"JUST wait here Ms. Lim, patapos na rin naman ang meeting ni Ms. Elizabeth." Nakangiting sabi ng sekretarya ni Ms. Dela Vega.
Isang tango lang ang isinukli ko sa kaniya pagkatapos ay prente akong umupo sa isang sofa.
Pagkatapos kong mabasa ang file na ipinadala ni Nightmare sa akin ay dumiretso kaagad ako dito sa company ni Ms. Dela Vega para kausapin siya. Pero pagkarating ko dito ay nasa meeting pa daw siya kaya naman ay dito na ako pinaghintay ng secretary niya sa loob ng opisina niya.
"Ahm, Ms. Lim would you like a cup of coffee or tea perhaps?" Magalang na tanong niya.
"No, thanks. I'm fine." Sabi ko at umupo sa isang mahabang sofa.
"Okay po. Kung may kailangan po kayo, nandoon lang po ako sa labas." Aniya at lumabas na ng office. Kinuha ko naman ang iPad ko na nasa loob ng sling bag na dala ko.
Minsan talaga nakakainis kapag high profiled ka. Ginagamitan ka nila ng "po" at "opo" kahit mas malaki naman ang edad nila kaysa sayo.
Nagpakawala na lang ako ng isang malalim na hininga habang sinusubukang pasukin ang security system ng building na 'to. Kailangan kong makita lahat ng empleyado at nang malaman ko kung may kahina-hinala ba sa mga ito. Dahil kahit teritoryo niya ito, hindi ibig sabihin no'n ay ligtas siya dito.
Ilang minuto pa ang lumipas nang mapasok ko na nang tuluyan ang security system ng buong building. Agad na tinype ko ang first floor at lumabas naman ang mga CCTV footages sa floor na 'yon. When I noticed that there's nothing strange, I proceeded to the second floor.
Nasa kalagitnaan ako ng aking ginagawa nang biglang tumunog ang cellphone ko. At katulad nang nakagawian ay sinagot ko ito nang hindi tinitingnan kung sino ang caller.
"Yes, hello?" Tanong ko.
["Hi Harm! Hindi mo na naman tiningnan kung sino ang tumawag."] Aniya na obvious naman na parati kong ginagawa.
Nakakatamad kasing tingnan kung sino ang caller. Kilala ko na naman ang mga boses ng bawat number na naka-register sa phone ko. Katulad na lang ng isang 'to.
"Hey Fear, napatawag ka?" tanong ko.
["Ahm, may itatanong lang sana ako sa'yo Harm the genius."] Nang-aasar na sabi niya.
"Tss. Shoot."
["Kung may bubuksan ba akong file sa computer ni Kent, pwede ko pa rin bang gamitin 'yong passcode na ibinigay mo sa akin no'n?"] Aniya na tinutukoy 'yong code na pinagpuyatan kong buuin para lang sa misyon niyang mabuksan ang computer ni Kent.
"Yup, gagana lang 'yon sa system niya. Bakit Fear? Is your prince charming cheating on you?" Nakangising na tanong ko kahit hindi niya nakikita.
["Nope, gusto ko lang buksan 'yong isang folder sa computer niya na may filename na 'My Aries'."] Proud na sabi niya at diniinan pa ang pagkakasabi ng 'my Aries'.
Psh. Edi ikaw na ang may love life.
"Oh, eh bakit sa akin ka pa nagtanong ng passcode?" Iritang tanong ko.
["Eh, kasi ayaw niyang ibigay 'yong password eh. Surprise daw kasi ang laman ng file na 'yon."]
Tamo 'to, nang-iistorbo ng ibang tao dahil lang sa harutan nila. Tsk.
"Ewan ko sa inyong dalawa, bagay nga kayo. Ang haharot niyo." Sabi ko na tinawanan lang niya.
["Haha 'wag kang mag-alala Harm, darating din ang panahon na ikaw naman ang tatawag sa akin."] Makahulugang aniya.
"And what do you mean by that?" Tanong ko.
["Oh, nothing. Sige na Harm, ibababa ko na 'to. Thanks, bye."] Aniya bago tinapos ang tawag.
BINABASA MO ANG
Silent Affliction Of The Harmful (PGS #2)
ActionHaylee Chris Lim can make your devices explode in just one sitting. That's why she is known as Harm of the Phantom Goddesses. An unfortunate event from her past caused her to block those innocent people who want to be close to her. But there was a s...