#TrappedMedyo SPG.
Kinabuksan hindi na muna nagpunta si Mommy sa bookstore. She said she wanted to stay for me. Mamaya narin daw ang uwi nila Daddy kasama sila Dondon at Akie.
"Okay naba yang breakfast mo?"tanong sa akin ni Mommy na nasa harap ko. Kaming dalawa nalang ang naiwan kasama ang mga kasambahay.
"Okay na po,Mommy."sagot ko.
Siya ang nagluto ng breakfast ko today. Feeling ko tuloy bumalik ako sa pagkabata. Palihim akong napangiti."Anak,bakit ka ngumingiti mag isa?"nagising ako sa pagsasalita ni Mommy.
"Naalala ko lang po yung dati na pinagluluto niyo kami ni Achourusse ng spaghetti."ngumiti ako.
Binaba niya ang kubyertos at hinawakan ang kamay ko. "Do you want me to cook again?"malambing niyang tugon.
I chuckled and nodded."Pinakamasarap sa lahat ng pagkain ang lulutin mo,Mommy."
Natawa naman siya.
Pinagmasdan ko siyang ibinalik ang atensyun sa pagkain.Pagkatapos kong kumain bumalik na at dahil wala naman akong gagawin kinuha ko ang spare notebook at ballpen sa cabinet. Maybe I should write something to let out some of my worriness.
Sa kalagitnaan ng aking pagsusulat at ay tumunog ang cellphone ko. Sinipat ko iyon. Dumaloy na naman ang kunting kaba sa akin. Sinasabi ng isip ko na huwag ng sagutin. Pero ang katawan ko mismo ang gumalaw upang pindutin iyon at tinapat sa aking tenga.
"Hello?"
[Hey...]
Fuck that husky voice,Maravello!
"You need anything?"kalmado kung tanong as I tried to control my voice.
[Yes. Im here in my office. Nagpunta ako sa skwelahan kanina pero absent ka. How are you by the way? I'm worried.]
Kusang lumukso ang puso ko sa tanong niya. Naalala ko ang nangyari kagabi. His sweet warm kisses. Those desirable lips. My god!
"Im fine. Its just that...hindi ko feel pumasok ngayon. And...uhm... I'm tired."paliwanag ko.
I gripped on my bedsheet and closed my eyes. Pinagpapawisan tuloy ako.
[Okay. I'll see you soon then.]
"Okay. Bye."binitawan kona ang cellphone at nagmura.
Ang bawat pintig ng puso ko'y nagpapahiwatig ng kasiyahan at galak sa tuwing naririnig ko ang boses niya.
Ikaapat na araw ng linggong ito ay papasok na ako. Ang dami ko ng tambak na trabaho sa iskwelahan.
"Dad, aalis na po kami."paalam ko.
"Sige, anak. Mag ingat kayo."lumapit ako sa kanya para humalik sa pisngi.
"Ihahatid kona kayo."presenta ni Akie.
Dumapo ang mga mata ko sa kanya. Kahapon pa malalim ang tingin niya sa akin. Hindi ko alam kung ano ang dahilan ngunit may kakaiba sa kanya.
"Tara na,Kuya. Late na tayo!"pagmamaktul ni Thea.
"Lets go."pinal kong sabi at ginaya na sila palabas ng bahay.
Ang nangyari noong isang gabi ay hindi ko na masyadong iniisip. Ngunit sa bawat titig ni Akie parang may alam siya na pilit niyang tinatago.
Walang usapan na naganap sa byahe. Sobrang tahimik yata nila ngayon. And its very weird.
"Sobrang tahimik niyo yata ngayon?"pagbasag ko sa katahimikan.
BINABASA MO ANG
Trapped(Completed)
General Fiction"May mga bagay na pwede at hindi pwede. May mga taong pwede pero hindi dapat." How will you freed yourself from being trapped to your past? Letting go from it will never be easy. Pain won't leave you until it's ready to leave. Now tell me, will you...