"NAPAPANSIN ko lang Harm ah, parang ginagawa mo na kasi akong personal driver eh." Reklamo ni Tear habang nagmamaneho.Tinawagan ko kasi siya para kunin ako sa kompanya ni Ms. Dela Vega at dahil isa siyang mabuting kaibigan, ay hindi na siya umangal pa.
"Buti naman at napansin mo." Nakangising sagot ko sa tanong niya.
"Aba't gusto mo bang pababain kita ngayon dito mismo sa gitna ng kalsada?" Pasigaw na sabi niya.
"You won't do that." Natatawang sabi ko.
"Hmmp! Pasalamat ka at maganda akong kaibigan kaya hindi ko gagawin 'yon." Aniya.
"Whatever." Ang nasabi ko nalang.
Ilang minuto pa ng pagda-drive niya ay nakarating na rin kami sa labas ng condominium building kung saan ako kasalukuyang nags-stay.
"Ikaw Harm ah, hindi mo sinabing balak mo nang mag bagong buhay at iwan na ang pagkamuhi mo sa mga lalaki." Biglang sabi niya nang akmang bababa na ako.
"What are you talking about and who told you that I have a grudge against men?" Nagtatakang tanong ko.
"Ooops, wala ba? Akala ko kasi meron eh. Para kasing hindi pa kita nakitang naging malapit sa isang lalaki na hindi mo kakilala o kaano-ano." Aniya.
"Tss, I have nothing against them. It's just that sinusunod ko lang ang sinabi ni Nightmare sa'tin noon na 'wag basta-bastang magtitiwala." Natahimik naman siya saglit sa sinabi ko at parang napaisip naman siya sa sinabi ko.
Nagtatakang tiningnan ko naman siya sa ikinilos niya.
"Tama naman ako 'di ba?" Tanong ko habang makahulugang nakatingin sa kaniya.
Napakurap naman siya sa biglaang tanong ko at pilit na ngumiti sa akin.
"Yeah, you're right. Nightmare's right. We should never trust someone that easily." Sabi niya pero sa tingin ko ay mas sinasabi niya 'yon sa sarili niya. "Pero 'wag mo nga akong iligaw sa topic natin Harm!"
"Ano ba kasing topic natin dito?" Naiinis na tanong ko.
"You, living under the same roof together with Dark Knight Gang's Roku." Tsk, kung gano'n alam na pala niya.
"Don't mind it, wala lang 'yon. Alam mo naman kung gaano kalakas mantrip ang mga magulang ko 'di ba?"
"Yup, I know. Pero I don't think that they're doing this because pinagti-tripan ka lang nila." Seryosong aniya.
Tiningnan ko lang siya ng isang nagtatanong na tingin saka siya napapailing na ngumiti.
"I think sila na mismo ang gumagawa ng paraan para hindi na maulit ang nangyari noon."
Yeah, I know that. Sa simula pa lang alam ko nang ginagawa nila 'to because of what I did years ago. Pero kahit takot man silang maulit 'yon. I will never regret what I did.
"Why don't you give this a try Harm? Tamang-tama at parte na si Roku ng Underworld so you don't need to worry for his protection." Napailing nalang ako sa sinabi niya.
Bakit ba lahat na lang sila ay sinasabing bigyan ko ng chance na mag-work ang kalokohan ng mga magulang ko?
"He maybe a part of DKG but he's still an abnormal kid to me." Biglang sabi ko na ikinangisi niya.
"Looks like you're trying to protect him. Is he now important to you?" Nakangising tanong niya.
What? Me protecting that abnormal kid? Totally not gonna happen. Siguro ay na-misunderstand lang niya ang sinabi ko, tsk.
BINABASA MO ANG
Silent Affliction Of The Harmful (PGS #2)
ActionHaylee Chris Lim can make your devices explode in just one sitting. That's why she is known as Harm of the Phantom Goddesses. An unfortunate event from her past caused her to block those innocent people who want to be close to her. But there was a s...