"Bakit mo suot ang kwintas na 'yan? Sinabi mong ibinigay 'yan ni Ate Eliza pero hindi 'yon totoo! Akala ko totoong kapatid mo siya, akala ko totoong kapatid kita."What? Inakala niyang kapatid niya ako? Anong ibig niyang sabihin?
"What do you mean?" Naguguluhang tanong ko.
"Nalaman mo nga ang totoong pagkatao ko pero hindi ang totoong pangyayari."
Dahil mas naguluhan pa ako sa sinabi niya ay tinulak ko siya paikot hanggang sa makawala siya sa pagkakagapos sa chain weapon ko.
"Kung gano'n sabihin mo lahat sa akin ngayon Anna Davies." Utos ko pagkatapos ko siyang pakawalan.
"Bago ko gawin 'yon, sagutin mo muna ang tanong ko." Aniya.
"Shoot."
"Ikaw ba 'yung babaeng nakamaskara na tumulong sa Ate ko nung gabing pinagtangkaan ang buhay niya sa loob ng parking lot ng isang condominium building?" Tanong niya.
"Ako nga 'yon." Agad na sagot ko sa tanong niya. "Now, tell me everything I need to know."
"Hindi ko alam kung ano na ang mga alam mo tungkol sa akin kaya magtanong ka na lang at sasagutin ko." Aniya na diretsong nakatingin sa mga mata ko. It's like she's giving me assurance that she will tell me the truth about her identity.
"Alam ko nang magkapatid kayo ni Ms. Dela Vega pero bakit mo tinatago ang totoong pagkatao mo sa kaniya? Alam mo bang nangungulila siya sa pagkawala niyo? She even blamed herself dahil wala siyang nagawa nung araw na 'yon bago sumabog ang sasakyan. Pero ngayong buhay ka pala, bakit hindi ka man lang nagpakita sa kaniya at hinayaan mo siyang mangulila na lang sa pagkawala mo?" Sunod-sunod na tanong ko sa kaniya.
Hindi siya nakaimik agad kaya pinagmasdan ko na lang muna siya. Nakatungo lang siya at medyo nabigla ako nang makitang may kumawalang luha mula sa mga mata niya at diretso iyong nahulog sa sapatos na suot niya. Ilang minutong binalot muna kami ng katahimikan bago siya nagsalita.
"Hindi ako 'yon." Biglang sabi niya na ikinabigla ko.
"Anong ibig mong sabihin?"
"Hindi ako ang batang nasa loob ng sasakyan na 'yun Haylee," Aniya sabay nag-angat ng tingin.
Doon ko nakita ang isa-isang pagbagsak ng mga luha niya at ang mga mata niyang punong-puno ng kalungkutan. Dahil sa pagkabigla ay hindi ko nagawang magsalita at hinintay ko na lang na bigyan niya ako ng eksplinasyon tungkol sa sinabi niya.
"Hindi ako ang batang 'yon, hindi ako kailanman nakilala ng nakakatanda kong kapatid dahil ang buong akala nila ay isinilang ako na walang buhay." Tumigil muna siya saglit at tinuyo ang mga pisngi niya gamit ang likod ng palad niya pero nabasa lang ulit 'yon nang may luha na namang kumawala mula sa mga mata niya.
"Pero ang totoo ay buhay ako at iniwan sa labas ng isang bahay-ampunan. Lumaki nga ako do'n na wala akong alam kung sino talaga ang totoong pamilya ko. Lumaki ako na puro katanungan ang nasa isip ko at ang kwintas na 'yan lang ang tanging mayroon ako para mahanap ang pamilya ko." Aniya na tinutukoy ang kwintas na suot ko.
Wala sa sariling napahawak ako sa kwintas na nakasabit sa leeg ko ngayon.
"Nung inampon ako ng pamilya Davies ay lubos ang pasasalamat ko sa kanila dahil sa wakas magkakaroroon na ako ng pamilya. Hindi ko na nga inisip pa na hanapin ang totoo kong pamilya dahil baka nga inabandona na nila ako, pero nung mamatay sila Mommy at Daddy, doon ko napagtanto na kailangan kong hanapin ang totoong pamilya ko. Gusto ko silang sumbatan kung bakit nila ako nagawang iwan na lang ng basta-basta, kung bakit kailangan ko pang pagdaanan lahat ng mga masasakit na nangyari sa akin."
BINABASA MO ANG
Silent Affliction Of The Harmful (PGS #2)
AksiHaylee Chris Lim can make your devices explode in just one sitting. That's why she is known as Harm of the Phantom Goddesses. An unfortunate event from her past caused her to block those innocent people who want to be close to her. But there was a s...