi ko alam kung bakit. Kailangan ko na siyang mapaamin tungkol sa totoong pagkatao niya dahil nauubusan na ako ng oras. Hindi pwedeng hindi ko siya pakialaman kahit alam kong hindi siya ang gustong pumatay kay Ms. Dela Vega. Alam ko kasing may maitutulong siya sa akin at kailangan ko rin masagot ang mga katanungnan na matagal nang gumugulo sa akin. Katulad na lang ng kung bakit niya itinatago ang sarili niya?

Huminto ako sa harap ng pinto ng Chem lab at hinarap si Cedrick na nakasunod pa rin sa akin.

"Will you just go away? Marami pa akong kailangan gawin."

"It's okay, I can wait." Nakangiting aniya na ikinatigil ko at sa hindi malamang dahilan ay biglang nawala ang pagkainis ko. "Hihintayin kita Lee, kahit gaano pa katagal."

Ibinuka ko ang bibig ko para magsalita kaso naitikom ko ito nang mapagtantong wala akong masabi. Bakit para sa akin ay may ibang kahulugan ang sinabi niya? Napapikit na lang ako.

Tsk, don't think too much Haylee!

Magsasalita na sana ako para pumayag nang biglang nagbukas ang pinto ng Chem lab at lumabas si Carlos. Natigilan naman siya ng makita kaming dalawa.

"Oh, Haylee nandito ka na pala. Pumasok ka na lang para makompleto na tayo." Nakangiting aniya.

Para naman akong nabuhayan nang marinig ang huling sinabi niya. Kung gano'n ay nasa loob si Anna Davies?

"Ako na lang ba ang kulang?" Tanong ko na tinanguan niya lang.

"Ah sige, mauna na ako may kailangan pa akong kunin sa Library eh." Paalam niya at naglakad na palayo.

Bahagyang umangat ang gilid ng labi ko sa nalaman. Nandito nga si Anna Davies. Mabuti naman kung gano'n.

"Tss, anong nginingiti-ngiti mo diyan?" Agad na nabaling ang tingin ko kay Cedrick nang bigla siyang magsalita.

Ano na namang problema ng lalaking ito? Kanina lang ay nangugulit 'to sa'kin ah, tapos ngayon nakasimangot na. Tsk, abnormal talaga!

"Nag-usap lang kayo, nakalimutan mo nang kasama mo ako. Tapos nung umalis siya ay bigla ka pang ngumiti diyan. Kinikilig ka ba sa kaniya?" Magkasalubong ang kilay na tanong niya.

"Ano bang pinagsasabi mo diyan? Hindi kita maintindihan." Anong sinasabi niyang kinikilig ako? Kanino? Kay Carlos? Sure ba siya?

"Hindi mo naman kasi ako iniintindi eh! Kung mas gusto mo siya kaysa sa akin, wala akong pakialam! Hindi ako magpapatalo sa kaniya! Sa akin ka pa rin sasabay pauwi." Aniya at naglakad na palayo.

Nagtatakang sinundan ko na lang siya ng tingin. Tsk, ano naman kayang nakain nun at nagiging abnormal na naman? Wala akong naintindihan sa mga sinabi niya. Atsaka sasabay naman talaga ako sa kaniya pauwi ah, 'yon sana ang sasabihin ko sa kaniya bago pa man lumabas si Carlos. Oh well, bahala na siya sa buhay niya. Tutal malaki na siya at utak lang niya ang bata. Sa ngayon kailangan ko munang trabahuin ang misyon ko.

Silent Affliction Of The Harmful (PGS #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon