Chapter 32

112 2 0
                                    


#Trapped

Nakahiga na ako sa kama habang may inaasikasong files sa laptop ko.

Nag vibrate ang cellphone ko. Kinuha ko iyon at pinindot ang answer button kahit hindi tinignan kung sino ang tumatawag.

[Ceerine!]

Tili ng kaibigan kong bakla sa kabilang linya.

"Debbie! I miss you na..."itinigil ko ang pagtitipa sa laptop.

[You're freaking secret admirer is on the moves again! Sold out nationwide girl! Tanginang admirer 'yan pakasalan mo na kung sino man siya!] Sabay tili niya sa kabilang linya.

Natutup ko ang bibig dahil hindi ako makapaniwala. Its impossible! Bago palang yon ah?!

[Ano? Nandyan ka pa ba? Bakit natahimik ka yata? Putang inang pag ibig 'yan. Ceerine!]

Tumikhim ako at sinagot siya.
"Thank you so much,Deb. I'm very happy. Thank you."pinilit kong sumaya ang boses ko kahit hindi naman. There's something weird that's happening for sure.

[Naku! Love na love kita alam mo yan. Tsaka uy! Infairness. Naniniwala na talaga ako sa admirer mong yan! Naku...] nang gigil niyang sabi sa kabilang linya.

"Deb,yung nag sold out ba ngayon kapareho ng nag sold out dati?"

[Anonymous until now. Iwan ko ba riyan. Malakas siguro ang tama niyan sayo. Hello! He can just show up himself and marry you!] kung makikita ko lang siya ngayon malaming nakailang irap na to.

Eversince my career had started, may isang tao na palaging nag sosold out ng mga libro ko. He's a mysterious guy. An anonymous one. At hanggang ngayon, ito na naman.

"Sige. Thank you Debbie. Love you."

Pinatay kona ang tawag. It's really weird. I mean, alam ko na naman dati pa pero ngayon lang ako ginapangan ng kuryusidad kung sino ba talaga ang taong iyon na palaging sino sold out ang mga libro ko.

Masyado ng malalim ang gabi kaya napag pasyahan kong matulog kaysa naman isa isip pa ang tungkol doon.

"The new book of the famous and well known author,Ms.C, had been sold out nationwide! At mas lalong dumami ang demand nito ng may nakapagsabing walang kupas ang ganda ng kanyang isturya at namamayagpag! Well, what do we expect? At ito pa, nasa Pilipinas na siya ngayon mga kapamilya! " yan ang laman ng news sa tv ngayong umaga.

Hindi parin ako makapaniwalang sold out nationwide ang bagong libro ko.

"What do we expect?"sabi ni Tita Chelle na nakaharap sa tv.

Nasa sala kaming lahat ngayon. Noong isang gabi pa ang uwi nila Daddy.

Ngumiti lang ako sa kanila na nakatuon ang mga mata sa amin.

"Grabe 'no? Mukhang gustong gusto ka talaga ng nagpa sold out. Nationwide pa!" Tita Arielle.

"Naku, tita. Hindi nga namin alam kung sino yang taong yan. Every published books ko nag sosold out."

"Wow!" Thea sarcasticly said.

"Really,huh? Ganon siya ka yaman?"namanghang tanong ni Mommy.

"Why dont we have a victory party,Ceerine?."ani Dad na nasa tabi ni Mommy.

"Wag na, Dad. No need to party. Tayo nalang..."

"Sige na,Ate Cee. Minsan lang tayo nagkaka party."pakiusap ni Thea.

Trapped(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon