MATAPOS kong i-save ang file na siyang pinunta ko dito sa S.O. ay isinilid ko na ang laptop ko sa bag ko. Ilang oras din ang itinagal bago ako matapos sa ginagawa ko. Salamat na lang kina Shadow at Fear dahil sa sobrang ingay at pangungulit nila ay mas natagalan pa tuloy ako. Tsk.Kinukulit lang naman kasi nila ako kung may chance ba daw na magkakami nung abnormal na Cedrick na 'yon. At ang sagot ko? Isang tumatagingting na "Never".
Ewan ko sa kanila kung bakit nila pinipilit sa akin 'yung abnormal na lalaking 'yon. Buti na lang at marunong silang magsawa at tinantanan na nila ako. 'Yung dalawang 'yon, ang lakas ng loob na guluhin ako sa ginagawa ko tapos may kaniya-kaniya rin pala silang misyon na dapat atupagin.Nang mailigpit ko na ang mga gadgets ko ay lumapit ako sa isang drawer doon at binuksan ito. Kumuha ako ng mga stickers at inilagay rin sa loob ng bag ko. Nasa ganun akong posisyon nang biglang tumunog ang cellphone ko kaya mabilis ko itong kinuha mula sa bulsa ko at sinagot nang hindi tinitingnan kung sino ang caller.
"Yes, hello?"
["H-Harm?"] Bahagyang kumunot ang noo ko nang makilala ang boses niya na parang nanginginig sa takot.
May nangyari na naman ba?
"What happened? Ms. Dela Vega?" Kalmadong tanong ko sa kaniya.
"I-I received another death threat, Harm." Aniya at bakas sa boses niya ang pagkatakot.
"Tell me your location and I'll be there." Sabi ko habang naglalakad papalabas ng PGG's room.
"I'm in my company." Sagot niya at hindi na ako sumagot pa at tinapos ko na kaagad ang tawag.
Mabilis akong naglalakad papuntang parking lot ng S.O. nang tawagin ako bigla ni Jin.
"Looks like you're in a hurry Master Harm." Aniya.
"Yeah, I'll meet with my client."
"Kung ganun, wala naman akong masiyadong ginagawa ngayon. Baka gusto mong ipag-drive na kita Master." Suhestiyon niya.
Napaisip naman ako sa sinabi niya. Hmm, I don't feel like driving today atsaka kaya rin dito ko ipinapark ang green lamborghini aventador ko dahil ginagamit ko lang 'yon 'pag pumupunta ako ng Underground at sa mga misyon na kailangan ng isang mapagkakatiwalaan na sasakyan.
"Kung hindi ba naman ako nakakaabala ay hindi ko tatanggihan ang inaalok mong paghatid sa akin, Jin." Nakangiting sabi ko.
"Sabi ko na nga ba't 'yan ang magiging sagot mo." Natatawang aniya at nauna nang maglakad.
Isang puting kotse ang sinakyan naming dalawa ni Jin. Pansin ko nga rin na ito ang kotseng palagi niyang sinasakyan tuwing pinapapunta siya sa isang misyon.
"Kumusta naman ang takbo ng bagong misyon mo Harm?" Tanong niya.
"Oh? Asan na ang salitang 'master'?" Tanong ko.
"Oh, come on. Mukhang ini-enjoy niyo talagang lima ang pang-aalipin sa akin ha." Aniya.
"Hindi lang enjoy, enjoy na enjoy kami." Natatawang sabi ko.
Hindi naman talaga kasi kailangan na tawagin niya kaming lima na 'Master' since naging sensei nga siya namin. Pero may napagkasunduan lang kasi sila ni Tear at obviously nanalo ang mapang-asar na babaeng 'yon kaya nauwi siya sa pagtawag sa aming Master.
"Kung alam ko lang na matatalo pala ako, edi sana ay hindi na ako pumatol pa sa trip nung babaeng 'yon." Rinig kong bulong niya na ikinatawa ko.
"Ganiyan talaga Sen--- I mean Jin pala." Sabi ko na sinadyang putulin ang sensei. "Nasa huli talaga ang pagsisisi."
![](https://img.wattpad.com/cover/110196488-288-k749614.jpg)
BINABASA MO ANG
Silent Affliction Of The Harmful (PGS #2)
ActionHaylee Chris Lim can make your devices explode in just one sitting. That's why she is known as Harm of the Phantom Goddesses. An unfortunate event from her past caused her to block those innocent people who want to be close to her. But there was a s...