Chapter 12

1.1K 48 3
                                    


"GOOD MORNING, I'm Haylee Chris Lim." Walang kagana-ganang pagpapakilala ko sa mga magiging classmates ko.

Nakatayo ako ngayon sa harap nila habang sila naman ay tinitingnan ako mula ulo hanggang paa. Tila kinikilatis kung anong uri ng tao ang pumasok sa classroom nila.

"Lim? How are you related to Harry Lim?"

Nabaling ang tingin ko sa babaeng nagtanong. She has this curly blonde hair na lagpas sa kaniyang balikat. May itsura din naman siya but I bet mas ma-i-emphasize ang ganda niya kung hindi lang sana niya pinuno ng kolorete ang kaniyang mukha.

Saglit kong ibinaling ang tingin ko kay Fear bago ibinalik sa babaeng nagtanong sa akin kanina. Knowing her, mukhang alam ko na agad ang unang pumasok sa isip niya nang makita niya ang babaeng 'to. Kung hindi clown, malamang ay coloring book.

"We're cousins." Sagot ko.

But speaking of my dear cousin, where is he by the way? Sinabi sa akin ni Fear kanina na kaklase namin siya pati na ang ilang miyembro ng Dark Knight Gang. At dahil hawak ko ang mga files ng bawat gang sa White City ay malamang kilala ko ang bawat miyembro ng gang na 'yon dahil lantaran naman ang pagiging gangster nila. At sa ngayon si Kent palang ang nakikita ko dito, na katabi ni Fear.

"Oh, really? That's a good thing! Don't you know that I am close to him? Oh, not just him but his gang also. I like you! I think we're gonna be good friends, I'm Grace Lopez by the way." Aniya at bakas ang pagkasabik sa boses niya. She's really looking forward to be my friend.

Tss. What a bad liar, hindi naman kapani-paniwala ang lahat ng nga pinagsasabi niya eh. Una, I doubt na may ka-close 'yong pinsan ko na babaeng katulad niya. Pangalawa, nabibilang sa mga daliri ko ang mga kaibigan nung lalaking 'yon at pangatlo, I don't think that we can be good friends. Maarteng boses pa nga lang niya ay naiirita na ako, what more kung lagi kaming magkasama?

"No thanks, I don't need a friend."

Nakita ko naman ang pagsasalubong ng kaniyang mga kilay sa sinabi ko.

"Are you trying to refuse the friendship I'm offering to you?" Tila hindi makapaniwalang sabi niya. Lahat ngayon ay nakatingin sa akin at hinihintay ang magiging sagot ko. Tsk, I really hate this.

"I'm not trying... I just did."

Napaawang naman ang mga labi niya at hindi makapaniwalang tiningnan ako. Rinig ko naman ang pagsinghap ng ilan sa kanila lalong-lalo na ang exaggerated expression ng mga babaeng katabi niya na sa tingin ko ay mga kaibigan niya. Hindi rin nakaligtas sa panigin ko ang pagpipigil ng tawa ni Fear sa sinabi ko. Palihim pa niya akong binigyan ng two thumbs up.

"Okay class, she will be your new classmate so please be kind to her." Ani Mrs. Jill sa kaniyang mga estudyante pagkatapos ay nakangiting humarap sa akin.

"Welcome to Raikuzan University Ms. Lim, pwede ka nang maupo sa likod ni Ms. Pattinson." Aniya at itinuro ang upuan na nasa likod ni Fear.

Naglakad naman ako patungo do'n at agad na naupo. Bumalik naman sa pagdi-discuss si Mrs. Jill na kanina lang ay pansamantalang natigil dahil sa pagdating namin ni Fear.

Naging komportable naman ako sa pwesto ko dahil nasa may bandang likuran ito pero nakaramdam ako ng kaunting pagkairita sa tuwing nahuhuli ko ang ibang mga kaklase ko na sumusulyap sa akin. Paano ba namang hindi ko sila mapapansin, eh nasa likuran ako kaya halatang-halata tuwing lumilingon sila sa akin. Pero mas pinili ko na lang na 'wag silang pansinin at sinubukan kong makinig kay Mrs. Jill.

'Sige ipilipit niyo pa ang ulo niyo papunta sa direksiyon ko. Tingnan lang natin kung hindi kayo magka-stiff neck.'

Nasa kalagitnaan kami ng discussion nang biglang bumukas ang pinto at isa-isang pumasok ang limang lalaki at lahat sila ay pamilyar sa akin. Ang isa sa kanila ay pinsan ko at ang isa naman ay ang lalaking gusto kong ilibing sa hukay.

Silent Affliction Of The Harmful (PGS #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon