Chapter 17

1.1K 36 15
                                    


NAGLALAKAD na ako palabas ng gate ng RU nang makasalubong ko si Carlos na may dala-dalang white folder. Nang makita niya ako ay agad niya akong nginitian.

"Hi Haylee, pauwi ka na?" Nakangiting tanong niya.

"Oo," maikling sagot ko pero nang maalala kong isa pala siyang member ng Chemistry club ay nag-tanong na rin ako. "Ikaw? Saan ka pupunta?"

"Ah, sa Chem Lab. Tatapusin lang namin ang experiment na ginagawa namin." Aniya at ipinakita ang folder na hawak niya. "Kung free ka ngayon, baka gusto mong sumama?"

"Sure." Maikling sagot ko.

"Great, lika na." Natutuwang aniya at pagkatapos ay nauna nang maglakad.

Sumunod naman agad ako sa kaniya patungong Chem lab. Mukhang hindi ako mahihirapang makalapit sa target ko dahil friendly ang mga taga chemistry club. Pero kapag nahuli ko na kung sino siya, I'm sure I won't be friendly because I'm a very harmful person to my enemy.

Nang malapit na kami sa destinasiyon namin ay naramdaman ko ang pag-vibrate ng cellphone ko kaya agad na kinuha ko ito mula sa bulsa ko. I opened it at hindi message or call ang dahilan ng pag-vibrate nito kundi dahil sa tracker ng iPad ko na naka-connect dito.

Target 001 is in the radar.

Nang mabasa ko ito ay inilabas ko mula sa bag ko ang iPad ko at binuksan ang tracker. Tulad nung una ko itong ginamit ay sa Chem lab ko pa rin nakita ang red dot na nagsisilbi bilang signal ng target ko. Ibig sabihin ay nakumpirma ko na talaga na walang kinalaman 'tong Carlos na kasama ko sa misyon ko dahil hindi sa kaniya nagmumula ang signal na nasasagap ng tracker ko.

Nang makarating na kami sa harap ng Chem lab ay saktong nawala din ang red dot. At tumatak na lang bigla sa screen ang 'target is out of the radar.' Bakit kaya nawawala bigla ang target kung kailan malapit na ako sa kaniya? Alam ba niya na tina-track ko siya? But that's impossible. Hindi basta-basta malalaman ng isang tao kung tina-track ba siya.

Bubuksan na sana ni Carlos ang pinto nang bigla akong nagsalita.

"Ah, Carlos sorry but may emergency lang sa amin. I need to go now." Kunwari ay nag-aalalang sabi ko

"Hindi, okay lang. Kung gusto mo, ihahatid na kita." Alok niya.

"No thanks, may susundo kasi sa akin. Sorry talaga ah, maybe next time." Sabi ko na lang.

"It's okay Haylee. No worries." Nakangiting aniya na tinanguan ko na lang at nagmadaling tumakbo palayo para sabihing nagmamadali talaga akong makauwi.

Nang makalabas na ako ng gate ay napahinto ako nang makita si Tear na palabas rin ng gate na may kasamang lalaki. Tss, kahit ba naman naka-disguise siya bilang isang nerd na palaging may dalang libro, nagagawa pa rin niyang makabinggwit ng lalaki? Well, she's Tear.

Hindi ko na lang siya tinawag pa at umupo na ako sa waiting shed para maghintay ng taxi. Tsk, kung bakit ba naman kasi nasa bahay namin ang kotseng laging ginagamit ko 'pag pumupunta ako ng school? Heto tuloy at naghihintay ako ng taxi ngayon which is one of the things I don't usually do. Nakakabagot kayang maghintay. Buti na lang talaga at nasa S.O. 'yung pinakamamahal kong Verde Ithaca green lamborghini aventador na lagi kong ginagamit sa mga misyon ko at 'pag pumupunta ako sa Underground.

Parang nakahinga naman ako ng maluwag nang may taxi na huminto sa harap ng waiting shed kaya naman ay tatayo na sana ako para sumakay nang biglang may nagmamadaling lalaki ang pumasok dito at inunahan ako. Hindi pa ako nakakapag-react nang bigla siyang humarap sa akin na may malapad na ngisi. Err, how I hate this.

"Sorry Miss beautiful, ang bagal mo eh," nakangising aniya habang ako ay matalim lang na nakatitig sa kaniya. "Pero kung gusto mo, sabay na lang tayo. Ako na ang magbabayad pero dapat isa lang ang pupuntahan natin. Ano? Your place or mine?"

Silent Affliction Of The Harmful (PGS #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon