Chapter 9

1.1K 47 1
                                    


["ARE you already there, sweety?"] Tanong sa akin ng mahal kong ina.

"Yes, Mom. I'm already here." Sagot ko.

["Okay, diyan ka na muna titira for two months and oh, every Saturday may pupuntang isa sa mga katulong natin para maglinis. See you in two months Haylee sweety, and nabalitaan ko na may bago kang misyon. So goodluck and take care, bye!"] 'Yon ang huling sunabi niya bago niya pinatay ang tawag.

Nakatayo ako ngayon sa harap ng pinto ng isang condo unit. Ilang segundo ko pang tinitigan ito bago ko mapagdesisyunang buksan at pumasok. Dala-dala ko ang isang maleta at isang bag na naglalaman ng mga gadgets ko.

Nagpakawala ako ng isang malalim na hininga at nagsimulang pagmasdan ang paligid. So this is the unit that my Mother was talking about. Maayos naman ang pagkakalagay ng mga gamit. Malaki rin ito at malinis. Nangingiting napailing nalang ako sa trip ng mga magulang ko.

Nang makauwi kasi ako kanina ay nakakandado ang gate at walang katao-tao sa loob. Napansin ko na lang ang mga gamit ko sa labas kasama ang isang sulat. At nakasaad doon na on vacation ang lahat ng mga katulong kaya dumiretso na lang daw ako sa address na nakalagay. At dito na nga ako dinala ng address na 'yon. Sa condo unit na ito.

So I guess, this will be my home for two months. Mas lalo akong natuwa sa naisip at sinimulan ko nang libutin ang buong unit. Katulad ng sinabi ko ay malaki nga ang unit na ito at maayos ang pagkakalagay ng mga gamit. Kumpleto na rin ang gamit sa kusina. Binuksan ko na rin ang refrigerator at nagtaka ako kung bakit may laman na ito.

'Baka naman pinalagyan na nila Mommy.' Ang naisip ko. Pero nagtaka ako nang may nakita akong dalawang box ng pizza dito. I eat pizza but I'm not a pizza lover, himala na nga lang kung nakakatatlong slice pa ako. Ang ibig sabihin lang no'n ay talagang gutom na ako. But two boxes of pizza? Really? Ano namang gagawin ko diyan? Eh, hindi ko naman 'yan mauubos. Tss.

Sumunod kong tiningnan ang living room at katulad ng kusina ay kumpleto na rin ito sa mga gamit. Mula sa flatscreen T.V. sofa set, DVD/VCD player, at ang talagang nakakuha ng atensiyon ko ay ang shelves ng mga video games dito. Wow, tiningnan ko ito isa-isa. And most of these are my favorite video games. May dalawa lang na hindi ko pa nalalaro sa mga 'to but I'm wondering how did my Mother know? How does she knows that I love playing VG at halos pa ng mga narito ay mga paborito kong laro. Hindi ko naman nasabi o nabanggit sa kaniya na nagkaroon ako ng interes sa paglalaro ng mga 'to at sa loob lang ng kwarto ko ito nilalaro. Unless, she's secretly sneaks into my bedroom.

Nakangiting napailing nalang ako at tumayo na para tingnan ang magiging kwarto ko, nang mapansin kong dalawang kwarto pala ang nandito. Bubuksan ko na sana 'yong isa pero nabigo ako nang naka-lock pala ito. Binuksan ko naman ang katabi nitong kwarto at hindi naman naka-lock kaya tuluyan na akong pumasok. Napansin ko kaagad na may kalakihan ang kwarto na ito. Mas malaki nga lang 'yong kwarto ko sa bahay kung ikukumpara dito but, nararamdaman ko naman na magiging komportable ako dito.

Mukhang ito na nga ang magiging kwarto ko for the next two months at hindi ko maitatangging maganda din and pagkaka-design nito. Mula sa mala army green na kulay ng bed set at iba pang gamit na nandidito ay alam ko nang dito ang magiging kwarto ko. At alam kong si Mommy ang nag-request ng ganitong kulay sa designer.

Para tuloy akong nasa totoo kong kwarto at ang pinagkaiba nga lang ay mas malaki lang 'yon. But I wonder kung bakit naka-lock 'yong kwartong katabi ng kwarto ko. At isang susi lang naman ang ibinilin nila Mommy sa akin. 'Yung para sa main door lang.

Whatever, sa totoo lang ay kaya ko naman 'yong buksan nang kahit walang susi na gamit pero pagod na kasi ako at gusto ko ng magpahinga. Siguro ay bukas ko na lang 'yon bubuksan. O baka hindi na rin, kasi may mas importanteng bagay akong dapat unahin. Nang mailagay ko na ang mga gamit ko sa loob ng magiging kwarto ko ay pabagsak akong humiga sa malambot na kama at pinikit ang aking mga mata.

Silent Affliction Of The Harmful (PGS #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon