Chapter 3

1.7K 61 3
                                    


INIHINTO ko ang kotseng minamaneho ko sa likod ng isang tagong building ng Sword Organization. Bumaba na ako at dumiretso sa isang pinto. Nang ipasok ko ang ID ko sa ID scanner ay umayos ako ng tayo nang lumabas na ang pulang ilaw na ini-iscan ako mula ulo hanggang paa. Matapos ang ilang segundo ay iniluwa na ng scanner ang I.D. ko at kasabay no'n ang pagkawala ng pulang ilaw na nag-scan sa akin kanina. Pagkatapos ay narinig ko ang talking computer ng Sword na si Sandy.

"Scan completed. Welcome back master Harm!" Aniya at bumukas ang pinto na nasa harap ko.

"Thanks Sandy." Sabi ko at pumasok na sa loob.

Tumambad sa akin ang mga taong nagtatrabaho para sa organisasyong ito na abala sa kani-kanilang mga ginagawa. Nagsimula akong magtungo papuntang PGG's room at lahat ng madadaanan ko ay nagbo-bow sa akin na para bang isa akong kagalang-galang na tao. Tango lang ang isinusukli ko sa kanila. Nakakatamad kasing ngumiti ngayon.

"Master Harm, it's good to see you here." Ani Jin. Isa sa mga seniors ng Sword.

Simula nang magtraining kami dito para maging isang agent ng Sword . ay nandito na siya. Isa siya sa mga naging sensei namin. Malaki ang respeto sa kaniya ng mga tao rito kaya ang tawag nila sa kaniya ay senior Jin. Maliban na lang sa aming lima. Hindi naman sa hindi namin siya nirerespeto pero sabi kasi ni Tear ay hindi daw bagay sa kaniya ang tawaging senior dahil hindi pa naman daw siya gurang, na sinang-ayonan naman naming apat.

"It's good to see you too, Jin." Sabi ko at nginitian siya.

Magsasalita pa sana siya nang biglang nag-ring ang cellphone niya.

"I'll just take this call master Harm." Paalam niya na tinanguan ko lang. Pagkatapos ay dumiretso na ako sa PGG's room.

Pagbukas ko ay tumambad sa akin ang isang napakatahimik na silid. Tinungo ko agad ang isa sa mga computer dito sa PGG's room. Binuksan ko ito at tiningnan kung may mga bagong files bang ipinasa sa akin si Nightmare para sa bagong misyon ko pero napakunot ang noo ko nang makitang wala akong natanggap galing kay Night.

Agad na kinuha ko ang cellphone ko mula sa aking bulsa at idinial ang number ni Nightmare. Makailang ulit pa itong nag-ring bago niya sinagot.

["Yes, Harm."] Bungad niya.

"Night, nandito na ako sa Sword."

["Okay good."] Aniya at tinapos na ang tawag.

Anong nangyari do'n? Bakit bigla akong binabaan?

Pero agad rin namang nawala ang pagtataka ko nang makita ko ang skype name ni Nightmare sa screen ng computer na tumatawag. Pinindot ko ang answer button at agad na tumambad sa akin ang napakaganda niyang mukha.

"Hey, Harm. I think I won't ask you the question 'how are you' because it's evident in your face that you didn't sleep well last night." Aniya na ikinasimangot ko.

"Ang ganda ng salubong mo sa akin ha, maraming salamat." Sarkastikong sabi ko.

"You're welcome Harm." Aniya. Napabuga nalang ako ng hangin. Hindi ba niya alam na sarcastic 'yon?

"I was being sarcastic Nightmare." Sabi ko.

"Yeah, I know. Anyways, your new mission is about Elizabeth Dela Vega and her golden snake necklace."

"Okay? Ano bang sinabi nung suspect na nahuli ko?" Tanong ko.

Hindi ko na kasi siya nakausap kagabi nang dumating na sila Jin at isinama siya. Naging abala na rin ako sa pagbura ng mga CCTV footage kung saan makikita kaming dalawa. Ginawan ko na rin ng paraan 'yong kotseng natamaan ng bala nung suspect. In short, I was the one who cleaned up his mess.

Silent Affliction Of The Harmful (PGS #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon