#TrappedTumayo ang guard sa kinauupuan niya noong palapit na ako.
"Kuya, si Ninong nasa loob pa?" Tanong ko.
"Opo, ma'am. Kanina pa nila kayo hinihintay." Sagot niya.
Binuksan na niya ang pintuan at ginaya ako sa pagpasok.
"Ninong..." natigil ako sa gitna pagsasalita ng makita ko kung sino ang lalaking nakaupo sa upuan na kaharap niya. He's wearing a gray v-neck shirt and a khaki short.
"Ceerine, sit with us." Sabi ni Ninong sabay lahad ng isang upuan sa harap ng lamisa.
Maingat akong humakbang papalapit at umupo kaharap siya. I didn't look at him though.
He's just watching me closely like investigating over something from me.Tumikhim si Ninong na nakapukaw sa aming dalawa.
"Its good seeing you here in front of me. Mahalaga itong sasabihin ko." Sambit niya.
Umayos ako ng upo at hinanda ang sarili sa maaaring niyang sabihin. Si Dandrev parang wala lang.
"Ilang taon na ang nakalipas sa pagitan ng inyong mga pamilya. I think its the time to somehow reconcile..."
Kumunot ang noo ko. Reconcile?
"Bakit po ako ang pinatawag niyo? Dapat si Dondon. Siya ang mas may alam nito..." I bursted.
Umiling si Ninong." Hindi ako sang ayon kay Doniel. Alam mo naman ang pinsan mo kusa siyang gumagamit ng dahas na alam nating hindi tama."
Hindi ako makapaniwala! Si Ninong ba talaga ang kausap ko ngayon?
"I'm not against this but we shouldn't force them if they don't want to." Singit ni Dandrev.
Anong hindi? Ang lakas ng loob nito. Sila lang naman ang walang gusto.
"No,Ijo. This is long overdue. Matanda na ako. Hindi magtatagal at mawawala na ako-"
"Oh come on!" Galit kung sinabi.
He chuckled. "Hanggang kailan kayo ganyan? Kapag nasa loob na ako ng kabaong ko?"
I let out a sighed and closed my eyes. Hinilot ko ang sentido. Ayoko talagang mga dramang ganito. Tahimik lang kami ni Dandrev habang nagpapatuloy siya sa pagsasalita.
"Kung hindi kaya ng inyong mga magulang na ituwid ang problemang ito para sa inyo... pwes ako mismo ang gagawa ng paraan at kikilos. All I ask is for you to talk. Malalaki na kayo. Marunong na kayong magdisesyun. You already knew what's wrong and right." I saw a deep pleased in his eyes. "Ang gusto ko kayong dalawa ang mag usap sa mahinahon na paraan." Sabi niya.
Bahagya akong umiling.
"Ninong, I find this so dramatic. Pwede namang mag socialize nalang kami at set aside personal problems. I don't even know what those things are?""It would never be enough to all of you, Ceerine. Hangga't walang isa sa inyo ang natutung magpatawad sa isa't isa. And besides you two alone can surely make a change." Sarkastiko niyang sinabi.
May namoung kaunting galit sa loob ko pero hindi ko kayang ilabas yun lalo na sa harap ni Ninong. Natahimik kami saglit.
I met Dandrev's eyes staring at me coldly. Wala man lang siyang sinabi,huh? Sinamaan ko siya ng tingin.
"Promise me. Sa susunod nating pagkikita ay maayus na kayo. Maayos na lahat sa inyo lalo na ang pamilya ninyo. Mag usap kayong dalawa ng masinsinan." Pinal niyang sabi.
Huminga ako ng malalim. Wala na akong magagawa. Siya na ang nagsabi e. May choice paba ako?
"Okay fine. Mag uusap po kami,Ninong. Magpahinga napo kayo." Tumayo ako't lumapit sa kanya para humalik sa pisngi at yumakap.
Pagkatapos noon nauna na akong lumabas sa kaniya. Aaminin ko, the moment I stepped out of that door mabigat ang loob ko. But I cant blame Ninong, he's just showing concern and love to both of us.
