"C-can you come with me?"
Napakunot ng noo si Avery.
"What?"
"What I mean is can you accompany me to the Lost Items section?", ulit nito sa sinabi. "I don't know where it is and I'm not sure whether I can get there or not."
Napataas muli ang kanyang kilay sa sinabi ng lalaki.
"I have a terrible sense of direction.", pahabol pa nito.
Tinitigan niya muna ito upang arokin kung totoo ba ang kanyang sinasabi. May pakiramdam siya na niloloko lamang siya nito.
Titig na titig din sa kanya ang binata. Lihim siyang napasinghap dahil pakiramdam niya hinihila ng mga maiitim na mata ng lalaki ang kanyang kaluluwa. Una siyang umiwas ng tingin at ipinilig ang ulo.
"Fine.", pabuntong-hininga niyang tugon sa lalaki.
"I'm Zyrelle, by the way.", pakilala nito sa sarili habang naglalakad sila pabalik sa venue. Inilahad din nito ang palad upang makipagkamay sa kanya.
"Avery.", tipid niyang sagot at tinanggap na ang nakalahad na palad nito.
oOo
Unang lumabas ng pinto si Avery habang nakasunod naman sa kanya si Zyrelle. Napansin niyang may pagka-gentleman ito dahil pinagbubuksan siya nito ng pinto palagi habang magkasama sila.
Kagagaling lang nila sa opisina kung saan nila i-tinurn over ang nakitang iPhone. Natagalan sila roon dahil ipinaliwanag pa nila ang nangyari. May mga papeles din silang pinirmahan. Marami-rami rin ang tao sa opisina, both looking for and turning over lost items. Umabot ng dalawang oras at kalahati ang inilagi nila roon para matapos ang proseso.
Madilim na sa labas ng matapos sila.
"Thanks for accompanying me. I wouldn't have known what to do if you weren't there.", sabi pa ni Zyrelle.
She chuckled. Grabe naman kasi makapag-thank you ang lalaking ito. Para bang malaking bagay na yung ginawa niya.
"No need for thanks.", sagot niya. "I believe, if you were in my shoes, you would also do the same."
Napangiti ang lalaki. Muntikan na siyang matulala sa ngiti nito. He looks even more handsome when he smiles! May dimples pa na lumitaw sa right cheek nito.
"You're kind.", sabi nito sa kanya. "Want to go grab dinner with me? My treat."
"Oh, no need.", tanggi niya. Sa isip niya, gusto niya na sanang magpahinga dahil flight na niya bukas pabalik ng Pilipinas.
"I insist.", pangungulit pa sa kanya ni Zyrelle. "It's my thanks for helping me out back there."
"You really don't need to."
"Please?"
Napatawa siya ng mahina dahil na rin sa nag-puppy eyes ito. Pinagdaop pa nito ang mga palad na parang nagdadasal upang sumama siya.
"Fine."
May pakiramdam siya na hindi niya matitiis ang binata kahit na ba ilang oras pa lamang silang magkakakilala. Magaan ang loob niya rito at wala naman siyang nakikitang dahilan upang tanggihan ang alok nitong dinner. Nagugutom na rin siya at mukhang makakatipid pa siya sa gastusin.
'Excuses!', may tinig sa likod ng utak niya ang kumakantyaw sa kanya ngunit ipinagwalang bahala na lamang niya iyon.
Napangiti uli ang binata pagkarinig sa sinabi niya.
'Again with that deadly smile!'
"I parked my car there.", sabi nito sabay turo sa direksyon ng parking lot. "We'll have to walk a bit."
Tumango siya at sabay na silang humakbang patungo sa parking lot.
"Where do you want to eat?", tanong nito sa kanya. "We can go for French, Italian, or Japanese. What do you prefer?"
Sandali lamang siya nag-isip bago sumagot.
"Japanese, please."
---
A/N: If you like or dislike the story, let me know. :)
BINABASA MO ANG
[Exclusively Yours] Book 1 - Until I See You Again
RomanceCOMPLETED. Meet Zyrelle Fuentebella, CEO ng Storm Shuffle Entertainment na isa sa mga elite game companies sa Pilipinas. Highly sought after bachelor sa alta sociedad. He's good at his job but there is one thing that makes him stand out from the r...