Nang matapos ang huli naming klase ngayong hapon ay kaagad akong nagtungo sa rooftop. Saglit kong tiningnan ang oras sa relo ko at nang makitang saktong alas singko na ay mas binilisan ko pa ang pag akyat sa hagdan. Sigurado akong patungo na sa Chemistry lab sila Anna ngayon at kahit anong oras ay maaari na siyang gumawa ng paraan para mahiram ang cellphone ni Chelsea at kailangan nakahanda ako para gawin ang parte ko.
I hastily opened my laptop when I arrived at the rooftop. Wala pa akong natatanggap na notification kaya hindi pa siguro nahihiram ni Anna ang cellphone ni Chelsea. Mabuti na lang at sumakto pa ako sa oras. Napatingin ako sa phone ko nang bigla itong tumunog. Nang tingnan ko ay text lang pala galing kay Cedrick saying na hihintayin niya ako at sabay na raw kaming uuwi. I sighed and didn't reply to his message. Kung maaari ay ayaw ko muna siyang makasama. I don't like how I feel whenever he's with me.
Mayamaya pa ay naibaling ko ulit ang tingin ko sa laptop ko nang tumunog ito at nag pop up ang isang notification. Agad na ni-click ko ito nang makitang galing 'yon sa device na binigay ko kay Anna.
Transmitting virus... [30%]
Napangisi ako nang mabilis ang naging takbo ng transmission. Well, I worked hard on creating that virus. It should be fast. Few more seconds. . .
[65%]
[80%]
[95%]
Virus successfully transmitted
I don't know how she managed to get a hold of Chelsea's phone but it's a good job. Now it's time to do my real job. Now that I got the access to her phone, I went to see her contacts but there were no registered numbers there. I frowned. No messages in the inbox. No recent phone calls.
Looks like she anticipated that someone might hack her phone that's why it's all cleaned. But nah uh, game's not over. I set the virus to notify me whenever the phone gets a message or call. Habang ginagawa ko 'yon ay napatingin ako sa phone ko nang makatanggap na naman ako ng text message but this time, it was from Anna.
'How was it?'
I stopped what I'm doing to give her a reply.
'I got it. Good job.'
Nang masend ko na 'yon ay nakatanggap na naman ako ng text galing kay Cedrick.
'Nasa Chem lab ka pa ba Lee? Should I wait outside there?'
Mabilis naman akong nakapag reply sa message niya. Fudge! Hindi niya pwedeng malaman na wala ako ngayon doon.
'No, wait for me at the gate. I'll be there.'
Wala pang tatlong segundo mula nang mai-send ko 'yon ay nakatanggap na agad ako ng reply galing sa kaniya.
'aye aye captain!'
Napailing na lang ako at hindi na nag reply pa. Ibinalik ko ulit ang atensiyon sa ginagawa at nang matapos ay sakto namang nawala ang access ko sa phone. Looks like she turned her phone off like she always do whenever she's at the lab. Pero pansamantala lang naman mawawala ang access ko, babalik rin 'yon the moment she open her phone again. She wouldn't even know that her phone was hacked.
Inilagay ko na ulit sa bag ko ang laptop pagkatapos ay umalis na. May abnormal na lalaking naghihintay sa akin sa gate. Hindi naman ako masiyadong masama para paghintayin siya ng matagal. Baka mabagot pa 'yon at maunang umuwi. Tsk, sayang din ang free ride. Pero subukan lang niyang iwan ako at magugulpi ko talaga siya.
Nang makarating sa may gate ay agad kong nakita ang abnormal na kausap yung isa sa mga alipores nung Grace Lopez. Hindi ko matandaan ang pangalan niya at wala rin akong balak na alamin pa 'yon. Medyo binagalan ko ang paglalakad at pinagmasdan silang nag-uusap.
BINABASA MO ANG
Silent Affliction Of The Harmful (PGS #2)
ActionHaylee Chris Lim can make your devices explode in just one sitting. That's why she is known as Harm of the Phantom Goddesses. An unfortunate event from her past caused her to block those innocent people who want to be close to her. But there was a s...