INIHAGIS ko ang aking katawan sa malaki at malambot kong kama. Kakauwi ko lang galing sa Sword. Dumiretso kasi ako do'n, pagkaalis ko sa St. Anthony kanina. Inasikaso ko lang ang mga papeles para sa paglipat ko sa R.U. ayaw ko ngang si Nightmare ang gumawa no'n. Minsan kasi ang hilig niyang mantrip kapag pinapadala kami sa isang lugar at siya ang tumatrabaho sa fake documents namin para sa isang misyon ay iniiba niya ang pangalan namin at ginagawa niyang nakakatawa.No choice naman kami kundi gamitin 'yon dahil syempre para hindi mabulilyaso ang misyon. Tsk, naalala ko na naman tuloy ang naging pangalan ko nung huling misyon ko. Aish, nakaka badtrip talaga!
Naputol ang aking pag-iisip nang biglang tumunog ang cellphone ko. Tsk, tinatamad talaga akong sumagot ng phone call kaya nga hindi ko na tinitingnan kung sino ang caller eh. Nagpakawala muna ako ng isang malalim na hininga bago ko ito inabot at sinagot.
"Yes, hello?" Bungad ko sa caller.
["Harm."] Tawag niya sa codename ko with her usual cold voice.
"Oh Nightmare, napatawag ka?"
["I already enrolled you in R.U."] aniya na dahilan upang mapaupo ako mula sa komportableng pagkakahiga.
"Ano? P-Pero, aish! Nightmare naman eh!"
Eh, kasi naman baka ginawa na naman niyang katatawanan ang maganda kong pangalan. Ilang sandali pa ay nakarinig ako ng isang mahinang pagtawa mula sa kabilang linya.
Am I hearing this right? Tumatawa si Nightmare?
["Don't worry Harm, I didn't changed you're name. You'll be using your own name."] Para naman akong nabunutan ng tinik sa lalamunan nang sabihin niya 'yon.
"So, I guess that means no disguises for this mission?" Tanong ko.
["Yes, no disguises. It's too risky lalo pa't nandoon nag-aaral ang pinsan mo."] Aniya na sinag-ayunan ko naman.
Ang pinsan ko na tinutukoy niya ay hindi si Fear. Pero masasabi kong mapanganib din siyang tao. Kilalang-kilala niya ang bawat tao na malapit sa kaniya. Maswerte na lang siguro ako dahil magaling akong magtago ng identity. Pero kilalang-kilala no'n ang mga kilos ko kaya kung magdi-disguise ako ay baka maghinala pa siya at kilala ko siya. Once na curious siya sa isang bagay hindi niya tatantanan ang pag-iimbestiga hangga't hindi niya nalalaman ang bawat detalye nun kahit ang pinakamaliit man. So I think, tama si Nightmare, I will enter Raikuzan University as myself... as Haylee Chris Lim.
"Yeah, you're right. So when do I start?" Tanong ko.
["Next week pa magsisimula si Ms. Dela Vega sa pagiging substitute teacher, so you can start the day after tomorrow."] Aniya na tinanguan ko lang kahit hindi naman niya kita.
"Okay, so I guess I'll be going to Sword tomorrow?"
["Yes, pick up all the things that you'll be needing for your mission and then you already know what to do next."] Aniya.
"Yup, thanks Night!"
["You're welcome Harm and I need to go, I have to do something important. Just call me if you need something. Sayonara Harm."] And after saying that, she hung up.
"Bye..." halos pabulong kong sabi kahit alam kong wala na siya sa kabilang linya.
Ang tagal niya naman kasing bumalik dito sa Pilipinas. I miss hacking systems with her, helping her with her experiments and I already miss doing a mission with her. Hindi lang ako, kundi lahat kami. Pero naiintindihan naman namin kung bakit kailangan muna niyang lumayo eh, but the thing is magkakasama kaming apat dito pero siya... mag-isa lang siya do'n yet nakakaya niya pa rin gawin ang mga bagay-bagay. She's a wonderful person, she can be our leader, bestfriend and sister at the same time. That's why she don't deserve this, she doesn't have to isolate herself yet she's doing it.
BINABASA MO ANG
Silent Affliction Of The Harmful (PGS #2)
ActionHaylee Chris Lim can make your devices explode in just one sitting. That's why she is known as Harm of the Phantom Goddesses. An unfortunate event from her past caused her to block those innocent people who want to be close to her. But there was a s...