Chapter 31

118 1 0
                                    


#Trapped

"Touch down Manila!"sigaw naming tatlo ng malapit ng maglanding ang eroplanong sinasakyan namin.

Dahil pasko na bukas at uuwi kami sa aming mga pamilya ay nagsabay na kami pauwi.

I am wearing a turtle neck longsleeves dress na hanggang tuhod ang haba. A maroon lipstick and nailpolish suits my dress. Mahaba narin ang buhok ko at nagpalagay pa ako ng bangs. To make a difference.

Umantig agad ang puso ko ng makababa na kami ng eroplano. May parting nabou do'n na hindi ko alam kung para saan.

Im home.

Maraming nagbago sa akin.
I was fixed. I've change but my heart remains the same.

"Oh! ag ng mag emote halika na. Kanina kapa pinagmamasdan ng mga tao..."hinila ako Abby at Debbie.

May mga bumati at gustong magpapicture sa akin pero kailangan ko ng umalis talaga. Not that I don't want to but there's always a next time.

"Tayong tatlo ang magkasama pero mukha mulang ang gustong picturan. Ang taray!"ani Debbie.

Natawa ako sa kanya.
"Lunch muna tayo sa bahay. Please?"pakiusap ko sa kanila.

"Aba! E, kong pagkain ang pag uusapan gora kami dyan!"masayang wika ni Abby at mistulang tinanaw si Debbie.

Pinasundo kami ni Daddy sa airport ng bagong driver.

Puro tawanan at kwentuhan ang ginawa namin sa loob ng kotse.
Ang palaging sinasabi ni Debbie ay kinakabahan daw siya pagdating ng bahay. Tinawanan ko lang siya. I'm also nervous pero hindi ko lang pinapakita.

"Nandito na po tayo..."sabi ng driver.

Mas lalong kumabog ang puso ko sa sobrang kaba ng ma mataan ang boung pamilya sa bukana ng pintuan. Dahan dahan akong lumabas. At lumakad papunta sa kanila.

"Ceerine!" Daddy.

"You're back!" Mommy.

Pareho ko silang yinakap ng mahigpit. The hugs that I've been longing for.

"Mom...Dad..."

Bumitaw ako at sunod na yumakap sa mga pinsan kong babae na parang binudburan ng asin dahil nagtatatalon sa tuwa! Even my the boys.

"I missed you..."ani Thea.

"Namiss ko rin kayo!"sabi ko.

Sunod kong yinakap ang mga Tito at Tita ko. I miss my whole family!

"Cee,baka gusto mo namang ipakilala kami?"nanginginig na boses ni Debbie.

Natawa kaming dalawa ni Abby.
"Mom,Dad, everyone. These are my friends, Debbie and Abby. Family ko and cousins ko..."pakilala ko sa kanila.

My friends formally introduced themselves to my titos, titas and my cousins.

"The food is ready. Let's get inside everyone?"nagpatiuna si Tita Arielle papasok.

Sina Abby at Debbie ay sumabay na sa mga pinsan ko.

"Anak, I'mm so proud of you. Mas lalo kang gumanda at tumangkad. No wonder kung saan ka nagmana."

"Nako! Makikipag kopetensya pa itong Mommy mo alam naman nating..."natigil si Dad dahil siniko siya ni Mommy. Bahagya naman kaming natawa.

"Of course! You're the most beautiful woman in my life,Honey!"ani Daddy na ikinapula naman ni Mommy.

Pag ibig nga naman.

Masaya kaming nagtatawanan sa harap ng hapag. Mas lalo akong sumaya sa mga ngiti nila. Ngayon ko lang ulit ito nasilayan. My heart was filled with enough love.

Trapped(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon