Chapter 5

241 6 0
                                    


#Trapped

Naramdaman ko ang hangin na humahaplos sa aking balat. Dumilat ako at tinanaw ang paligid. Tulog na tulog pa ang dalawang babae na katabi ko. Nasa kama kami at nasa sahig naman ang mga lalaki.

Bumangon ako't umupo sa kama. Nasapo ko ang noo dahil sumakit iyon. Sinuklay ko ang buhok bahagya at dahan dahang tumayo. Pumasok ako sa banyo para mag hilamos at mag toothbrush bago lumabas sa kwarto. Nagkalat sila sa sahig at kung ano ano ang posisyon ng tulog dahil sa kalasingan. Apat na case yata ng beer ang naubos namin kagabi at iilang hard liquors pa.

Nagtungo ako sa veranda ng villa at pinagmasdan ang dagat. It's very peaceful right now. Tingin ko tulog pa ang iba dahil kagabi.

"Hi, Ceerine!" Bati ng babae na naglalakad sa harap ng villa namin.

"Hello..."bati ko rina at kumaway sa kanya.

Kumalam ang sikmura ko kaya naglakad ako papunta sa restaurant para magkape. Tahimik pa pagpasok ko at pang pito yata akong customer sa ngayon. Lumapit ako sa counter at bumungad sa akin ang babaeng crew na nakangiti pati na ang mga kasamahan niya.

"Good morning, miss! What's your order po?" She asked me with a smile.

"Coffee mocha. And please reserved six more cups. Babalikan ko nalang dito." Sabi ko.

"Right away, Ma'am." Tumalikod na siya sakin.

Umupo ako sa high cheer. May lumapit na babae na agad namang inen-tertain ng isa pang crew.

"Two cups coffee mocha,please." Sabi niya sa crew.

Same orders,huh.

Sabi ko sa sarili.

Nakatingin ako sa dagat. At binalik ang tingin sa babae na ngayun ay nakatingin narin sakin.

"Hi!"  Masaya niyang bati.

"Hi..." I smiled.

Naglahad siya ng kamay at lumawak ang ngiti. "Im Sharina Maravello. Nice meeting you." Her dimples showed up and I find it cute.

Inabot ko ang kamay ko sa kanya.

"Ceerine Sveriano. Nice meeting you also, Sharina."

Nagbitaw kami ng kamay.

"Totoo pala ang sinabi ni Kuya. Maganda ka talaga sa personal..."

Nangunot ang noo ko sa sinabi niya. Ako? Maganda? Kuya?

"A-ako? Naku! salamat naman sa Kuya mo. Sino ba siya?" May namoung curiosity sa isip ko.

It would be...

"Kuya Dandrev! Nakita kana niya kahapon pa. Doon sa Mcdonalds?"

I let my mind recall it and yes, its true. Yung mga mata niyang nakatutuk sakin.

"Yeah. I remember." I said shyly.

Nilapag ng crew ang order niya sa counter at agad siyang nagbayad. Pero bago pa siya tumalikod, ngumiti ulit siya sakin.

"Sana makilala mo si Kuya. It would be nice for you to know each other. Una nako. Bye, Ceerine!" Kinuha niya ang dalawang cups at tumalikod na.

Ako? Bakit? Natulala ako sa narinig.

"Sana makilala mo si Kuya. It would be nice for you to know each other."

Naisip ko ulit ang sinabi niya.
Well, feeling ko mabait naman si Dandrev. Nakaka intimidate lang talaga ang titig niya sakin. The way he's stares at me? Naisip ko lang kung ganyan din ba siya sa iba o talagang sakin lang.

Trapped(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon