Chapter 32

1.1K 42 11
                                    


HUMIHIKAB na naglalakad ako patungo ng Director's office kung saan napag-usapan naming mag-lunch nila Fear at Tear. Katatapos lang ng morning classes namin pero inaantok pa rin ako. Kulang na kulang ang tulog ko at kagagawan 'yon ng abnormal na Cedrick na 'yon.

Nakatatlong Barbie movies kasi kami kagabi at nung sinabi kong matutulog na ako ay pinigilan na naman niya ako kasi gusto raw niyang maglaro pa kami ng video games. Ewan ko rin kung anong nakain ko at pumayag ako. Bigla niya pang natanong kung bakit ko tinulungan si Tear kahapon, kilala ko raw ba siya. Nakita niya pala ang ginawa ko pero buti na lang at nakalusot ako. Sinabi ko na lang na hindi naman talaga tama 'yung ginawa nung Grace na 'yun at naawa ako do'n sa babaeng inapi niya which is Tear.

Speaking of Tear ay siya agad ang nakita ko pagkapasok ko ng Director's office. Prente siyang nakaupo sa sofa habang nakapatong ang mga paa niya sa center table. Napakibit balikat na lang ako at naghikab ulit. Hindi ko naman inaasahan na maaapektuhan siya sa nangyari sa kaniya kahapon.

"Oh, hi Harm!" Bati niya nang mapansin ako.

"Hey!" Sabi ko at naupo na rin.

"Halata sa mukha mo na pagod na pagod ka."

"Hindi naman, inaantok lang, where's Fear?" Tanong ko nang mapansin na wala ang pinsan kong palaging late.

"Ah, siya naman ang bumili ng lunch natin ngayon." Sabi niya na may nakapaskil na malaking ngiti sa labi. Mukhang nagtalo pa sila kung sinong bibili ng lunch at mukhang nanalo siya ngayon.

"Great!" Sabi ko na lang at saglit na ipinikit ang aking mga mata.

"Harm?" Biglang tawag niya sa akin.

"Hmm?" Tinatamad na sagot ko.

"I forgot to say thank you."

"For what?" Tanong ko habang nanatili pa ring nakapikit ang aking mga mata.

"Thank you for what you and Fear did yesterday. Kung hindi lang talaga ako nakadisguise kahapon ay papatulan ko talaga yung mga palakang yun!" Natawa na lang ako sa sinabi niya.

"You're welcome, and Tear can I ask you a question?"

"Sure." Dumilat naman ako at tumingin sa kaniya.

"Ang alam ko ay tapos na ang misyon mo rito sa RU, bakit hanggang ngayon nagpapanggap ka pa rin bilang si Beatrice?"

"There's no exact reason," sagot niya pagkalipas ng ilang segundo. "It's just that parang nasanay na ako rito sa RU kaya siguro gusto ko munang manatili rito."

Tss, I know that's not the reason. Kung anuman ang rason niya, sa tingin ko ay may kinalaman dun 'yung lalaki na madalas kong nakikitang kasama niya.

"Ayaw mo na bang bumalik sa St. Anthony? I mean, ang ganda ng buhay mo dun. You are treated like a queen there, samantalang dito ay inaapi ka and I know how much you dislike that nerdy get up of yours." Bigla naman siyang nag-iwas ng tingin matapos kong sabihin 'yon. Ilang segundo ulit ang lumipas bago niya ibinalik sa akin ang tingin niya at nagsalita.

"You know what Harm, you're right. My life in St. Anthony was totally diffrent here but still, I stayed. Kasi akala ko posibleng mangyari ang isang bagay na hindi naman talaga makatotohanan." Aniya saka umayos sa pagkakaupo.

"But I'm wrong. Hindi pala pwede. Pero hindi naman ibig sabihin nun ay basta-basta na lang akong tatalikod. You know me Harm, I don't turn my back until it's the end. Sinimulan lang nila pero ako ang tatapos." Nakangiting aniya pero may nakikita akong kakaiba sa mga mata niya.

Mali talaga sila ng kinalaban. Kung may isa man sa amin na hindi basta-basta umuurong hangga't hindi niya nakukuha ang gusto niya, si Tear 'yon.

"Kaya hindi muna ako aalis ng RU." Aniya. "Mali pala, Beatrice Plaza will say goodbye to Raikuzan University and I will take over."

Silent Affliction Of The Harmful (PGS #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon