Chapter 33

113 3 0
                                    


#Trapped

Hindi ako ng nakatulog nong gabing 'yon sa kakaisip. Everytime I close my eyes his cold face appeard. Hindi ko nga alam kung minumulto niya ba ako o ano?

"Hindi mo man lang sinabi sa akin babalik kana pala dyan..."ani Kiel na nasa harap ng screen.

After how many days na hindi siya nagpakita ay ngayon lang ako kinausap sa video call.

"Hmp! Paano ko sasabihin, e ilang araw kang hindi sumulpot nong nandyan pa ako sa HongKong."sabi ko habang nag mamascara.

"Gusto na kitang makita. Miss na kita."aniya at huminga ng malalim.

Ngumiwi naman ako. Ganyan siya ka sirang ulo minsan. "Tumahimik ka nga  Kiel. Ang dami mong pera kaya pumunta ka dito at ng makita ako!"sabi ko.

"Hinahamon mo ako, Ceerine Monica?"natawa pa siya.

"Talaga!"sunod akong naglagay ng blush on.

"I'm sure you also miss me."sabay halakhak.

Umiling ako at nilakihan siya sa mata. "Kapal mo! Sana makaabut ka sa victory party ko."binaba ko ang blush on at tinuon ang pansin sa kanya.

"Yeah, yeah. Gagawan ko ng paraan para makaabot. For now, I have to go. May meeting pa ako."sabi nito at sinipat ang relo niya.

"See? Napakaworkaholic! Anyways, bye Kiel! Ingat ka dyan!"tiniklop ko na ang laptop.

Agad na akong tumayo at nagbihis. Mamamasyal kami ngayon nila Thea at Talia. Supposedly, sasama sana sila Mommy kaso nag karoon ng kunting emergency kaya kami nalang muna.

Nagsout ako ng isang floral dress at pinarisan ng flat shoes. Sa mall lang naman kami gagala at manonoud kami ng sine. Kung may oras pa kami mamaya ay pupunta kami sa coffee shop.

"Ang tagal mo naman yata!"pagmamaktul ni Talia na naka abang sa paanan ng hagdan.

Nakasimpleng sando dress lang. Si Thea naman ay naka pencil skirt na pinarisan niya ng croptop.

"Lets go."ngiti ko at inakbayan siya. Agad namang sumunod si Thea.

Dumeritso kami sa mall at nag shopping. Well, ganito naman talaga kaming mga babae tanging shopping ang pinagkaka abalahan. Namili narin kami ng mga regalo para sa darating pasko. Nakakita ako ng couple tshirts na bagay kay Mommy at Daddy. Cute silang tignan kapag sinuot nila ito. Pagkatapos no'n kumain na muna kami dahil gutom na daw si Talia.

"Ang sabi ni Sharina sa akin dadalo daw sila sa auction."nagsalita si Thea.

"As expected..."wika ni Talia.

"Magkaibigan na pala kayo?"tanong ko at nagpunas ng bibig.

"Oo."tipid na sagot ni Thea.

Mukhang okay na yata sila. Sa bagay, sa tinagal ba naman ng panahon. Nagkaroon na rin pala sila ng closure at friendship.

Nagpatuloy na kami sa pagkain. Si Talia talak ng talak dahil masarap daw ang pagkain. Sinita ko pa nga siya dahil wala ng sasarap pa sa luto ni Tita Arielle.

"Bumalik na nga pala si Dandrev..."hindi siya natapos ng sasabihin dahil naibuga ko tubig na nasa bibig.

Dinaluhan nila akong dalawa habang ako'y nakatakip sa aking bibig dahil basa ito.

"Ate, ayos kalang?"pinunasan ni Thea ang damit ko dahil nabasa din ito.

I cleard my throat and stand up.

"Shit..."mahina kung mura.

"Akala ko naman ano ng nangyari sayo!"pinakalma ni Talia ang sarili.

Trapped(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon