Chapter 27

126 1 0
                                        


#Trapped

Sa mga oras na kasama ko siya at hindi magulo ang sitwasyon namin ay ramdam ko ang kapayapaan at kakaibang pagmamahal. Ito ang mga araw na masaya ako sa boung buhay ko. Na walang inaalalang problema at lungkot dahil kahut kami lang masaya at mahal namin ang isa't isa.

Hila hila niya ako palapit sa dalampasigan. I asked him for the nth time what's going on but he's answers are just the same.

"Saan mo ba ako dadalhin?"nagpatinanod ako sa paghila niya.

"Just wait, okay? I know you'll like it not just like but you'll love it there."sabi niya.

Umiling nalang ako at bumugtong hininga.

Kunting lakad at paghila pa ang ginawa niya sa akin bago kami nakarating sa patutunguhan.

Nahinto ako at namilog ang mata sa nakikita. Really?! Ito ba yon?!

"What the hell is this!?"

"You like it?"nakangisi niyang tanong.

Tumalon at ako at yumakap sa kanya ng mahigpit.

Sinuklian niya ang yakap ko ng mahigpit. "I love you so much, Ceerine."he said.

Tears fell in my eyes.

"I love you too. So much, love." I replied.

Ilang minuto pa kaming nakatayo doon at mahigpit na nagyayakapan.

Who wouldn't be happy? The man of your life give you the most priceless surprise.

Nagbabadya ang mga luha ko sa saya. This is so amazing!

The red carpet spread widely at the sand. Nasa pinakadulo ang table for two na kahit malayo ay nakikita ko ang red candles na nakasindi na. Nauna pa siyang lumapit sa lamesa at hinintay akong matapos maglakad sa red carpet bago inabot ang kamay ko. I laughed at his cheesiness. I considered it as our first official date. It'll be part of our moments together too.

Hinawakan niya ang kamay ko. We just had our dessert earlier and we're on our wine now. He kissed me hand without breaking his eye contact with me.  

"I love you so much Ceerine Monica Sveriano. I promise to make you happy. I will never make you cry. If that happens those tears will be worth it because it's tears of joy. I may not be the best partner but I will love you beyond everything." I see his eyes became red and tears.

Ngumiti ako sa kanya habang magkaharap kami. Sobrang lakas ng tibok ng aking puso.

"Thank you for everything. For loving me even just a short period of your time. I promise to love you no matter what. My love for you will never fade on this day forward. You are everything to me. All I need is you, Dandrev. I love you so much."sabi ko at humikbi sa saya.

Hinaplos niya ang mukha ko.
"I love you no matter what happened. You will always be inside here."tinuro niya ang kanyang puso.

Binitawan niya ang kamay ko at may dinukot saglit sa kanyang bulsa. And when the silver stunning ring shined out, I immediately covered my mouth because of shocked.

He smiled at me and took my hand again to slip the cold ring on my ring finger. I was speechless for a moment while trying to internalize what his doing. Isang halik ang ginawad niya roon bago binitawan ang kamay ko. Bumuhos ang luha ko at lumabas ang hikbi sa hindi malaman na dahilan.

Natawa lang siya. Tumayo siya at sinikop ako sa kinauupuan para maiangat at mayakap ng mahigpit. I only cupped his face and kissed him with so much love and adoration but I bet I just  cried the whole time while his trying to calm me down.

Kinapa ko ang tao sa aking tabi ngunit wala akong nahawakan. Dinilat ko ang mga mata. I looked at his place in the bed pero wala siya.Tumayo ako't dumungaw sa bintana at nakitang umuulan. Kaya pala malamig ang hangin.

Sinarado iyon. Madilim pa. Sinulyapan ko ang orasan sa harap. Alas dos y medya ng madaling araw.

Inayos ko ang sout na t shirt niya at lumabas ng kwarto. Bago pa ako makahakbang pababa narinig ko na ang boses niya.

"She's fine here,Dad. We're fine here. Wag na kayong mag alala."antok niyang sambit

Sinilip ko siya at nakitang may katawag sa cellphone.

"Yes. Okay, okay. Ibabalik ko siya. As soon as possible. Salamat Dad."binaba na niya ang cellphone.

Sumikip ang dibdib ko sa narinig. Ibabalik niya ako? Ako lang? Hindi siya sasama? Bakit? Nagsimula ng magtanong ng marami ang utak ko.

Hindi ako kumibo at pinagmasdan lang siya. Umupo siya sa sofa at hinilot ang sintido. Nagulat ako sa paghampas niya ng kaniyang cellphone na nagpipigil sa galit. I even heard him cursed.

Alam ko. Alam kung ayaw niya akong ibalik at ayaw ko rin namang bumalik. Pero bakit? Bakit kailangan niya akong ibalik?

Fuck! Akala ko ba ito na ang simula ng lahat? Bakit hindi parin?

Bumalik ako sa kwarto at pabulong na humikbi hanggang sa makatulog.

That morning I woke up with a heavy feeling. I'm happy but Im also sad sa maaring mangyari ngayon, bukas o hindi ko alam...

I looked at my face in the mirror. Namumugto ang mga mata ko. Halatang umiiyak. Hindi ko kayang harapin siya ng ganito. Hindi ko kaya. Baka malaman niyang umiyak ako kagabi.

Naghilamos ako at pinilit na buhayin ang isip at loob.

Bumaba ako sa hagdan at agad siyang nakita. He's standing at the balcony and a cup of tea in his hand. May sumilay na ngiti sa aking labi ng makita ang isang pang cup ng kape. Tahimik akong lumapit sa kanya at niyakap siya ng mahigpit.

Natawa ako sa pagpitlag niya. "Good morning, baby..."inikot niya ang braso para mayakap ako.

Siniksik ko naman ang sarili sa kanya at inamoy siya. I really love his scent. Hinding hindi ako magsasawa.

"Good morning. Bakit ba palagi kang wala sa tabi ko pagkagising ko?" I pouted.

Hinalikan niya ang noo ko. "Im afraid you might walk away..."natigilan ako sa sinabi niya.

Ito na nga ba ang ayaw kong isipin.

"Hindi naman ako mawawala. Kahit malayo tayo sa isa't isa hinding hindi mawawala ang pagmamahal ko."nag angat ako ng tingin.

He creased his brows that makes me wonder. May nasabi ba akong hindi maganda? May nagawa ba akong mali?

"What happened to your eyes?"nilapag niya ang kape at hinawakan ang mukha ko.

Umilag naman ako sa paghawak niya. I bite my lower lip ang glared at him. This is bad.

"Did you cry last night?"

"Ako? Umiiyak? Hindi."sabay iling ang ngiti.

Nakatitig parin siya sa akin. Unti unting napawi ang ngiti ko at nag iwas ng tingin. I'm sure he can read whats on my mind.

"What are your plans for today?"pag iba ko ng usapan.

Hindi siya sumagot agad. Mas hinigpitan pa niya ang pagyakap. May problema ba siya?

"Dandrev..."banggit ko.

"Kung gusto mong lumabas pwede."

Yung tono niya na parang mabigat ang loob.

I looked at him.

"Is there something that bothers you?"I looked at his dark eyes.

Alam kong meron. Ayaw mo lang sabihin.

Hindi siya sumagot.

"Lets eat our breakfast..."pag iiba niya ng usapan.

Tumango nalang ako at naglakad sunod sa kanya patungong dining.

May nararamdaman akong kakaiba sa kanya ngayon. Kahapon ang saya namin pero ngayon parang hindi ko maintindihan.
























------
Aww. End na ba?

What do think will happen next?

Ixoraweb.

Trapped(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon