["Haylee, where are you? We need to move now!"] Nagtataka man sa sinabi niya ay hindi naman iyon naging dahilan upang hindi ko makilala kung sino ang nasa kabilang linya.
"Anna, bakit ka napatawag and what do you mean by we need to move now?" Tanong ko at napaupo mula sa pagkakahiga.
["Sinundan ko si Chelsea ngayon lang. Nasa isang club kami ngayon at narinig kong may kausap siyang kung sino sa phone niya na inutusan niyang sundan at pwersahang kunin ang Golden snake necklace sa Ate ko."]
Mukhang nasa isang club nga siya ngayon base na rin sa ingay na naririnig ko mula sa kabilang linya.
"Okay, I'll contact Ms. Dela Vega right away." Sabi ko na kaagad tumayo at tiningnan ang oras sa wrist watch na nasa may bedside table. It's just 9:08, marahil dala ng pagod kaya siguro ay nakatulog ako ng maaga.
"Call me after 10 minutes Anna, balitaan mo 'ko."
["Okay."] Sagot niya at tinapos na ang tawag.
Dinial ko naman agad ang number ni Ms. Dela Vega at nakailang ring pa ito bago niya sinagot.
"Where are you?" Tanong ko pagkasagot niya ng tawag ko.
["Uhm, nandito pa ako sa office ko, bakit?"] Medyo naguguluhan na tanong niya.
"Anong ginagawa mo diyan?" Nagtatakang tanong ko dahil sa pagkakaalala ko ay wala naman siyang ibang naka-schedule na meeting for this month. Tanging ang pagiging sub teacher niya lang ang nakita kong nakasulat sa planner niya.
["Ah, mayroon kaming emergency meeting kanina."] Sagot niya.
"Pauwi ka na ba?"
["Siguro mamaya pa ako makakauwi kasi may kailangan pa akong tapusin, bakit mo naman naitanong Haylee?"]
"Nothing, I just want to know where you are."
Hindi ko pwedeng sabihin na may magtatangka na naman sa buhay niya. Maaaring magpanic lang siya at mahahalata iyon ng kung sino mang umaaligid sa kaniya at pwede niya iyong ikapahamak.
["Okay?"] Aniya sa tonong parang hindi siya kumbinsido sa sinabi ko. ["Is there something going on? May dapat ba akong malaman?"]
"Wala, sige ibababa ko na 'to. Magkita na lang tayo."
["Wait Hay---"] bago niya pa matapos ang sasabihin niya ay tinapos ko na ang tawag.
Nang makapagbihis na ako ay kinuha ko na ang bag ko at inilagay ang mga gadgets ko sa loob. Pagkatapos ay isinuot ko muna ang mint green hoodie ko bago ako lumabas ng kwarto ko. Natigilan naman ako nang maalalang wala nga pala ang kotse ko. Tsk!
"Aalis ka?" Agad na naibaling ko ang tingin ko kay Cedrick na kakalabas lang din ng kwarto niya.
"Oo, may pupuntahan lang akong kaibigan. Baka mamaya pa ako makauwi." sagot ko at agad na tinungo ang pinto para makalabas na.
"Teka lang Lee!" aniya at patakbong lumapit sa akin. "Ihahatid na kita."
Hindi na ako nakaangal pa nang nauna na siyang lumabas sa akin. I don't really have much time to argue with him. Kailangan kong makarating kay Ms. Dela Vega kaagad.
We're on our way to her company when my phone rang. When I saw that it's the same unregistered number that Anna used earlier, I immediately answered it. Saglit namang napatingin si Cedrick sa akin at ibinalik din niya ang atensiyon sa pagmamaneho.
[Haylee, umalis na si Chelsea sa bar. Mukhang pupuntahan niya ang Ate ko."]
Napatingin naman ako kay Cedrick bago ako sumagot sa mahinang boses.
BINABASA MO ANG
Silent Affliction Of The Harmful (PGS #2)
ActionHaylee Chris Lim can make your devices explode in just one sitting. That's why she is known as Harm of the Phantom Goddesses. An unfortunate event from her past caused her to block those innocent people who want to be close to her. But there was a s...