Chapter 11

1.2K 36 4
                                    


NASA harap ako ngayon ng pinto ng Director's office dito sa Raikuzan University. Ito kasi ang unang araw ko ngayon bilang estudyante ng paaralan na 'to. Nagpakawala ako ng isang malalim na hininga bago ko binuksan ang pinto at tuluyang pumasok sa loob.

"Kanina pa kita hinihintay Ms. Lim." Sabi ng isang pamilyar na boses ng isang babae.

Agad na napalingon ako sa babaeng nakaupo sa swivel chair na nakatalikod sa akin.

"Bakit ngayon ka lang?"

Nagtaka naman ako sa tanong niya. Ano naman kayang trip nitong tiyahin ni Nightmare at kung makapagsalita sa akin ay napakapormal. Tiningnan ko naman ang wrist watch ko at nakitang mas maaga pa ako sa inaasahang oras ng pagpunta ko dito.

"Tita, I'm 15 minutes early." Sagot ko sa kaniya.

"Don't call me 'Tita' here Ms. Lim. Dito sa paaralang ito, I am the Director and you are one of my students. Hanggang nandito ka sa loob, you will treat me as a respected Director and I will treat you as an ordinary student. I don't do special treatment here, do you understand?" Napalunok naman ako pagkatapos niya 'yong sabihin.

Seriously? Si Tita Margarette ba talaga 'tong kausap ko ngayon? Pero naiintindihan ko naman ang mga pinagsasabi niya at ginagawa niya lang ng maayos ang trabaho niya. Siguro naninibago lang ako dahil kapag kaharap namin siya ay lively at minsan may pagka childish siya. Hindi ko akalaing ganito pala siya kaseryoso sa trabaho niya.

"Do you undesrtand Ms. Lim?" Pag-uulit niya sa tanong niya.

"Y-Yes tit-- I mean, yes Mrs. Marcus."

"Director Margarette. It's Director Margarette." Pagtatama niya.

"Okay, Director M-Margarette." May pag-aalinlangang sabi ko. Iba ang pakiramdam ko dito eh. It feels like something is wrong. Bakit nakatalikod pa siya sa akin hanggang ngayon?

"Mabuti naman at nagkakaintindihan tayo. So, Ms. Lim bago ko ibigay ang magiging schedule mo ay ikuha mo na muna ako ng kape sa Cafeteria." Utos niya sa akin.

"But---"

"Excuse me Ms. Lim, may problema ba tayo sa inutos ko?" Striktang aniya.

Grabe, parang hindi na talaga si Tita Margarette 'to ah, hindi ko ma-imagine na ganito pala siya kastrikta sa trabaho niya to the point na ginagawa na niyang utusan ang mga estudyante dito.

Tatalikod na sana ako para sana magpunta ng Cafeteria nang marinig ko ang biglaang pagbukas ng pinto sa likod ko.

"Haylee, is that you? Ang aga mo naman." Sabi ng isang pamilyar na boses. Napakunot ang noo ko at hinarap ang may-ari ng boses.

Bahagya akong natigilan nang makita si tita Margarette. Okay, what's happening? Papaanong kakapasok niya lang samantalang kausap ko siya ngayon lang. Hindi pa nagsi-sink in sa akin ang nangyayari nang makarinig ako ng tawanan.

Nagtatakang ibinaling ko ang aking paningin sa nagtatawanan at agad na nagsalubong ang mga kilay ko nang makilala kung sino ang mga ito.

"Badtrip ka talaga Tita Marg! kumagat na sana 'tong si Harm eh!" Tear said between her laughs.

"Oo nga sayang, pero nakunan mo naman di'ba?" Ani Shadow habang hinuhubad ang isang kwintas mula sa leeg niya.

It's a voice changer and that explains kung bakit kaboses niya si tita Marg kanina. And for the nth time, ay nabiktima na naman nila ako sa panti-trip nila.

"Oo naman! Ako pa ba? Bilib na talaga ako sa'yo Shadow. Paniwalang-paniwala talaga si Harm sa'yo. Bilib na talaga ako sa acting skills mo!" Ani Tear.

Silent Affliction Of The Harmful (PGS #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon