Chapter 3

339 7 0
                                    


#Trapped

Pagpasok namin ni Dondon nadatnan namin sila sa sahig na nakasquat.

"Nakakapagod..."ani Talia.

"Nagugutom ako."saad ni Thea na hinihimas ang tiyan.

"Kakakain lang natin gutom kana naman?"tanong ko kay Thea.

"Mahaba kaya 'yong biyahe natin."

Ngumuso naman siya at nagkamot sa batok.

"Sige. Lalabas ako at oorder ng food sa restaurant. Tals, come with me."

"Okay." Tumayo si Talia at binaba ang suot niyang tumaas dahil sa paraan ng pag upo.

Naglakad kami papuntang restaurant at umorder agad ng makakain. Para sigurado pinili ko 'yong pangmaramihan para magkasya sa amin lahat kung sakali.

"Ceerine, may seafoods buffet sila!"saad ni Talia habang naka angat ang ulo namin sa ibabaw na menu.

Tinukod ko ang daliri sa aking baba. "Okay. We'll take that."sabi ko at nagbaba na ng tingin.

"May seafoods buffet?"tanong ko sa crew.

"Seafoods buffet please..."sambit din ng lalaking nasa gilid ko.

Palipat lipat ang tingin ng babae sa amin. Ganunpaman, ngumiti siya at sinunod ang first come first serve.

Nilingun ko ang nasa gilid at lumingun din siya. I wasn't surprised who that was. The way his cold stares bore into mine is very familiar now.

"May pa extra rice, miss?"tanong ni Talia sa crew.

"Yes, ma'am."the crew softly said.

Naghintay kami. Nag angat ng tingin ang crew sa amin at palipat lipat ulit ang mata sa aming dalawa.

"Ay, sir after 15 minutes pa po ang order niyo bago namin maiserve, sir."she said in her apologetic tone.

"15 minutes? Can I order another food instead? I don't think my cousins can wait until fifteen..." Dandrev said in a very formal way.

"Give them our order instead, Miss. Kami na ang oorder ng iba."sabat ko.

"No. It's fine. I'll just order another one. Give them thier order."pigil niya.

"We can wait after fifteen minutes naman kaya okay lang..."apila ko. Nginitian ang crew dahil gulong gulo na siya ngayon kung sino ang uunahin.

Humugot ng malalim na paghinga si Dandrev at pumikit.

"I'll take another one. That's final."utos niya sa crew at tumingin sa menu na nasa ibabaw.

"O-okay po, sir!"

Umiling ako't pumikit dahil sa pagpipigil.

"Tals, doon kana lang maghintay."utos ko.

"Okay." Sagot niya. Nakaawang ang labi at kumurap ng ilang beses bago lumipat sa may mga monoblock chairs.

Sinuklay ko ang buhok gamit ang aking mga daliri. Tinitignan ko siya sa gilid ng mga ko. I caught him staring at me but then looked away. Bahagya akong tumikhim para mawala ang tensyun sa pagitan namin.

"Its nice seeing you here..."saad niya.

Nilingun ko siya. At bahagyang ngumiti.

"Nice seeing you,too."pagbawi ko.

"What are the odds that we'll see each other again for almost three years? What's the plan for now?" Nag taas siya ng kilay. Tila may ibang pinahihiwatig sa binigkas niya.

Trapped(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon