Chapter 31

863 35 2
                                    


"HAYLEE!" Rinig kong tawag sa akin ng isang napakapamilyar na boses.

Napadilat naman ako at nakita ko ang sarili kong nakahiga sa isang pamilyar na sofa. Bahagya kong inilibot ang paningin ko sa kinaroroonan ko at mabilis akong napaupo. Hindi ako pwedeng magkamali, alam na alam ko ang lugar na 'to pero bakit ako nandito?

"Haylee, how many times do I have to tell you, that you should knock before entering my room!" Pasigaw na sabi nung pamilyar na boses na tumawag sa akin kanina.

B-Bakit nandito ako? Bakit pamilyar ang eksena na ito? Ano ang ginagawa ko rito?

"You're here in my room again! Samantalang may sarili ka namang kwarto. Dun ka na nga!" Sabi pa niya at sa pagkakataong 'yon ay tuluyan ko nang nilingon ang pinanggalingan ng boses at hindi ako makapaniwala na nakikita ko siya ngayon.

Nakatayo siya sa may bukana ng pintuan ng C.R. Nakasuot siya ng isang puting bestida habang malayang nakalugay ang mahaba at kulot niyang buhok na kasing itim ng sa akin. Nakapamewang rin siya tulad ng lagi niyang ginagawa noon kapag sinesermunan niya ako. Pero hindi katulad noon na nakasimangot siya 'pag ginagawa 'yon, ngayon ay nakangiti siya sa akin.

Ngiting matagal ko nang hindi nasisilayan. Yung ngiting palagi niyang binibigay sa akin 'pag sinusunod ko ang mga pangaral niya. Yung ngiti niya na nakapagpapagaan ng loob. I missed her so much.

"Ate..." kasabay ng pagtawag ko sa kaniya ay ang unti-unting panunubig ng mga mata ko.

"Masaya akong makita ka ulit Haylee!" nakangiting aniya.

"Ate Hanee!" Sabi ko at tumakbo papunta sa kaniya at mahigpit siyang niyakap. Narinig ko naman na bahagya pa siyang natawa sa ginawa ko.

Sa pagkakataong ito, kahit alam kong posibleng panaganip lang ang lahat dahil imposibleng mapunta ako ngayon sa kwarto niya, ay umaasa pa rin akong nasa reyalidad ako. How I wish that this is not just a dream. Because her smile, her voice, her warm hug... felt real.

Sana totoo ngang nandito ka Ate Hanee Lyn.

"Namiss kita bunso!" Natatawang aniya.

Napahiwalay naman ako sa yakap niya at hindi makapaniwalang tiningnan siya.

"Tell me that I am not dreaming." Napansin ko naman ang pagiging malungkot ng kanina'y matamis niyang ngiti.

"Haylee, nagpapasalamat akong nakita kita ulit at gusto ko rin sanang humingi ng tawad sa'yo." Aniya at naupo sa kama niya. Tumabi na rin ako ng upo sa kaniya dahil hawak-hawak niya pa rin ang mga kamay ko.

Hindi naman ako makapagsalita dahil hindi pa rin ako makapaniwala na nakakausap ko siya ngayon.

"I'm sorry Haylee, sorry for not making it. Hindi ko natupad ang pangako ko na babalik ako... na babalikan kita. I-I'm sorry." May kung anong mabigat na dumagan naman sa dibdib ko nang makita ko ang isang luha na kumawala mula sa kaniyang mata.

"Sorry dahil hindi mo na ako nakasama pa sa paglaki mo. Please forgive me for being selfish. Mas inuna ko ang sarili ko at nakalimutan ko kayong isipin nila Mommy at Daddy."

Wala paring ni isang salita na lumalabas mula sa aking bibig. Muli namang nagbalik sa isip ko ang mga nangyari noon na naging dahilan ng pagkawala niya.

"I'm sorry Haylee, please forgive me." Aniya habang patuloy pa rin na nag-uunahan sa pag-agos ang mga luha niya.

"Wala kang kasalanan A-Ate, hindi mo kasalanan." Umiiyak na sabi ko. Pinunasan naman niya ang mga luhang kumakawala sa mga mata ko at binigyan niya ako ng matamis na ngiti.

"May kasalanan ako Haylee, alam ko at tanggap ko 'yon. Sana ay matanggap mo rin ang paghingi ko ng tawad." Napatango naman ako sa sinabi niya. Tapos ay ginulo niya ang buhok ko.

Silent Affliction Of The Harmful (PGS #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon