#TrappedMalaya akong nakatakas sa bahay namin ng gabi. Dala ang cellphone at wallet. Yun lang naman ang kailangan. I ask Shong to give Zaine's number for an information at ibinigay niya naman.
[When you got there, sumakay ka ng taxi papuntang Lacion,Right wing...block 3,plot 7. May malaking kulay green na gate doon,dumiretso kalang.]
"Thank you so much,Zaine..."
Binaba ko na ang cellphone.
Nag hihintay nalang ako sa paglipad ng eroplano. Mabuti nalang at pinahintulutan akong tumawag saglit. Hindi pa siguro nila ako hinahanap sa bahay dahil wala pa namang messages kahit kanino.I hated myself from doing this kind of thing but I badly wanted to see him. Hindi ako papayag na hanggang doon nalang iyon. Hindi ko kayang makita siyang nahihirapan. I just cant. It will be unfair.
Mabilis akong nakarating sa Davao. Isang oras lang naman ang byahe lalo na't wala akong bagahing dala. Less hassle. Mabilis akong naglakad palabas ng arrival area at naghanap ng taxi sa labas. Hiningal ako ng kunti dahil sa pagtakbo.
May humintong taxi sa harap ko kaya agad akong pumasok.
"Saan po kayo,Ma'am?"ani Driver na may katandaan na.
"Sa Lacion po,Kuya..."sabi ko at umayos ng upo.
"Right wing po o sa left wing?"
Bahagya akong napangiti sa tanong niya. Hindi naman pala mahirap dito.
"Right wing po..."
Hindi na siya nagsalita at naramdaman kong umandar na ang taxi niya.
Humilig ako sa upuan at tinanaw ang labas. The street light were screaming for happiness and loudness. Sana kagaya ito ng buhay.
Sinilip ko ang tumatawag sa cellphone ko. Si Mommy. Binaon ko iyon sa palad at hindi sinagot. I dont need them right now.
Sa sobrang dami ng iniisip ko hindi ko namalayang nasa tapat na kami ng malaking kulay green na gate.
"Nandito na po tayo, Ma'am."
Kumuha ako sa pero sa wallet at iniabot sa kanya. Hindi na ako naghintay ng sukli. Gusto kona siyang makita.
Humugot ako ng malalim na hininga. I slowly opened the green gate and the whole placed showed me. Siya lang mag isa. Itinulak ko pa ang gate at dahan dahang pumasok. Napaawang labi ko sa nakita. Is this a mansion or a fairyworld? May malaking arko sa ibabaw ko na tila sumisigaw sa apilyido nila. May mga bulaklak na nakahilera papasok. Namumukadkad at mabango ang amoy. I wanted to live in here.
Dumiretso na ako papasok.
I stepped at a long staircase pataas. Nag angat ako ng tingin. I saw man's chiseled back. White sando and khaki shorts ang suot niya at nakatalikod sa banda ko. Nakatuko ang magkabilang palad sa haligi ng balkonahe. Literal na umantig ang aking puso sa tuwa. I know him just by how my body reacts."Dandrev..."mahina kong bulong.
May tumakas na luha sa aking mata paglingun niya.
Hindi na ako naghintay sa sasabihin niya at agad ko sumiyang nilapitan upang yakapin. Mabilis siyang tumugon sa yakap ko ng mahigpit. I miss this.
"What are you doing here?"may gulat sa boses niya.
"I can't let you stay away from me."sabay hikbi.
Nilayo niya ako ng kunti at tinignan ako sa mata.
"What are you doing?"pagpipigil niya sa frustration.
BINABASA MO ANG
Trapped(Completed)
Ficción General"May mga bagay na pwede at hindi pwede. May mga taong pwede pero hindi dapat." How will you freed yourself from being trapped to your past? Letting go from it will never be easy. Pain won't leave you until it's ready to leave. Now tell me, will you...