"ARE you sure you're going home tonight? I don't mind kung dito ka na lang matulog ngayong gabi." ani Ms. Dela Vega pagkaupo niya sa sofa. Nagpakuha naman siya ng maiinom sa kasambahay niya.Pagkatapos ng nangyari kanina ay sumama na ako sa kaniya sa pag-uwi. Una naming hinatid ang sekretarya niya na binigyan ko ng gamot na pampakalma kanina. Nang makarating na kami sa bahay ni Ms. Dela Vega ay nagpaalam na akong aalis na. Tsk, mukhang kailangan ko pang mag commute pabalik sa kompanya niya. Ang alam ni Cedrick nandun lang ako ngayon.
"No need—"
I stopped talking when I felt my phone vibrated inside my pocket. Agad na kinuha ko ito sa pag-aakalang si Anna ang tumatawag but then I saw a different unregistered number. Ganon pa man ay sinagot ko na lang ito.
"Yes?"
["Lee! Mabuti naman at sinagot mo. Kanina pa ako nagte-text sa'yo eh."]
I immediately recognized his voice. Tsk this abnormal kid.
"Kanina ka pa nagte-text?"
Paano niya nakuha ang number ko?
["Oo, hiningi ko ang number mo kay Nathalie. Sabi mo kasi kanina ay iti-text mo ako pero nakalimutan mo sigurong hindi pa tayo nagpapalitan ng number. Ang weird nun noh? Nakatira tayo sa iisang bubong na parang sweet na couple tapos wala tayong phone number ng isa't-isa? Hmm... "]
I rolled my eyes. Kahit kailan talaga, hindi siya matinong kausap. At hindi ko naman nakalimutan na wala kaming number ng isa't-isa but I was not also kidding when I said earlier that I'll text him. Kaya ko lang talagang makuha ang number niya kahit pa hindi niya 'yon binigay sa akin.
"Shut up you abnormal kid. Kung anu ano na namang pinagsasabi mo."
["Sabi ko nga shut up na ako eh. So pauwi ka na ba? Pabalik na ako dyan. Nakakainis naman kasing Kent yun eh. Akala ko naman kung anong emergency, nag-away daw sila ni Nathalie tapos maaabutan kong magkayakap. Nakakainggit kaya!"]
Tahimik lang akong natawa sa sinabi niya. 'Yon siguro ang ginawang rason ni Fear para mapaalis siya kanina.
"Naiinggit ka sa kanila? Eh bakit hindi ka mag girlfriend para may kayakap ka rin."
Hindi ko alam kung bakit nasabi ko yun pero yun na ang lumabas sa bibig ko bago ko pa napigilan ang sarili.
What the fudge.
["Bakit, payag ka nang maging girlfriend ko?"] natigilan naman ako sa naging sagot niya.
Napakaabnormal niya talaga!
"Umalis na ako sa Dela Vega Corp." I said disregarding his question.
["Ano? Nasan ka na? Nakauwi ka na ba? Safe ka ba? Dapat hinintay mo ako Lee."] I instantly felt guilty when I heard disappointment in his voice.
"I..."
["Or pinaghintay ba kita? Sorry mas maaga naman talaga sana akong babalik eh kaso pinipigilan ako nila Kent at Nathalie. Pag nagpapaalam na akong aalis, nagbabangayan na naman sila. Ewan ko ba sa dalawang 'yon. Pero safe ka bang nakauwi?"]
Para namang may kung anong mabigat na nakadagan sa dibdib ko dahil sa sinabi niya. Bakit nga ba ako nagi-guilty?
"I'm not home yet. Hinatid ko pa si Ms. Dela Vega sa bahay niya. Nandito pa ako ngayon, kung gusto mo—"
["Susunduin kita Lee! Papunta na ako diyan!"] napailing na lang ako nang hindi na niya ako pinatapos pa.
"Talaga? Alam mo ba kung saan ang bahay ni Ms. Dela Vega?" natatawang tanong ko na ikinatahimik niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/110196488-288-k749614.jpg)
BINABASA MO ANG
Silent Affliction Of The Harmful (PGS #2)
ActionHaylee Chris Lim can make your devices explode in just one sitting. That's why she is known as Harm of the Phantom Goddesses. An unfortunate event from her past caused her to block those innocent people who want to be close to her. But there was a s...