Chapter 16

112 3 0
                                    


#Trapped

Tinawagan ako ni Mommy kagabi pagkatapos naming mag usap ni Dandrev. Kararating lang daw nila sa Batangas at nagpapahinga pa si Dad kaya siya na muna ang tumawag. May dadaluhan daw silang conference sa bagong firm na papasukin ni Dad and of course with my Tito's. Next week pa daw ang uwi nila so ngayon, si Dondon at Akie ang kasama namin. Pero since medyo hindi sila nakakauwi ng madalas sa bahay ako ang mistulang ama't ina ng mga pinsan ko.

Papasok na ako ng opisina kinabukasan ng maalala ang nangyari kagabi.

Binuksan ko ang pintuan at taas noong naglakad patungo sa desk ko.

"Shit!" I hissed when I saw him came out from the bathroom and topless!

Agad akong nagtakip sa mukha gamit ang bag ko. "My God! Ano bang ginagawa mo dyan?!" Galit kung sigaw sa kanya.

"Sorry..."yun lang ang sagot niya.

Sumarado ang pintuan kaya dahan dahan kung binaba ang bag. Thanks God! Wala na siya doon sa harap ko habang nakabalandira ang hubad niyang katawan.

Padabug kong binaba ang bag at umupo. Ang aga aga sinisira niya ang mood ko.

Bumukas ulit ang pintuan ng bathroom. Sinamaan ko siya ng tingin.

Binuhay ko ang computer.

Bigla siyang lumapit sa akin. Ang kaliwang kamay niya ay nakahawak sa likod ng upuan ko. Yung isa naman nasa ibabaw ng lamesa.

I gulped. Umatras ang mukha ko dahil sa ginawa niyang paglapit.

Bago pa ako makapag salita siniil na niya ako ng halik. Malalim at mainit na halik. Hindi ko pa  magawang magprotesta dahil sa pagkabigla. Hindi nag sink in sa utak ko ang nangyari at kailangan ko siyang itulak pero nanghihina ako sa init ng halik niya.

"Dandrev...hmm." I didnt recognize my voice anymore because of my slight moaned. Mas lalo pa niyang diniin ang labi niya sa labi ko dahilan upang umawang ang bibig ko. He took the advantage and slip his tongue inside me.

Nangangatug ang tuhod ko sa sensayung nararamdaman.
Bumitaw siya sa labi ko habang nakaawang parin ang labi niya. We both stared one another while panting heavily. Palipat lipat ang tingin niya sa mata ko at sa labi ko.

He kissed so bad! Hindi ko maproseso ang lahat pero gago gustong gusto ko!

Napatalon ako sa kinauupuan nang biglang mag ring ang landline. Lumayo naman siya ng bahagya but not far enough.

"Hello?" Nauutal ako.

[Ceerine, si Dean ito. Dandrev is there? Pakisabing hinahanap siya ni Natalie.]

Naikoyum ko ang isang kamay na nakahawak sa hita ko. Wala na talagang mas ikakapal ng mukha ang babaeng 'yon.

"Yes,Dean. He's here. Ill send him there." Binaba kona ang telepono.

Lumingon ako sa kanya at napakunot naman siya sa noo.

"Natalie is looking for you."

"Oh! Someone's jealous?" Aba't sumusobra natong lalaking to ah!

"Im not!" Natatawa kong sinabi.

"Kapal mo."bulong ko sa sarili at diniin ang pag pindot ng mouse.

He just smirked and directly went out.

Pagsarado niya ng pintuan agad kong dinampot ang isang buong tissue at hinagis doon malapit sa pinto. Hindi pa talaga siya nakuntento sa paghalik sakin?! Makikipag lampungan pa talaga siya sa babaeng yun?! Ba't siya dito sa opisina ko namumugad araw araw?

Trapped(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon