"MOM! What the heck is the meaning of this?" Inis na tanong ko kay Mommy sa kabilang linya.
["What are you talking about sweety? I'm in the middle of a meeting. Let's just talk later."] Aniya.
"No Mom, let's talk now. I know you're not in the meeting because I called your secretary before I called you and she said that you don't have any appointment today."
["Oh, busted!"] She said in a singsong way.
"Now tell me kung anong ginagawa ng abnormal na lalaking 'to sa condo unit na pinags-stayhan ko ngayon?"
"Anong---"
"Shut up!" Putol ko sa sasabihin ng Cedrick Uy na 'to.
Nang magsink-in sa akin ang mga nangyayari ay agad kong tinawagan ang mahal kong ina para pagpaliwanagin. Habang ang abnormal naman ay nakaupo lang at nilalantakan ang isang box ng pizza.
["Haylee sweety, I'm really sorry kung hindi ko kaagad nasabi sa'yo na may kasama ka pala diyan. And that's Cedrick, I'm sure na kilala mo na naman siya 'di ba?"]
"Are you sure with this Mom? You will let me stay in this place together with this abnormal guy? Alam ba 'to ni Dad?" Hindi makapaniwalang tanong ko sa kaniya.
"Aba kanina ka---"
"I said shut up!" Inis na sabi ko sa kaniya at tiningnan siya ng masama.
Parang batang ngumuso naman siya at ipinagpatuloy ang pagkain ng pizza. Tss, ibig sabihin hindi para sa akin ang dalawang box ng pizza sa loob ng ref? Sa kaniya pala 'yon? Or what if sa kaniya naman talaga lahat ng pagkain sa loob ng ref? Pati na rin 'yong mga video games na nakita ko?
No. Hindi ako makapapayag!
["Sweety, 'wag ka namang masiyadong harsh diyan kay Cedrick, ang bait nga niyan eh, gwapo pa. Alam ko naman na kaya mo na ang sarili mo if ever na may mangyaring masama because you're strong, but trust me Haylee walang gagawing masama si Cedrick. Mabuti siyang tao and about your Dad yes, alam niya 'to."]
Mariin kong naipikit ang mga mata ko sa sinabi niya. What's happening to them? Bakit nila pinatira ang anak nila kasama ang isang lalaki na hindi naman nila lubusang kilala sa iisang bubong lang?
Are they out of their minds? Ang ibang parents nga diyan halos hindi na palabasin ang mga anak nilang babae para lang maprotektahan mula sa masasamang loob, tapos sila pinatira nila ako sa condo unit ng lalaking hindi ko lubusang kilala? Oo nga't nakapag research na ako tungkol sa kaniya no'n pero mga personal informations lang naman 'yon at hindi nakalagay do'n kung masama o mabuti ba siyang tao.
"Babalik ako sa bahay natin, ngayon din." May diin na sabi ko.
["You can't sweety, walang tao sa bahay at yung susi---"]
"Mom, I can unlock the doors even without using keys."
["No Haylee, diyan ka muna mags-stay for two months. And our decision is final."] Seryosong saad niya.
"But Mom---"
["I said, our decision is final. You can't change it, and oh, behave dear malaki ang kasalanan mo kay Cedrick."]
"So now I get it. Is this some kind of a punishment?" Natatawang tanong ko.
["No Haylee, this is not a punishment. You are our daughter and we just want the best for you."]
"And you think that this is the best for me?"
["Maybe you still don't understand, but you're smart. Sooner or later I know you will."]
BINABASA MO ANG
Silent Affliction Of The Harmful (PGS #2)
ActionHaylee Chris Lim can make your devices explode in just one sitting. That's why she is known as Harm of the Phantom Goddesses. An unfortunate event from her past caused her to block those innocent people who want to be close to her. But there was a s...