#TrappedTanging ingay lang ng orasan ang naririnig ko ngayon. Wala akong ibang kasama maliban sa mga katulong. Umalis silang lahat. Busy sa trabaho ang mga elders. Ang mga pinsan ko busy rin. Sina Shong nag aaral ng mabuti dahil malapit na ang graduation. Matagal na akong hindi nakabalik sa eskwelahan.
I haven't heard anything from him simula noong nangyari. And I guess, its also a good thing na hindi na muna namin nakakasalamuha ang isa't isa. Ayoko na ng ibang gulo. Ayaw kong maghirap pa siya sa kahit anong bagay.
"Ceerine?"tawag ni Nanay Sita sa akin, ang mayorduma ng bahay.
"Nay..."tugon ko.
"Kanina ka pa dyan. Kumain kana. Niluto ko ang paborito mo."ngiti niyang sabi.
Malungkot akong lumapit sa hapag at umupo para makakain na.
"Sabayan niyo napo ako, Nay."pag aya ko.Umiling siya at humagikgik."Ikaw talagang bata ka. Namimiss mo sila, ano?"naging seryuso ang tinig niya.
Tumango ako at yumuko.
Totoo naman. Namimiss ko naman talaga silang lahat. Yung mga panahong sila ang kasama ko sa harap ng hapag.
"O, siya. Hintayin mo ako sandali at papakainin ko muna ang driver."
Tumango ako at ngumiti.
"Manang..."boses ni Mommy na galing sa likuran ni Nanay.
"Nandito ka na pala,V. Tamang tama nakapagluto na ako..."
"Pakihatid nalang sa taas ang pagkain. Doon na ako mananaghalian."si mommy na hindi man lang ako tinapunan ng tingin sabay akyat sa hagdanan.
Hindi ko maiwasang masaktan sa sinabi niya. Aaminin ko. Mas lalo kung namimiss si Mommy kapag ganon siya. Lalo pa't wala ngayon si Daddy. Nasa HongKong siya kasama si Tito Zan.
Mapait na ngumiti si Nanay sa akin at hinaplos ang aking buhok. "Okay lang, anak. Ang mabuti pa ikaw na ang maghatid sa kanya ng pagkain. Doon kana rin kumain, huh?"
Sumilay ang ngiti ko sa sinabi niya. Nabigyan ako ng pag asang makausap si Mommy.
Masigla akong naghain ng pagkain para aming dalawa ni Mommy. Ang paborito ko. Nagtimpla ako ng juice na gusto ni Mommy. I'm sure hindi siya makakatanggi nito.
Kumatok ako sa pintuan ng kwarto niya.
"Come in!"sigaw nito mula sa loob.
Pinihit kona ang seradura at dahan dahang pumasok. I saw her seating on her couch. Nakatanaw sa labas ng veranda. Nilapag ko ang tray sa lamesa.
"Mommy..."pag agaw ko sa atensyun niya.
Pagtataka ang nakita ko sa mukha niya ng lumingon sa gawi ko.
"Diba si Manang ang inutusan ko?"malamig niyang tanong.
Kahit nararamdaman kong may kunting kaba ngumiti parin ako. "Pinakain po kasi ni Nanay ang driver kaya ako na po muna yung naghatid niyan. Tsaka gusto ko po kayong makasabay..."kumakabog ang puso ko sa kaba.
Binalik niya ang tingin sa labas. "Leave my food there. I'll eat later."saad nito na ikinalungkot ko.
"Mommy..."she cut it.
"Tumawag ba ang daddy mo sayo?"
Umiling ako kahit hindi niya naman ito makikita.
"Hindi po. Aalis napo ako."tumakbo na ako palabas ng kwarto at binuhus ang aking mga luha.
BINABASA MO ANG
Trapped(Completed)
Ficção Geral"May mga bagay na pwede at hindi pwede. May mga taong pwede pero hindi dapat." How will you freed yourself from being trapped to your past? Letting go from it will never be easy. Pain won't leave you until it's ready to leave. Now tell me, will you...