"WHERE are you going?" Tanong ko sa kaniya nang makita ko siyang dahan-dahang palabas ng pinto ng bahay.Gulat naman siyang napatingin sa akin.
"H-Haylee," nauutal na banggit niya sa pangalan ko. "B-Bakit nandito ka pa? You should be sleeping by now."
"I should, but I can't." Simpleng sagot ko sa tanong niya.
"But why? Little Hayl---"
"Where are you going Ate? Mom and Dad won't allow you to go outside this late." Putol ko sa dapat ay sasabihin niya.
Hindi naman siya nakasagot sa tanong ko at napabuntong hininga na lang dahil nahuli ko siya sa gagawin niyang pagtakas.
"Gustuhin ko mang marinig mula sa'yo na hindi mo 'to gagawin para sa lalaking 'yon," sabi ko at isinarado na ang laptop na kanina lang ay pinaglalaruan ko, pagkatapos ay tiningnan ko siya diretso sa kaniyang mga mata. "Pero mukhang ganun na nga."
Matamlay na napangiti naman siya at lumapit sa akin.
"Ikaw talaga," natatawang aniya sabay gulo ng buhok ko. "Minsan talaga napapaisip ako kung sino ang mas matanda sa ating dalawa."
Kunwari ay natatawa siya pero kahit may kadiliman man dito sa sala ngayon dahil nakapatay na ang mga ilaw at ang tanging nagbibigay liwanang na lang sa amin ngayon ay ang liwanang ng buwan na pumapasok sa glass window, kitang-kita ko pa rin ang panunubig ng mga mata niya.
"You're right, I'm doing this for him. B-Because I love him." Lumunok naman siya para ayusin ang boses niyang muntik ng mabasag dahil sa kakapigil niyang maiyak.
"And you're willing to risk your life for him? Bakit Ate? Ano bang nagawa niyang mabuti sa'yo?" Naiinis na tanong ko pero kontrolado ko pa rin ang boses ko para hindi magising sila Mommy. "Nothing. He did nothing good to you but pain and misery."
"You talk like you're older than me but you don't know everything Haylee." Aniya at tumabi sa akin ng upo. "Yes, he caused me pain and misery but behind those was happiness and love. At kahit pa masyado na akong nasasaktan ngayon, I'm still willing to hold on. To fight for him. Kasi kahit anong gawin ko, mas nangingibabaw pa rin sa akin ang saya at pagmamahal na binigay niya. At ganun naman ang pag-ibig 'di ba? Dapat ipinaglalaban 'yon at hindi dapat sinusukuan."
Hindi makapaniwalang tiningnan ko naman siya at parang nakuha naman niya na hindi ko naiintindihan ang mga pinagsasabi niya kaya bahagya siyang natawa.
"I know you're too young to understand what love really is but you're smart Haylee. Maiintindihan mo rin 'yon kapag ikaw na mismo ang nakaranas nito." Nakangiting aniya. "But please my little Haylee... please let me do this for the last time. Hayaan mo akong ipaglaban ang pag-ibig ko sa kaniya. Because I don't wanna wake up one day, having regrets to myself."
Hindi ko nga masyadong maintindihan ang pag-ibig na ipinaglalaban niya pero ramdam ko ang bigat ng dibdib ko habang umiiyak ang Ate ko. I don't want to see her crying, because crying is not her thing. She's energetic, happy-go-lucky and she always put on her genuine smile that could lighten up anyone's day. Nakangiti nga siya ngayon pero puno naman ng kalungkutan ang mga mata niya.
Napaiwas na lang ako ng tingin sa kaniya at napabuntong hininga.
"He's leaving in two hours." Sabi ko sa kaniya.
"I know," aniya at pekeng ngumiti. "That's why I sent him a message. Gusto kong makipagkita sa kaniya, baka sakaling mapigilan ko pa siya."
BINABASA MO ANG
Silent Affliction Of The Harmful (PGS #2)
ActionHaylee Chris Lim can make your devices explode in just one sitting. That's why she is known as Harm of the Phantom Goddesses. An unfortunate event from her past caused her to block those innocent people who want to be close to her. But there was a s...