#TrappedMag isa ako ngayon sa mansyon. Umalis si Dandrev dahil may aasikasuhin daw siya.
Nasa kusina ako ngayon nagluluto ng dinner para pag uwi niya makakain na kami. Ganon naman talaga kapag mag asawa na. The husband's responsibility is to work and the wife is to take care of her partner. Bahagya akong napangiti. Ano ba itong naiisip ko?
May narinig akong bumukas ng pinto at sumunod ang mga yapak. Mas lalong lumapad ang ngiti ko. He's here. Perfect timing, love.
Pinatay ko na ang stove at naghugas ng kamay.
"Mabuti dumating kana. I cooked your dinner."sabi ko habang nakatalikod. He's silent on the other hand.
"Dan..."namilog ang mga mata ko sa nakita.
Mga matang nag aalab sa galit. Nagsimula ng gumapang ang takot sa akin.
"Anong ginagawa mo dito,Dondon?"
"Ikaw? Anong ginagawa mo dito?"mas lalo akong natakot ng sumulpot si Akie sa likod.
"Lets go home..."mauturidad na wika ni Dondon.
Naikuyom ko ang mga palad.
"No! Now that I knew everything! Yung ginawa niyo sa kanya?! May kinalaman ba dito si Mommy?!"tinaasan ko sila ng boses.I've never seen how Doniel gets angry before. Ngayon ay parang hindi niya na kayang pigilan.
"Kung ayaw mo ng gulo, Ceerine sumama kana sa amin pauwi."hinawakan ni Dondon ang palapulsuhan ko pero marahas ko itong binawi.
"Hindi ako sasama sa inyo. I had enough,Don! You can't do this to me! You can't do this to us!We love each other!"bulyaw ko.
Nagsimulang tumulo ang mga luha ko. Wag lang sana siyang dumating at madatnan akong ganito dahil alam kong mas gugulo.
"Bullshit, Ceerine! Nasaan siya ngayon? Huh? Where is he? Diba wala? Hindi ka niya imapagtatanggol. Dahil ang totoo lulukuhin kalang rin niya."diin niyang sinabi.
"Wag mo siyang itulad sa iba, Don..."humikbi ako.
"Halika na!"hinigit niya ako palabas ng kusina. Nanlaban ako sa pagkakahawak niya pero mas malakas siya kaya wala na akong nagawa.
Palinga linga ako paligid habang umiiyak. Wala siya. Nanikip ang dibdib ko sa kakaisip na kapag dumating siya ay wala na ako.
"Don...please. Don't do this. I'm begging you."pagmamakaawa ko sa kanya ng nasa harap na kami ng kotse.
Humarap siya saakin na malalim ang titig.
"Iuuwi ka namin ngayon din."nasasaktan ako sa mahigpit na kapit niya.
"Pumasok kana, Ceerine."malamig na utos ni Akie.
Hinihiwa ang puso ko sa sobrang sakit. Gusto ko sana siyang masilayan bago umalis. I hate to leave. Ayokong umalis na hindi siya nakikita.
"How can you fucking do this to me!? All of you!?"pagsisisigaw ko sa kanila.
Hinigit ako ni Dondon papasok sa sasakyan. Umupo na ako doon sa passenger's seat na umiiyak tanaw ang malaking gate na sinarado ni Akie bago pumasok sa kotse na parang wala lang ako na nag iiiyak.
Akala ko habambuhay kaming ganon kasaya. Pero hindi pala. Nakalimutan kong may mga tao palang hadlang sa aming dalawa.
Tahimik akong pumasok sa bukana ng sala. I saw them. Isa isa silang nagsitayuan. May nag aalala at galit sa kanilang mga titig.
Naunang lumapit sa akin si Mommy. Ang akala ko'y yakap ang maabutan ko pero hindi. Isang masakit na sampal ang binati ko sa kanya.
"Veronica!"ani Tita Arielle na dinaluhan si Mommy.
![](https://img.wattpad.com/cover/111055870-288-k43129.jpg)
BINABASA MO ANG
Trapped(Completed)
General Fiction"May mga bagay na pwede at hindi pwede. May mga taong pwede pero hindi dapat." How will you freed yourself from being trapped to your past? Letting go from it will never be easy. Pain won't leave you until it's ready to leave. Now tell me, will you...