Chapter 19

132 2 0
                                    


#Trapped

Naabutan ko ang kotse ni Dondon na nakaparada sa harap ng bahay kaya nagmadali akong bumaba.

Palabas na sila ng pintuan. Agad akong sinalubong nila Thea at Talia ng halik sa pisngi.

"Sure kayo na hindi na kayo magpapahatid sa airport?"ani Talia na nakakapit sa braso ni Akie.

"No need. Magpahinga nalang kayo dito. Mamayang gabi pa ang dating nila Mommy..." Akie.

Nakapaywang si Dondon sa harap namin. Wari'y hindi alam kung ano ang sasabihin. Tumingon siya sa gawi ko kaya tinitigan ko lang siya.

"Okay kalang?"tanong niya.

"Oo. Mag ingat kayo. Send my regards to Dad and Tito's."walang gana kong sinabi.

Tumango naman siya at ngumiti.

Sinulyapan ko sila Akie na nakakunot ang noo. Si Shong seryuso ang tingin sa akin.

"We need to go. Mag iingat kayo dito."ani Akie na isa isang hinalikan ang pisngi naming mga babae. Fistbump naman kina Achou at Shong which they usually do. Ganon narin ang ginawa ni Dondon.

"They will not be a burden to you..."aniya at kumalas sa pagkakahawak ng braso ko.

"Ingat kayo,Kuya!" Pahabol ni Thea.

They started the engine and slowly drove out the gate.

"Lets go..."utos ko sa kanila kaya isa isa na kaming pumanhik papasok.

Tahimik kaming lahat na umupo sa sala. Ano bang nangyayari sa mga to?

"Loose up,guys! Dalawang araw lang silang mawawala!"sabi ni Talia na naka dekwatro sa sofa.

Hindi ko siya pinansin at nanatiling nakatulala. Why am I like this any way? Whats the matter with me?

Siniko ako ni Talia. "What?"tanong ko sa kanya.

"Okay kalang ba? Kanina kapa yata lutang?"curious niyang tanong.

Umiling ako."Wala. Pagod lang siguro ako. Maybe we should take a nap for awhile."nilakasan ko ng bahagya ang boses para marinig nilang apat. Nanguna akong tumayo.

"Aakyat na muna ako..."paalam ko.

Hindi kona hinintay na sumagot sila at umakyat na sa hagdanan. Lutang na lutang ako. I think I am not feeling well. Wala naman akong sakit. Wala naman akong lagnat. Wala naman akong problema. Bakit ba,Ceerine?

Humilata agad ako sa kama at tumitig sa kisame. Why do I feel this weird feeling?

My phone vibrated. Kinuha ko iyon sa sling bag at binuksan.

Until when can I get rid of this fucking number?!

Unknown number:

Are you alright?

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko sa hindi malamang dahilan. Ang kaninang panghihina ko ay lumakas dahil nabunutan ako ng tinik.

Ako:

What do you expect?

Sent!

Tumagilid ako sa pagkakahiga.

Nagvibrate ulit ang cellphone ko. I gulped.

Unknown number:

I like you. Please,believe me.

Nag init ang pisngi ko sa nabasa. Bakit ganito ang epekto niya sakin? Ang bawat tibok ng puso ko ay mabilis na may kasamang kaba.

Nagring ang cellphone ko. Tinitigan ko ito ng ilang segundo bago sumagot.

Trapped(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon