#TrappedTita Arielle called and told me to visit the coffee shop and the resto and also the bookstore. Wala rin namang pasok kaya pumayag na ako. Ayaw kona rin guluhin pa ang laro nila Dondon kaya hindi ko na sinabi sa kanila.
Naglalagay ako ng light make up sa mukha.
"Baka gusto mong sumama sakin,Talia. You can come with me."sabi ko sa kanya habang nagli lipgloss ako. Nasa kwarto ko kami ngayon.
"Hindi na. Magpapahinga nalang ako."sinabi niya na parang bigo.
Nilingon ko siya at tinitigan ng maayos. She's seating on the bed habang nagbabasa ng libro. Ano bang problema nito?
"You sound so disappointed? Yun ba ang lakad mo sana?"
She looked at me and shook her head na agad namang inalis ang titig.
Denidma kona siya at pinagpatuloy ang pag aayos sa sarili. I am wearing a dark pants and a white turtle neck longsleeves that fits my upper body. Ngumiti ako sa salamin.
"I have to go,Tals."isinukbit kona ang sling bag at hinalikan siya sa pisngi.
"Okay,ingat ka."tipid niyang sagot.
Its going to be long day for me.
Kinuha ko ang susi ng vios para makaalis na.
Pinagbuksan ako ng guard sa glass door ng coffee shop. Inuna ko iyon kaya isusunod kona ang Resto at panghuli ang bookstore.
"Good morning,Ma'am."bati ng guard.
"Good morning po!"ngumiti ako.
Tumuloy na ako sa counter area.
"Good morning,Mae!" Masigla kung bati sa kanya.
"Wow! Ikaw naba yan Miss?! Mas lalo ka pong gumanda!"
"Nako! Ikaw talaga. I'll just stay for hours at aalis rin ako agad."
Tumango naman siya sa sinabi ko. "Okay lang po,Miss. Enjoy your stay po."
"Thank you..."saad ko at pumanhik na papuntang office ni Tita Chelle.
Pagpasok ko doon ay sinalubong ako ng mabangong amoy. A strawberry air freshener. Iginala ko ang panangin. Luxurios walls that is painted with green. May ilang paintings at ang malaking frame ng family picture nila. Tita has a great taste in designing.
Umupo ako sa sofa at sumandal sa backrest. Wala naman akong gagawin dahil bibisitahin ko lang naman 'to.
Dinalhan ako ni Mae ng frappe at cupcakes.
"Thanks,Mae."pasalamat ko sa kanya.
"Bilin po ito ni Ma'am Raychelle. Akala ko nga po isasama niyo ang boung angkan."natawa siya. She's referring my cousins na boung angkan.
Nakitawa narin ako."Busy sila Dondon ngayon. Tsaka magpapahinga rin sila."
Tumango." Tawagin niyo lang po ako,Miss."
"Thank you ulit."sabay kuha sa cupcake at kinagat ang parting ibabaw. My icing kasi. Tita is really amazing when it comes to pastries. Mistulang masterpiece niya iyon.
Nagring ang cellphone ko kaya kinuha ko iyon sa loob ng sling bag.
Unknown number calling...
Nahinto ako sa pag nguya ng makita ang unknown number. Dont blame me kung bakit hanggang ngayon stranger parin ang number niya.Bakit naman siya tatawag? Dahil inutusan siya ni Mrs.Tamayo? Dahil may meeting? O dahil may kailangan siya? Dapat ko pa ba siyang sagutin o kausapin man lang? Just be civil, Ceerine.
BINABASA MO ANG
Trapped(Completed)
Ficción General"May mga bagay na pwede at hindi pwede. May mga taong pwede pero hindi dapat." How will you freed yourself from being trapped to your past? Letting go from it will never be easy. Pain won't leave you until it's ready to leave. Now tell me, will you...