Chapter 17

3.4K 77 0
                                    

Nakabalik na sa Maynila si Avery. Hindi niya pwedeng pabayaan ang kanyang trabaho, lalo na ngayon na may isa na namang dagdag sa kanilang pamilya. She has to work to prepare not only for childbirth but also for the future.

Sa pag-uusap nila ng parents niya last time, nakabuo na sila ng plano for the next months. Magdi-disyembre na kaya naman pwedeng dito na sa Manila magpasko ang mama at papa niya. Si Yvette naman ay uuwi sa mga magulang nito para makapag-pasko.

Dahil manganganak siya ng July sa susunod na taon, napagpasyahan ng mama niya na hindi ito kukuha ng units starting from summer next year up until first sem. Makakasama niya ito starting March. Ang papa naman niya ang makakasama niya starting ngayong pasko.

By end of January, nagiging obvious na ang kanyang baby bump. Naririnig na rin niya ang usap-usapan sa paligid niya.

It was Rhea, her closest co-worker and ka-team rin niya, who had the guts to ask her.

"Buntis ka ba?", tanong nito sa kanya. They were currently taking a break sa pantry at sila lang ang naroon.

"Obvious na ba?", Avery smiled happily habang hinahapit pa ang blusa to show off her bump.

Ever since her parents accepted her baby, natanggap na rin niya sa sarili na magiging ina na siya. She doesn't care what other people thinks as long as her family supports her.

Napalaki ang mata ni Rhea sa tinuran niya.

"So totoo nga?!"

"Yes. I'm three months along."

"Congrats!", mahinang tili ni Rhea. "Hindi ko alam na nagpakasal ka na at magkaka-baby ka na rin!"

"Hindi pa ako kasal.", sabi niya na may tipid na ngiti. "Walang papa to eh."

Mukhang ikinabigla nito ang kanyang sinabi.

"Oh, I'm sorry.", sabi pa si Rhea. Mukha rin hindi nito nagustuhan ang sariling sinabi kaya napatutop ito sa bibig. "I.. I don't know what to say."

Napatawa siya. Sabay na silang bumalik sa kanilang work space.

"Your congratulations is enough.", sabi ni Avery. "This child is a blessing to our family."

"Avery, tawag ka ni Miss Gonzales.", agad na bungad ng isa pa nilang kasamahan sa trabaho ng malarating na sila sa kanilang work space.

Mukhang alam na niya kung ano ang pag-uusapan nila ni Miss Gonzales, ang executive manager nila.

Pumunta agad si Avery sa opisina ni Miss Gonzales.

"Hi, Jem!", bati niya sa sekretarya ni Miss Gonzales. "Tawag raw ako ni Miss Gonzales?"

"Oo.", sagot ni Jem. Tumayo ito sa kinauupuan at ito mismo ang kumatok sa pintuan ng manager.

"Pasok ka.", pinagbuksan siya ng pinto ni Jem matapos nilang marinig magsalita ang nasa loob.

"Miss Montejo.", bungad sa kanya ni Miss Gonzales. "You're here. Please take a seat."

Tumalima naman kaagad siya.

"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa, Miss Montejo.", saad nito. "A rumour around the office has reached my ears. I believe you are also aware about that. What do you have to say about it?"

Napalunok siya. Hindi siya nababahala na may isiping masama sa kanya ang ibang tao pero hindi niya maiwasang mag-alala at baka patalsikin siya sa trabaho dahil sa kanyang kalagayan.

"It's true, Miss Gonzales.", sabi niya. "I am pregnant. Three months pregnant, to be exact."

Tumango-tango ito.

"I never heard you got married, though?",

"This child doesn't have a father, Miss."

"How about a partner? Do you have one?", patuloy pa nitong tanong. "Someone who can help you care for the child?"

Umiling siya.

"There's no one like that.", iling niya. "But my family's supportive of me."

Natahimik ito ng sandali bago bumuntong-hininga.

"I see.", tanging sagot nito. "I don't mean to pry into your situation or even judge you, Miss Montejo. Please don't get me wrong."

"It's okay po.", tipid siyang ngumiti.

"There's a reason why I'm asking all these questions, Miss Montejo.", sabi naman ni Miss Gonzales. "You see, nalalapit na ang company-wide performance evaluation. You are one of the team leaders who are slated for promotion."

"I trust your capabilities and leadership so I was thinking of recommending you for a promotion. However, I heard about the rumors na baka buntis ka nga. Now that you've confirmed the issue, I'm worried na baka hindi mo makayanan ang stress and pressure sa mga susunod na buwan because of this."

"Tell me, Miss Montejo. Do you want the promotion?"

-----

A/N: Like? Vote!

[Exclusively Yours] Book 1 - Until I See You AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon