Chapter 12

3.5K 78 0
                                    

Umaga na.

Nasa sala si Avery at nakaupo sa sofa. Sapo-sapo niya ang kanyang ulo habang matamang nakatitig sa relong pambising. Sinasabayan niya ng pagbibilang ang bawat pag-galaw ng second hand ng kanyang relo.

"307... 308..  309.. 310!", sabi niya at mariing pinikit ang mata.

Tapos na ang five minutes na binigay niya sa sarili. It was probably the worst five minutes of her life as she was waiting for the result of the pregnancy test.

Eto na talaga ang moment of truth! Inaamin niya sa sarili na hindi pa niya gustong magbuntis at pinagdadarasal niya na sana negative ang resulta ng test.

However, that doesn't mean na iniisip niyang i-abort ang bata, if meron nga. Hindi yun pumasok sa isip ni Avery.

Tumayo siya mula sa pagkaka-upo niya sa sala at tinungo ang kanyang kwarto. Nasa ibabaw ng kama niya inilapag ang dalawang pregnancy test kit na ginamit niya kanina. Hindi niya kinaya kanina na maghintay sa resulta ng test dito sa loob ng kwarto dahil baka himatayin lang siya sa sobrang nerbyos. Kaya naman napagpasyahan niyang mag-countdown na lang sa sala.

"One line. Negative. Two lines. Positive.", pa-ulit-ulit niyang sabi sa sarili habang naglalakad patungo sa kama. Pakiramdam niya, isa siyang death row inmate na naglalakad patungo sa kanyang huling hantungan.

Nanginginig ang kamay niyang kinuha at tiningnan ang dalawang bagay na nasa ibabaw ng kama niya.

Napatanga siya sa nakita.

'Shit! Two lines!'

oOo

Kahit na ba nakita na niyang positive ang resulta ng test, nagbakasakali pa rin si Avery na false positive lang yun.

Kaya naman dali-dali siyang pumunta ng ospital at nagpa-check-up sa isang ob-gyne doctor.

"Congrats po, misis!", nakangiting sabi sa kanya ng babaeng doktor. "You are five weeks pregnant na po."

"F-five weeks?", hindi pa ring makapaniwala na turan ni Avery.

"Opo.", sang-ayon ng doktora. "Make sure po na hindi kayo magpapa-stress, misis, especially since first trimester niyo to. Maselan kasi ang katawan ng buntis sa unang tatlong buwan."

Sunod-sunod ang habilin sa kanya ng doktora kung ano ang dapat gawin at iwasan. Wala sa sariling tumango-tango na lamang siya sa pinagsasabi nito. Nag-reseta din ito ng mga bitamina para sa kanya.

"Balik po kayo rito sa akin for a follow-up check-up.", nakangiti pa ring habilin nito. "Sana po sa susunod na check-up natin, kasama na natin si mister."

Tipid na ngiti ang sinagot niya sa doktora.

Pagkalabas niya, nanghihinang umupo siya sa bench na nakahilera sa may entrance ng ospital. Tulala siyang napatitig sa kawalan.

'What now?'

Hindi maiwasan ni Avery na mapaluha ngunit agad din naman niyang pinahid iyon. May sapat pa siyang huwisyo upang hindi mag-drama sa isang pampublikong lugar.

'Kailangan sabihin ko to kina mama.'

Kahit na ba may halong kaba at takot na naghahari sa kalooban ni Avery, napagdesisyonan pa rin niya na unang sabihin sa mga magulang ang balita. Regardless kung paano nabuo ito, the child in her belly is still a gift from God. Kung bakit ibinigay ito ng Panginoon sa kanya, hindi niya alam. Pero ang alam niya, kailangan niyang harapin ang consequences ng ginawa niya sa Vegas.

'It's not good to keep my pregnancy a secret from them, right?'

May respeto siya sa mga magulang at may karapatan ang mga ito na malaman na nabuntis siya. They deserve to know about this.

Nang buo na ang loob niya, hinalungkay muna niya ang kanyang bag at wallet. She checked kung may sapat ba siyang cash para umuwi ng Cebu. Chineck din niya kung dala ba niya ang kanyang ATM card, in case of emergency.

Dahil Sabado naman noon at wala siyang pasok, dumiretso sa airport si Avery at nag-chance passenger sa susunod na flight papuntang Cebu.

Okay lang naman kung wala siyang bagaheng dala dahil may mga damit pa naman siya sa bahay nila roon. Uuwi din siya agad kinabukasan dahil may trabaho pa siya pagka-lunes.

Hindi niya alam kung ano ang magiging reaksyon ng mga magulang niya. But she hopes they can forgive her.

'Bahala na si Batman.'

-----

A/N: Hindi porke't nag-positive ka sa PT ay positive ka talaga. Punta ka dapat ng OB later.

Before ka pumunta ng OB, vote ka muna. :)

[Exclusively Yours] Book 1 - Until I See You AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon