#TrappedNahuli akong bumaba sa kotse na pinarada ni Dondon sa garahe. Nag angat ako ng tingin sa kanilang lahat na parang hinahanda ang sarili. Bahagya akong natawa.
"Its okay, guys. One for all, all for one."sabi ko't ngumiti.
"Si Shong pinagpapawisan..."ani Thea na takot.
I shook my head and walk together with them.
Tahimik kaming lahat na pumanhik sa sala. And there, we saw Tito Dan and Tito Zan together with their wives. I wonder where's Mom and Dad. Walang palatandaang galit sa mga mukha nila. Isa isa kaming humalik sa kanilang mga pisngi.
"How was you trip, kids?" Tita Chelle asked.
"Its very relaxing,Tita!" Masayang sinabi ni Thea na nakakapit sa mama niya.
"I've prepared some meryenda for you, guys. Come on! Let's go to the dining." Sabi ni Tita Chelle.
"Yes! The best ka talaga, Ma!" Ani Akie Sabay kapit kay Tita at sumunod naman agad si Talia.
Sumunod na sila Thea,Shong and Dondon kay Tita. Habang kami ni Achou nanatili pa doon.
"Arielle,kayo na muna ang bahala sa mga bata. Pupuntahan lang namin ang meeting ni Van." Sabi ni Tito Zan sa asawa. Tumango naman si Tita sa kanya.
Napalingun ako kay Tito Dan na humawak sa balikat ko. "Talk to your,Mom." At umalis na.
Napa awang labi ko. What? Anong nangyari? Bumaling ako kay Achou at Tita.
"May problema po ba? Si Mommy?" Tanong ko kay Tita Arielle.
"She's in her room,Ija. You go upstairs and talk to her." Sabi ni Tita.
Nagmadali akong naglakad paakyat ng hagdanan. "Ate..." I heard Achou and faced him.
"Ako na, Chou. Kaya kona 'to." At umakyat na sa ikalawang palapag.
Kumatok ako ng tatlong beses sa pintuan. Walang sumagot. Baka tulog siya kaya kusa ko itong binuksan. Sinilip ko muna bago ako dahan dahan pumasok sa loob.
Nakita ko si Mommy na nakasandal sa couch malapit sa pintuan ng veranda. Nakapatong ang paa sa maliit na upuan. Hawak niya ang pamilyar na picture frame.
"Ma..."tawag ko na agad niya namang napansin.
She smiled at me just like nothing happened. "Kumusta ang pasyal niyo?" Tanong niya.
I looked at her eyes. Nanlulumo ang mga mata niya. May bahid ng mga luha.Wala siyang make up sa mukha. Naawa ako sa kanya. Bago paman tumulo ang mga luha ko binigyan ko na siya ng matamis na ngiti.
"Its relaxing! Nag enjoy talaga kami nila Achou. Sana nga maulit pa yon e. Sana rin next time kasama na namin kayo. You know, the best one is unplan one." I chuckled slightly. "...nakita ko nga si Ninong-" napako ang tingin ko sa kanya.
Her eyes begin to water,again.
"Okay kalang,Ma?" Lumapit ako sa kanya upang aluin siya. I held her shoulder.Pinahid niya ang luha sa kanyang pisngi. "Im fine,anak. Masaya lang akong nakikita kayong masaya ng kapatid mo. Sana hindi yon magbago."sabi niya sakin. Nagsimula na namang namuo ang luha sa gilid ng mga mata niya.
I felt guilty. Nagsasaya kami habang sila nagkakasakitan. My mother is suffering again. Why did this happened?
Humagolgul si Mommy sa harap ko. Tinititigan niya ang family picture namin. Ibang iba siya ngayon. Ibang Veronica ang nakikita ko ngayon. Kung dati, ang strikta at sopistikadang Veronica ang masisilayan mo ngayon hindi na. She's broken and in pain. Nakakaawa tignan ang itsura. She's weak. Wasak na wasak.

BINABASA MO ANG
Trapped(Completed)
General Fiction"May mga bagay na pwede at hindi pwede. May mga taong pwede pero hindi dapat." How will you freed yourself from being trapped to your past? Letting go from it will never be easy. Pain won't leave you until it's ready to leave. Now tell me, will you...