#TrappedPagkatapos magpaalam nila Dad kasama ang mga Tito ko ay nagpaalam akong lalabas kasama sina Abby at Deb. As always, missing in action ang mga pinsan ko.
Nasa salon kami ngayon ni Deb. Kailangan naming magrelax ng kunti lalo na't babalik sa HongKong si Deb dahil may kunting problema sa Editing Company. Pero babalik din naman siya agad.
Nakahiga kaming tatlo habang nagpapa pedicure. I am holding a magazine habang sila ay nag uusap sa gilid ko.
"Hindi ko akalaing may dirtyside din pala yung mga pinsan mo, Ceerine 'no? Grabe!" Sabi ni Deb at humalakhak.
Bahagya ko siyang sinulyapan at ngumiti.
"Well, all the girls in town drooled at them. Sus! Kung wala lang akong Gab sinunggaban ko na yang si Akie."banat niya na ikinatawa ko.
"Loka loka! Akie wouldn't do that. He's with someone."saad ko at binaba ang magazine.
"Yeah. I heard, he's with that Sharina Maravello girl. Di 'ko lang sure."
"Tama ka. May something sa kanilang dalawa in which I just knew earlier." I directly said.
"Hmm. That Maravello is. Nevermind."tumitig ako kay Deb sa sinabi niya.
I wonder what is he going to say? Ang chismosa ko naman yata kapag nagtanong pa ako kaya binalik ko nalang ang tingin sa magazine.
Tumayo na ang mga manicurista at nagtungo sa uluhan namin. I guess that would be for the hair treatment.
Nilapag ko ang magazine at umayos sa pagkakahiga. Hindi ko yata namalayan na nakatulog pala si Abby pagkatapos ng kwentuhan nila.
"Are you sure you don't want me to come?" I asked Deb, lying down in the other bed.
"Hindi na. I can manage. Its just a couple of days and Im sure bibisita ang mokong na Kiel nayun pag nalaman niya."saad niya sabay irap.
Yes. I've been convincing him that I wanted to come back there but he insisted. And also I somehow miss Kiel.
"Pag si Kiel dumalaw sayo sabihin mong pauwiin siya dito sa Pilipinas dahil kung hindi ipapabomba ko siya sa HongKong!"natatawa kong sabi.
Pati siya natawa narin. "Copy that. Alam ko na 'yan..."yun ang tugon niya.
I was staring at the glass walls. May mga kotse na dumadaan. Hinayaan kong tangayin noon ang utak ko.
"Dandrev..."a woman's irritated voice.
Napabangon ako ng marinig kong boses ng isang babae.
Pero hindi iyon ang nagpatigil sa akin. That name familiar name did. Nagsimulang gumapang ang kaba sa akin at bilis ng pintig ng puso ko. Palagi nalang ito ang nararamdaman ko kapag siya ang pinag uusapan. I might changed for a very long time but one thing is for sure I'm still and I'll always be loving him. No one could ever change that fact."Ma'am, ayos lang po ba kayo?"tanong ng babaeng nag aayos sa akin.
Dahan dahan akong tumango. But before I lay down again nanigas ang buo kong katawan sa nakita. It's him! It's really him! He's with a tall girl. I saw how he held the girl's waist and they both gigled walking towards his car. We never did that kind of thing before. For us, everything is too fast that we couldn't even really know each other. My heart skipped a bit. Hindi ko kaya 'to. Kinapa ko yun at dinama. It breaks again for the second time. Could it possibly be broke for a million times?
Kanina pa nagsilabasan ang mabibigat kong luha. Ngayon pang handa na ako sa lahat ng bagay? Handa na akong harapin ang masasakit na bagay just to win him back again.
BINABASA MO ANG
Trapped(Completed)
General Fiction"May mga bagay na pwede at hindi pwede. May mga taong pwede pero hindi dapat." How will you freed yourself from being trapped to your past? Letting go from it will never be easy. Pain won't leave you until it's ready to leave. Now tell me, will you...