Chapter 21

130 2 0
                                    


#Trapped

Gaya ng na pag usapan namin magsisimba kami sa araw na ito.

"Umuwi kayo kaagad. Huwag kayong magtatagal."paalala ni Tita Chelle sa amin.

"Mommy, magsisimba lang kami and then were gonna watch movie."sagot niya Talia.

"Let's go."ani Shong.

Nagpaalam na kami sa kanila at isa isang sumakay sa kotse.

After the mass,kumain na muna kami sa isang fast food chain bago nanood ng sine.

Two weeks after when we ready ourselves for the school trip. Kahit two days lang naman 'yon ay sobrang paghahanda ang ginawa ng mga pinsan ko.

"Aalis na kami, Ma. Bye po!"hinalikan ko siya sa pisngi at yinakap.

"Huwag kayong mag aaway doon Achou at Talia. Lalo na ikaw, Chou."tinuro ni Mommy si Achou.

"Tumawag lang kayo, 'nak kung may kailangan."ani Tita Arielle na inaayus ang kulot na buhok ni Thea.

"Okay na kami doon, Mommy. Two days lang naman."malaming niyang tugon.

"Sige na. Baka mahuli pa kayo." Tita Chelle. "Shong, itong kapatid mo, huh. Don't be so careless,Tals."

Ngumiwi si Talia sa sinabi ni Tita.

"Bye po!"kumaway kaming lahat kina mommy na nasa bukana ng front door.

Ito na ang araw ng fieldtrip. Pupuntahan namin ang museum nila Luise. 

"Shong, sa school bus na kayo sumakay. Sa faculty nalang ako sasakay. Iwan na natin ang kotse dito para makasabay tayo sa kanila."sabi ko kay Shong.

"Sige..."pinarada na niya ang kotse sa loob ng parking area.

Nagsilabasan na kaming lahat. Nakahanda na ang school bus. May mga senior students narin ang nasa loob.

"Shoniel, sumakay na kayo dito..."sambit ng SSG President na lumapit sa amin.

"Sumakay na kayo. Magkita nalang tayo doon. Go."utos ko sa kanila na agad namang sumunod.

"Ikaw, Miss?"tanong niya sa akin.

"Sasabay ako kina Mrs.Tamayo. Nandito naba sila?"

"Nandon na po sa kabilang schoolbus. Hatid kona po kayo."pagpresenta niya sa akin.

Tumango naman ako't sumunod sa paglalakad. Namataan namin ni Mrs.Tamayo na pasakay pa sa bus.

"Mrs.Tamayo! Sasabay si Miss Ceerine sa inyo."aniya at bahagyang akong  sinulyapan.

Nilingun niya kami at ngumiwi. "Nako,Iha. Bakit ngayon ka pa nagsabi. Puno na ito..."dismayado niyang wika."Ang mga pinsan mo nasa kabilang bus na?"

"Opo. Susunod nalang siguro ako,Mrs."sabi ko.

"Sa kotse ko nalang po Ms. Ceerine--"naputol ang sinabi niya ng may nagsalita sa likuran ko.

"Sa akin na siya sasabay..."he coldly said.

Natulala ako saglit sa sinabi niya.
"Mabuti pa nga. Sasama rin naman iyang si Dandrev,Iha."ani Mrs.Tamayo.

"Sige Ms. Babalik na muna ako doon."paalam ng SSG President.

Tumango lang ako't hilaw na ngumiti.

"Dandrev, ikaw ng bahala rito kay Ceerine. Sasakay na ako."sabat ni Mrs Tamayo na agad namang sumakay.

Huminga muna ako ng malalim bago siya hinarap. He was looking at me in the eyes. He's wearing khaki shorts na pinarisan niya ng gray longsleeves at natupi hanggang siko. Ngayon ko lang napansin na ganito pala siya kagwapo.

Trapped(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon