Chapter 20

134 2 0
                                    


#Trapped

Hininto ko ang vios di kalayuan sa gate. I know that Kuya Guard was there. Lumabas ako lumapit kung saan ang house niya nasa gilid ng gate.

"Good evening,kuya..."nakangiti kong bati sa kanya.

Kumunot naman ang noo niya. Nagtataka siguro siya kung anong gagawin ko dito sa mga oras na 'to.

"Ma'am? Gabi na po, ah? Ano pong ginagawa niyo dito?"

Mas lumawak ang ngiti ko sa tanong niya. "May kukunin lang po ako sa office,Kuya. Sandali lang po ako." Pagsisinungaling ko.

"Ahh...ganon po ba. Samahan ko na po kayo?" Humagikgik ako sa pamumula ng leeg niya.

"Wag napo,Kuya. Kaya ko naman po. Sandali lang po ako..."sabi ko.

"Pumasok na po kayo,Ma'am."ginaya niya ako papasok sa gate.

Naglakad na ako patungong maze. Medyo maingay sa gym. May nag wo-workout siguro.

Honestly, I really dont know why I am going inside the maze. Sadyang kusa akong tinulak ng aking mga paa papasok roon.

Pumasok na ako sa entrance ng maze. Bawat hakbang ay may galak at saya. Bawat hakbang ay magaan.
Nagsimula ng gumapang ang kaba sa loob ko ng kaharap kona ang exit ng maze.

Haharapin kona 'to.

Tuluyan na akong lumabas at isa isang tinitignan ang mga benches kung saan may tao.

And there...near the tree I saw a man. He is covered with the darkness.
So sobrang bilis ng tibok ng aking puso ay halos lumabas na ito. I know. I know its him...

Nakatalikod siya sa akin. Nasa  pinakadulong bahagi ng eskwelahan kong saan kaharap niyang ang langit.

Humakbang ako palapit sa kanya. Agad niya namang nabantayan at humarap sa akin.

"Hi."ngumiti ako bahagya.

Narinig ko ang malalim niyang mga hininga. Umayos siya ng upo at umusog ng kunti para bigyan ako ng espasyo. Then, I sat beside him.


"How long did you wait for me?"tanong ko.

Nanatili siyang nakatingin sa akin. "Hindi naman masyadong matagal..."malamig niyang sinabi.

Tumango lang ako't humarap sa kalangitan.

The sky tonight was bright. Ngayon ko lang ulit nasilayan ang ganito ka gandang langit. The stars are twinkling and it's shining brightly.

Sobrang tahimik namin. Naisip ko tuloy kung mag uusap ba kami o hindi nalang.

"How was Zaine?"pambasag ko.

Pinasadahan niya ang buhok gamit ang mga daliri. "She's fine. Yun nga lang palaging may nakabantay sa kanya."aniya.

Nagi guilty ako para sa kanya at kay Shong.

Nilingon ko siya. "Gusto ko siyang makausap. May gusto akong sabihin sa kanya."pakiusap ko.

"I'll let you if there's a chance."sagot niya.

May humaplos sa puso ko dahil banayad na pagkakasabi niya.

I sighed.

"Labas silang dalawa dito ni Shong alam mo 'yan. Naawa ako sa kanilang dalawa."malungkot kong sambit.

If this is hopeless for them of then It'll be more hopeless for the two of us.

"Para saan pa ang awa mo kung unang una hindi naman talaga sila para sa isat isa."diin niyang pagkakasabi pero mahinahon.

Trapped(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon