Chapter 15

1.1K 43 19
                                    


"OKAY ka lang ba?" Nag-aalalang tanong sa akin ni Ms. Dela Vega nang makarating na kami sa 21st floor.

Huminga ako ng malalim saka siya sinigawan.

"What were you thinking? Why did you go back? Alam mo bang muntik ka nang mapahamak dahil sa ginawa mo?" Sunod-sunod na tanong ko sa kaniya.

"I'm sorry, ginawa ko lang ang sa tingin ko ay tama." Mahinang sagot niya.

"And you think that it's right to risk your life?" Tanong ko.

"Hindi naman kasi pwedeng mapahamak ka nang dahil sa akin." Pasigaw na sabi niya na dahilan upang matawa ako.

"Nagpapatawa ka ba? Eh 'di ba nga kaya ka lumapit sa organization para maligtas 'yang buhay mo? And now you're risking your life dahil lang ayaw mong mapahamak ako? Are you kidding me Ms. Dela Vega?" Natatawang tanong ko.

"I-I....I was just---"

"Okay, now listen to me. Don't you ever do that again if you still want to continue living your life Ms. Dela Vega. At lagi mong tatandaan na kaya ko ang sarili ko, at hindi ako basta-bastang mapapatumba ng isang gunman lang okay?" Napapailing na sabi ko sa kaniya.

"Hey, kung makapagsalita ka akala mo naman ikaw ang matanda sa ating dalawa. Ipapaalala ko lang sa'yo na teenager ka pa lang at marami pang mangyayari sa buhay mo at ayokong mawala lahat ng 'yon sa isang iglap nang dahil lang sa akin." Hinihingal na sabi niya dahilan upang matigilan ako.

Those lines seem so familiar. Parang katulad nung mga sinabi niya sa akin noon.

Napakurap ako at napalunok bago ulit nagsalita.

"That's not gonna happen Ms. Dela Vega. I'm not just an ordinary teenager as you're saying." Sabi ko at napaiwas ng tingin. "I am harmful. I bring harm to my enemies and not the other way around. So you really don't have to worry."

Dahil nagiging pamilyar na sa akin ang eksena ay tinalikuran ko na lang siya at nagsimula na akong maglakad pabalik ng unit. Pero agad rin naman akong napatigil nang maalala kong dapat ko pa lang siguraduhing makakauwi siya nang ligtas kaya muli ko siyang hinarap.

"Give me your car keys. I'll drive you home." Ma-awtoridad na utos ko.

"H-Hindi na. I can man---"

"I said I'll drive you home and that's final." Putol ko sa dapat ay sasabihin niya.

"Okay, pero ako ang magmamaneho." Taas noong aniya.

"I know how to drive okay? I have my own car so you don't have to worry."

"Nope. Pinayagan na kitang samahan ako pauwi but I'll drive and that's final." Panggagaya niya sa sinabi ko kanina which caused me to roll my eyes upwards.

"Fine, whatever." Sabi ko na lang at nang matapos na dahil marami pa akong gagawin or should I say a mess to clean up. Tss.

**

MAGHA-HATINGGABI na rin nang makabalik ako ng condominium building. Kinailangan ko pa kasing magpasundo kay Tear na nakatambay na naman sa Underground dahil wala akong dalang pera. Nakalimutan kong gadgets lang pala ang naipasok ko sa bag ko at hindi ko na naisama pa ang wallet ko. Atsaka ayaw kong nagco-commute kaya mas pinili kong maghintay na lang kay Tear. I didn't wait too long though.

Pasakay na ako ng elevator at sakto namang may bumukas na isa kaya pumasok ako do'n. May isa akong kasabay na nakasuot rin ng hoodie pero hindi ko na lang siya pinansin. Wala rin naman akong nase-sense na panganib at kung gagawa man siya nang bagay na hindi ko magugustuhan ay sisiguraduhin kong hindi siya makakalabas ng elevator na 'to na walang pasa sa mukha.

Silent Affliction Of The Harmful (PGS #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon