Chapter 20

1K 43 19
                                    


"GOODMORNING class, I am Elizabeth Dela Vega and I am Mrs. Jill's substitute teacher." Nakangiting pagpapakilala niya sa harap namin.

Ngayon na ang ika-unang araw niya bilang substitute teacher sa R.U. at inaasahan kong sa pagpasok niya dito, mas magiging delikado pa ang buhay niya. At bago pa siya tuluyang mapahamak, ay kailangan maunahan ko na ang taong nagtatangka sa buhay niya.

"Hi Ms. Dela Vega, welcome to Raikuzan University and especially, welcome to our section. The section where beauty and brains unite. I am Grace Lopez by the way." Pagmamalaki ni Grace na para bang mayroon siya ng sinasabi niyang beauty and brains. Tss.

"Well, it's a pleasure to be a part of this section then Ms. Lopez." Nakangiting sabi ni Ms. Dela Vega.

"Thank you, and by the way, you're so beautiful. Please tell us more about yourself."

"Sure thing." Aniya at sinimulan na ang pagpapakilala sa sarili niya. "Once again, I am Elizabeth Dela Vega, I am 26 years old, I own the Dela Vega's group of companies---"

Hindi na ako nakinig pa sa mga sinabi niya dahil alam ko na naman 'yon lahat. Sa halip na makinig sa kaniya, nalipat ang atensiyon ko sa isang babaeng matamang nakatingin ngayon kay Ms. Dela Vega.

Nakatingin lang siya rito habang abala naman sa pagsusulat ang isang kamay niya sa isang notebook. Ano naman kayang sinusulat niya? At bakit ganiyan siya kung makatingin kay Ms. Dela Vega? Ikaw na ba ang hinahanap kong may-ari ng cellphone number na 'yon, Shenny Rom?

Mabilis na lumipas ang oras at pagkatapos nilang makipag-kwentuhan kay Ms. Dela Vega ay tumunog na ang bell na hudyat para sa lunch break. Mabilis na isinuot ko ang bag ko at lumabas na ng classroom.

Nagtungo ako sa rooftop ng high-school building kung saan ako lang ang nag-iisang tao at malaya kong nakikita ang lahat. Pagkarating ko do'n ay agad na inilabas ko ang laptop ko at pinasok ulit ang school system. Nang magawa ko 'yon ay agad na tiningnan ko ang bawat CCTV cameras sa building na 'to hanggang sa mahanap ko si Ms. Dela Vega na kakapasok pa lang ng Director's office.

Napatingin naman ako sa isang CCTV footage na nakaharap sa isang hallway kung saan makikita ang Chem Lab. Nakita kong sabay na pumasok do'n sina Carlos at Jeffrey. Maya-maya lang din ay magkakasabay na pumasok sina Pinky, Chelsea at 'yung Myka na naka-twin ponytail pa rin ang buhok. Ilang minuto pa ang lumipas ay nakita kong naglalakad na sa hallway si Shenny pero bago pa siya tuluyang makapasok ng Chem Lab ay nakita kong parang may tinawagan muna siya sa cellphone niya. Ilang segundo lang ang itinagal no'n at ibinaba na niya ito at tuluyan nang pumasok ng Chem Lab.

Sino naman kaya kinontact niya kanina? I know you have this shady personality to me Ms. Shenny Rom, and it's not impossible that you're the one I'm looking for. I just need some evidence that'll lead me to you.

Sa gitna ng panonood ko ng CCTV footages ay naramdaman ko ang biglaang pagkulo ng tiyan ko. Tsk, mukhang gutom na ako ah. Sa pagmamadali ko pa namang makarating dito ay nakalimutan kong bumili muna ng pagkain sa Cafeteria. Tinatamad pa naman akong bumaba para bumili.

Bigla ko namang naisara ang laptop ko at halos mapatalon ako sa gulat nang biglang bumukas ang pinto ng rooftop at bumungad sa akin ang isang nakangiting abnormal na lalaki na may hawak-hawak na paper bag.

"Hi Lee!" Bati niya na may malapad na ngiti sa mga labi.

"What the hell are you doing here?" Tanong ko sa kaniya.

"Kanina pa kasi kita hinahanap. Nung tumingin naman kasi ako sa upuan mo kanina nung lunch break na ay wala ka na. Akala ko nasa Cafeteria ka na kaya pumunta ako do'n pero wala naman akong Lee na nadatnan do'n. Sabi naman ni Nathalie na nandito ka daw kaya pumunta ako dito." Tss, ang daldal talaga ng isang 'to. Simpleng 'what the hell are you doing here?' Hindi pa masagot gamit ang tatlong salita lang.

Silent Affliction Of The Harmful (PGS #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon