NAKAPAMULSA akong lumabas mula sa Dean's office ng St. Anthony. Humingi ako ng pahintulot para mag-transfer sa ibang school. Kailangan ko munang pumasok sa Raikuzan University dahil doon itinuturo ang may-ari ng cellphone number ng nag-utos kay Edgar Mangubat para ipapatay si Ms. Dela Vega at kung magiging substitute teacher siya do'n ng isang buwan ay natitiyak kong mapapahamak siya.Kailangan kong mabantayan si Ms. Dela Vega and at the same time ay kailangan ko ring mahanap ang may-ari ng cellphone number na iyon. Kailangan ko siyang mailayo kay Ms. Dela Vega kahit anong mangyari.
Tahimik akong pumasok sa classroom ko. Pinayagan naman ako ng Dean namin na lumipat ng ibang school pero kailangan ko daw pumasok sa huling araw ko dito bago ako tuluyang lumipat.
"Oh, here you are Ms. Lim. You may now take your seat and let's start our discussion for today."
Tinanguan ko na lang siya at ginawa ang inutos niya pero habang nagdi-discuss siya sa harapan ay hindi ako nakikinig. Asahan mo namang makikinig ako sa napakaboring niyang discussion. Nunca! Siguro ay may mabuti na ring naidulot ang paglipat ko sa R.U. dahil hindi ko na kailangan pumasok pa sa napakaboring na klase ng napakasungit naming Math teacher.
"Ms. Lim!" Sigaw nang isang matandang babae na parating salubong ang kilay.
Tsk. Tingnan mo nga naman. Speak of the devil and the devil will call you. Para siyang nakalunok ng microphone sa lakas niyang makasigaw. Tss, ano na naman kayang kailangan nito at maging sa last day ko dito ay hindi ako pinaligtas at tinawag na naman ang pangalan ko.
I faced her with my straight face at katulad nang inaasahan ay nakakunot na naman ang noo nito at salubong na naman ang mga kilay nito na halos ay magkadikit na at malapit nang mag-isang linya.
Tiningnan ko lang siya ng isang nagtatanong na tingin.
"Are you even listening to me Ms. Lim?"
"Ah ma'am, nakikinig naman po siya sa--"
"Shut up, Ms. Noblez! I am not talking to you!" Putol ni Mrs. Hilda kay Noblez.
Tsk, pinagtatanggol na naman niya ako mula sa masungit na teacher na 'to.
Pagkatapos niyang sabihin 'yon kay Noblez ay ibinaling niya ulit ang tingin niya sa akin. At ganun pa rin naman ang reaksiyon ko sa kaniya. Tiningnan ko lang siya ng isang nagtatanong na tingin.
"Are you with us Ms. Lim?" Ulit nitong tanong sa akin.
"Nope." Kalmadong sagot ko. Well I'm honest, bakit ko naman sasabihing nakikinig ako kung hindi naman talaga. At saka isa pa, gusto ko lang siyang inisin ngayon. Tutal last day ko na naman dito, baka pwedeng maasar ko naman siya kahit isang beses lang.
On the second thought, halos araw-araw ko pala siyang inaasar.
Nanggagalaiti lang siyang nakatayo sa harapan ko na para bang kahit anong oras ngayon ay lalamunin niya ako samantalang ako naman ay nanatili lang na kalmado pero deep inside ay gusto ko na talagang matawa sa harap niya. Nahagip naman ng paningin ko si Shadow sa likuran ni Mrs. Hilda na palihim na natatawa. And my classmates? Lahat sila ay tensiyonado lalo na ang babaeng katabi ko... si Noblez.
"Can you please tell me Ms. Lim, WHY AREN'T YOU LISTENING TO ME?" halos mapapikit naman ako nang sigawan niya ako. Tsk, natalsikan pa ako ng laway niya. Kadiri.
"Beacuse your class is boring Ma'am." Diretsahang sagot ko.
At dahil dun ay kitang-kita ang lalong pamumula nang mukha niya na nangangahulugang masyado na siyang inis sa akin at anumang oras ngayon ay sasabog na siya. Nakakatakot.
BINABASA MO ANG
Silent Affliction Of The Harmful (PGS #2)
AcciónHaylee Chris Lim can make your devices explode in just one sitting. That's why she is known as Harm of the Phantom Goddesses. An unfortunate event from her past caused her to block those innocent people who want to be close to her. But there was a s...