I screamed out my frustrations in front of an old wishing well. I fist and controlled my temper while beads of tears fell from my eyes.
"Ceerine..." natigil ako sa boses niya.
Ito na naman. Nakakainis! Yumuko ako't marahang pumikit bago humarap sa kanya.
"Ano? Kung manghihingi kalang ng sorry at labag dyan sa kalooban mo, wag na. Cause I would rather accept your hatred than hearing your sorry that its not even true." Diretsahan kung sabi sa kaniya. Hindi ko lang napigilan.
Walang kahit anong emosyun na bakas sa mukha niya.
"What happened yesterday, Im sorry." Saad niya.
Kumulo ang dugo ko sa narinig. I laughed. "Talaga? You're saying sorry now? You dont even have the guts to face me right after what happened! Ang kapatid mo pa ang humingi ng pasensya! Look at you, Dandrev nakakawala ka ng gana." Diin ko.
Gulat ang ekspresyun ng mga mata niya. Sinamantala ko ang katahimikan niya at nagpatuloy sa pagsasalita.
"Wag kanang mag sayang ng oras, Dandrev. Alam ko ang dahilan ng lahat ng ito. Isang pagkakamali ang ginawa ng nanay mo sa pamilya namin."
Nalaglag ang panga niya sa narinig. He's eyes were showing his anger. Humakbang siya palapit sakin at hinawakan ang braso ko.
"Walang kahit sino ang may gusto nito, Ceerine! Kahit ako! I dont want this kind of bullshit! Hindi mo alam kung gaano kahirap maging matatag sa problemang ito! Seeing my parents living miserably me and my family!" Tila napigtas ang pasensya niya dahil sa akin.
"Bakit?! Miserable rin ang buhay namin! My mother against your mother! Pinipilit kong intindihin ang lahat ng ito but I just cant! Mas miserable ang buhay ko kaysa sayo! Mas masakit sa parti ko! Seeing my father unloving my own mother makes me feel I'm dying! Alam kung mahal ng Papa ko ang Mama mo, but please. Ayoko ng ganito..." humagolgol ako sa harapan niya. Hindi ko mapigilan ang bigat at sakit na nararamdaman ko.
Kung hindi siya nakahawak sa braso ko kanina pa sana ako nabuwal sa sahig.
My father was having an affair with his mother. Pero pinaglaban ni Mama si Papa para makuha ulit kay Odrina. Even his father fought to get back his mother. Natapos ang uganayan ni Odrina at Papa pero alam ng lahat na mahal parin nila ang isa't isa. My mother is suffering in pain and she's trying to keep it herself. Tanging ang pinanghahawakan niya ay kaming dalawa ni Achou. Nasasaktan si Mama sa tuwing lumalabas ang issue'ng ito. Alam ko at nararamdam ko. But we're trying our best to be whole and perfect as a family. Ewan ko lang sa sitwasyun ng pamilya nila Dandrev ngayon. But I guess pretending is natural when it comes to this.
Tita Rachelle said na hindi kami dapat lumalapit sa mga Maravello. Pero hindi sumang ayon si Tita Arielle sa sinabi ni Tita Chelle. Cause Tita Arielle believed na kahit anong problema ng pamilya nila sa pamilya namin labas ng kaming mga anak don. Noong una,sumang ayon rin si Mama sa pasya ni Tita Chelle para protektahan kami. But then, narealize niyang labas din kami sa issue nila. Papa is not very vocal about this and my two Tito also pero alam kung nag uusap din sila minsan tungkol doon.
I sniffed.
"Walang patutunguhan ang usapang 'to." Tinalikuran ko na siya doon.
Habang papalayo ako isa isa kong pinahid ang mga bakas ng luha sa aking mukha.
BINABASA MO ANG
Trapped(Completed)
General Fiction"May mga bagay na pwede at hindi pwede. May mga taong pwede pero hindi dapat." How will you freed yourself from being trapped to your past? Letting go from it will never be easy. Pain won't leave you until it's ready to leave. Now tell me, will you...