#TrappedNasa loob ako ngayon ng bookstore. Ako lang isinama niya dahil may review ang tatlo para sa exams at finals nila. Two more months at magtatapos na si Shoniel ng Business Ad. Si Achou ay mag fo-fourth year college palang.
Naghanap ako ng libro na pinabili ni Shoniel para reviewer niya. Nag iisa nalang yun sa bookshelf kaya kinuha ko na. May nakasabay ako sa paghawak nito kaya bahagya akong natigil.
"Zaine..."sambit ko sa pangalan niya at bumitaw sa libro.
Pareho sila ni Shong na business ad ang kinuha.
Nag iwas siya ng tingin at binalik ang libro. "Kunin mo na. Hindi naman ako ang gagamit niyan si Shoniel."
Nagpupugay ang kanyang mga mata pagkarinig sa pangalan ng pinsan ko.
"How are you?"hindi ko maiwasang magtanong.
"I'm fine..."nahihiya niyang sagot.
Ngumiti ako at hinawakan ang braso niya. "Nag usap naba kayong dalawa?"
Umiling siya. "As much as I wanted to talk to him hindi naman pwede. Binabantayan nila ako ngayon. Sa katunayan, I am with Kuya Fille. Mabuti nalang wala si Kuya Ivo."diretso niyang paliwanag. "Kamusta na siya?"may bahid na lungkot sa boses niya.
"He's fine. Ikaw ang inspirasyun niya ngayon sa lahat ng ginagawa niya. Im sorry."sambit ko.
Kumonot ang noo niya.
"Zaine,you try to talk to him. He needs you right now. Alam kong mahirap ang sitwasyun ninyong dalawa pero...I want the both of you to fight for each other..."
"Malabo. Ako lang ang lumalaban sa aming dalawa. Pinilit ko siya pero hindi niya kayang gawin. I love him so much...na kaya kong talikuran at suwayin ang angkan namin. Siya lang ang kailangan ko. Siya lang."naluluha niyang sambit.
Nanliit ako sa sarili ko. Zaine is willing to have him while us,patago. Hindi ko alam anong gagawin kung sakaling malaman 'to nila Mommy.
"He feels the same way too. He wants what you wanted too. Pero hindi ko alam kung ano ang pumipigil sa kanya. But trust him. He loves you, Zaine."puna ko.
Tumango naman siya at pinahid ang luha. God, I made her cry.
"Dont worry. Ill talk to him. Sasabihin kong mag uusap kayo. Dont worry magiging maayos kayong dalawa."wika ko.
Seryuso niya akong tinignan. "Alam kung nag uusap kayo ni Kuya Dandrev..."nabuhay ako sa sinabi niya.
Huminga ako ng malalim na nakaawang ang labi.
"Maybe your wondering why he's not showing himself to you sa eskwelahan dahil..."yumuko siya."...your mother ended his job in your school to stay away from you."mapait siyang ngumiti sa akin.
Nanuyo ang lalamunan ko.
"Hindi niya sinabi sayo dahil alam niyang masasaktan ka. He even had a fight with your two cousins. Akiejiro and Doniel. Alam kung nandon si Shong pero wala siyang ginawa kay Kuya. I am really glad but I'm sorry, Ceerine. Naaawa lang ako kay Kuya."dugtong niya.
Sa sobrang haba ng kanyang sinabi ay hindi ko alam kong ano ang isasagot. Hindi magawang magproseso ng utak ko.
"Wala rin siya ngayon dahil pinaalis siya nila Tita Odrina papuntang Davao. He's staying right now in our ancestral house..."
Alam ni mommy!
"I have to go. Kuya is looking for me."paalam niya at umalis na sa harap ko.
Kumapit ako sa bookshelf dahil sa panginginig ng aking tuhod. I cant believe it! My mother fired him! My cousins had a fight with him! Ngayon naman pina alis siya papuntang Davao. Piniga ang puso ko sa nangyayari sa kanya ngayon. I missed him. I wanted to be with him. So much.
![](https://img.wattpad.com/cover/111055870-288-k43129.jpg)
BINABASA MO ANG
Trapped(Completed)
General Fiction"May mga bagay na pwede at hindi pwede. May mga taong pwede pero hindi dapat." How will you freed yourself from being trapped to your past? Letting go from it will never be easy. Pain won't leave you until it's ready to leave. Now tell me, will you...